Sa isang kalsada kung saan nakatayo si Miguel hawak ang kanyang kalawit ay matiim lang nagmamasid si Miguel.
Pinagmamasdan niya ang mga tao sa paligid dahil kahit anong subok niyang maglakd palayo sa lugar ay tila may isang harang sa kanya ay pumipigil.Ang sabi kasi ng gabay at huling bilin nito pa siya maaring makalis hanggat hindi niya natatagpuan ang taong kanyang magiging unang misyon na bantayan maliban na lamang kung makakasanib siya sa isang katawan.
"Lintik na mang buhay to oo kaluluwa ka na nga hindi ka pa binigyan ng kalayaang gumala di ba nila alam na may tinatawag ding malayang kaluluwa o kaya free spirit sa ingles ?"
Sabi nito sa kanyang sarili.Ilang araw na rin siya dito at nag iba na rin ang kapaligiran ng kalsadang minsan niyang nakagisnan kung saan palagi silang naglalaro ng kanyang mga kaibigan. Grabe na ang trapik at polusyon sa lugar na ito di katulad ng bata pa siya.
" Ano nagtataka ka siguro kung bakit iba na ang lugar na to ano ?" Wika ng nilalang sa isip ni Miguel.
" Akala mo magugulat mo pa ako sa pasulpot sulpot mong boses di na uy !!" Sabi ni Miguel sa nilalang.
Natawa naman ang nilalang dahil tila alam ni Miguel na pinagtitripan siya minsan nito
"At nga pala... Bakit nga ba malaki ang pinagbago ng mga bagay bagay dito parang tatlong araw lang ako nawala nag iba na bigla ang kapaligiran ko?. Anong nangyari sa mga kalesa sa mga kasootan ng mga ito bakit parang ang babaduy nila manamit di ba nila alam ang uso!?"
Tanong niya sa nilalang." Ah hindi ko pa pala nasasabi sa iyo na nasa ibang panahon na tayo 2015 na ang kasalukuyang panahon ngayon
At di na uso ang mga ambels na soot mo. " Sabi ng nilalang" Ano ibig mong sabihin hindi na ito ang panahong namatay ako!? 1961!!!
Bakit ang bilis ng lahat!!??.." gulat na tanong ni miguel.Magkaiba ang takbo ng mundo ng kamatayan at mundo ng mga mortal at paibaiba rin pero kapag gabay mo na ang kapangyarihan ng kalawit ay pwedeng pwede ka nang maglakbay sa magkaibang panahon.
Kaya dapat pagaralan mong maigi ang kapangyarihan ng mutya pag nag ilaw na iyan ibig sabihin malapit na ang iyong pakay at heto pa nga pala nakalimutan kong ibigay sa iyo ito ang libreta ng gamit ng kalawit."
Sabi ng nilalang at hinigot nito ang isang maliit na libreta na may mga titik na hindi maintindihan."Teka paano ko naman mababasa to eh hindi ko maintindihan kung instik ba to o latin!?." Sabi nito sa nilalang
At bigla bigla nawala na naman ang nilalang sa kanyang harapan.
" Bwisit ka talagang ulupong ka!!! Iniwan mo na naman ako!!"
Galit na wika ni Miguel."Hay ano nga bang gagawin ko kung sana makaalis ako sa lugar nato baka sakaling mahanap ko ng masmabilis kung sino man ang pakay ko." sabi ni Miguel nang walang kung ano ano ay nagliwanag ang mga mutyang nasa mata ng bungong desenyo sa kanyang kalawit.
May lumabas na aura na tila hinihila siya kung saan at sa wakas ay nakatawod rin siya sa hangganan ng harang niya.May nakita siyang isang bata na tila nakikipagagawan sa isang batang masmalaki sa kanya isang belt bag na kulay green at may mga butas na rin ito pero halatang sinulsi lang.
"Huhuhuuuu akin na yan!!! Akin to eh benta ko yan sa buong araw tapos kukunin mo lang!!!" Umiiyak na sabi ng bata.
"Akin na to ngayon di ka na nga nakapagbigay kahapon tapos muntik mo pa akong takasan ngayon!!!" Singhal ng mas malaking bata sa mas maliit na bata at binatukan pa niya ito sa ulo.
Awang awa si Miguel sa batang inagawan ng belt bag kaya sinugod niya ang batang mas malaki ngunit tumagis lamang siya dito tila nakalimutan niyang isa siyang espirito." Hoy maghanap ka ng kasing laki mo hindot ka!!!! "Angal ni Miguel kahit di siya nito naririnig.
Umalis na rin ang batang siga at tumakbo ng mabilis .Napansin ni Miguel na ang awra ng liwanag ay tila nananatili lang sa batang umiiyak.
Nilapitan niya ang bata at hinaplos ang buhok nito at dito siya nagtaka kung bakit di siya tumagos dito." Siya na siguro ang aking pakay" sabi ni Miguel.
"Huhuhu..... Lagot na naman ako nito bubugbugin na naman ako nito ni Tiyo Berto ko pag wala akong perang maibibigay sa kanya huhuhu..."Tumayo ang bata pero tilang nakikita rin siya ng bata ngunit di lang siya nito pinapansin.
" Hoy bata nakikita mo ako?" Tanong ni Miguel sa bata.
"Oo bakit di mo ako tinulungan katulad ka rin ng iba kita mo na ngang kinukuha na ang gamit ko di ka man lang tumulong ." Sagot nito kay Miguel
" Hindi sa ganoon di lang ako kasi... Ah pano ko ba to ipapaliwanag ? Ikaw lang kasi ang pwedeng makatinig at makakita sa akin." Sabi ni Miguel
"Siraulo ka siguro anong hindi nakikita eh kitang kita kita oh nahahawakan mo nga ako eh!?.
Diyan ka nga baka nalipasan ka lang ng gutom !" Sabi ng bata at tumakbo sa pagaakalang may sayad ang kausap niya.
Sinubukan ni Miguel na habulin ang bata ngunit ng namatay ang ilaw awrang sinusundan niya ay di na rin niya nasundan ang bata tila bumalik ang harang na kanikaninay biglang nawala."Lintik!!! Kailangan kong mahanap ang batang yon" natumba siya ng subukan niya uli'ng tumayo at humakbang.
Kailanagan niya na makahanap ng paraan ngayon pa na kilala na niya ang kanyang misyon.
At bigla bigla naalala niya na pwede pa la siyang sumapi sa pamamagitan ng asul na mutaya s kanyang kalawit.
Kinuha niya ito at nag abang siya sa kung sino ang dadaan.Ilang oras ng nakalipas ......
" Lintik di ko man lang sila mahahawakan para mapasubo sa kanila ang mutyang to paano kaya ito?"
"Ayun may humihikab na lalaki sige lapit pa pag malapit na malapit ka na ibabato ko to sa bibig mo!!! " Gigil na bulong nito sa kanyang sarili.
Ng malapit na ang lalaki ay bigla itong tumawid kung kailang malapit na siya sa kinatatayuan ni Miguel.
" Anak ka ng nanay mo!!! Hayop ka malapit na eh !!!"
Galit na sabi ni Miguel nakakaasar naman talaga.At bigla bigla ay may nasagi siyang asong galisin.
" Teka kaya kong hwakan ang hayop na to !?"
Itutuloy.
Authors note...
Ano kaya ang magyayari sa ating bida sundan natin ang mga susunod na kabanata at sa mga readers diyan pasensiya na kung medyo makaluma akong magsalita kaya ko namang mag sulat ng ayon sa edad niyo eh.
By the way uy.. umi english o
O nga pala ito po ay ang aking unang likha bago lang po ako sa pagsusulat sana po magustuhan niyo.

BINABASA MO ANG
Kaibigan ko ay si Kamatayan
FantasyIsang nilalang na nawalan na ng pagasa , nalugmok sa pighati at kumapit sa patalim ngunit nabigyan ng panibagong buhay para magbago ngunit sadya yatang mapagbiro ang tadhana at ang kanyang nahanap sa halip ay isang kaluluwang tinatawag na kamatayan.