Sa isang magulong lugar sa pasig malapit sa riles kung saan maraming mga batang hamog at mga side car boys kung tawagin ang naninirahan." Diba sabi ko sa iyo pag wala kang maiuwing pera sa pagtitinda magnakaw ka!!!!.Hindi ka na ba talaga na ba talaga tatanda!!!!"
Sabi ng isang lalaki na nasa edad 40 pataas . Habang hinahagupot ng sinturon ang isang batang walang kalaban laban sa kanya.
Palibhasa ay isa siyang kilalang batugan at parang isang stereotype ng bawat mga amain sa buhay ng mga dukha.Siya si Berto maitim ang balat may katamtamang tangkad at malaki ang tiyan siguro dahil sa walang ibang ginagawa kundi ang uminom at makipag usap sa mga tangero niyang kapit bahay sa kanilang lugar.
Mga kaibigan niyang katulad noya ring mga walang hiya at palamunin ng kanilang tahanan.Ang masama pa siya na nga ang walang pakinabang siya pa itong may ganang mambugbog pag walang pang inom. Kaya di mo rin masisisi na takasan siya ng kanyang kinakasamang si Daisy ang nanay ni Benjo.
" Sorry na po di na po ako uulit huwag na po !!! Huhuhu"
Daing at iyak ni Benjo pero di pa rin siya tinatantanan ng kanyang amaing walang silbi.
Di lang palo pati tadyak at suntok kung minsan ang inaabot niya ilang ulit na rin niyang gusto lumayas ngunit palagi siyang nahuhuli ng mga kaibigan ni Berto.
Ibabalik lang siya at pagkatapos bugbog na naman uli ang inaabot niya tila kahit ang mga kapit bahay ay walang magawa kahit habag na habag sila kay Benjo mabuti na nga lang nandiyan si Aling Daleng at hinahatiran siya ng pagkain ng patago .
Ang kapit bahay nilang isang bingi nasa edad 30 na ito kahit na pipi ay masasabi mong magandang babae si Aling Daleng morena at balingkinitan ang katawan di man siya nakakarinig ay nakakabasa naman siya ng bibig o lip reading kahit papano may natatakbuhan si Benjo pag siya ay walang wala at binubugbog ng walang hiya." Siguro magtatanda ka na dahil sa susunod bangkay ka nang pupuluting pabigat ka !!" Ang sabi nito kay Benjo
Marami na naman siyang latay at may mga galos at marka pa ng tadyak ang kanyang likod .
Parang habang buhay sa pagwawari niya ay hinding hindi na siya makakatakas sa isang bangungot ng tadhana at na aalala pa niya ng iwan siya ng kanyang ina."Inay huwag mo kong iwan dito inay !!!! Huhuhu , inay!!!!" Sigaw niya habang umiiyak habang hilahila siya ng walang kwenta niyang amain.
" Sige alis!!! Huwag kang magbabalik dito kung hindi papatayin kita!!!"
Singhal ni Berto kay Daisy .Umiiyak naman itong babae kahit na masakit sa loob niyang iwan ang kanyang anak ay wala siyang magagawa dahil kahit magsumbong siya sa mga pulis ay baka di siya pakinggan dahil maraming kakilalang pulis si Berto at sa katotohanan dati rin itong pulis at natanggal sa kanyang serbisyo mula ng mainvolve sa pangongotong at droga.
"Benjo huuhummmmn!!!"
Iyak ni Daisy di niya akalain na ganito ang kahihinatnan nilang magina .
Dahil sa pagkakautang niya para pangpiyansa nito sa kanyang kinakasama ganito ang sinapit nila.
Di siya nakabayad kahit interes man lang kaya ang siste kinuha ng mga tauhan ng inutangan niya lahat ng mga gamit na mapapakinabangan sa pamapamahay nito ginulpi ng todo si Berto at kung hindi inareglo ng kanyang mga kumpareng pulis siguradong patay na ito at kinalimutan na rin ang utang niya.Pinalayas si Daisy ng kanyang kinakasama at kinuha ang kanyang anak di man niya maatim ang kalungkutan ay minabuti na niyang ulamalis at isinumpa niya pag bumalik siya ay kukunin niya ang anak niya.
Sa isang iskinita may isang asong galisin na palakad lakad tila may hinahanap at paamoy amoy sa palagid walang iba kung hindi ang asong sinapian ni Miguel.
Nang sapilitan niyang pinalunok ang mutya niya ay bigla biglang pumasok siya sa asong galisin ang kanyang kalawit ay biglang nawala na parang usok at tila itong gumagabay sa kanya kung saan siya papunta.

BINABASA MO ANG
Kaibigan ko ay si Kamatayan
FantasyIsang nilalang na nawalan na ng pagasa , nalugmok sa pighati at kumapit sa patalim ngunit nabigyan ng panibagong buhay para magbago ngunit sadya yatang mapagbiro ang tadhana at ang kanyang nahanap sa halip ay isang kaluluwang tinatawag na kamatayan.