Sa estasyon ng pulisya malapit sa pinangyarihan kinunan ng salaysay ang dalawang sekyu na naka duty sa pinangyarihan ng krimen kasama ang ibang tao na sumaklolo kay Kapitan Al.
Ganon din si Kapitan Al makalipas ang isang araw kasama pa nito si aleng Azon at inaalalayan nito dahil masakit pa ang paa niya dahil sa pagkakadagan ng kotse mabuti na lang at walang bali at maga lang.Sinabi ng dalawang sekyu ang kanilang nakita ngunit pinagtawanan lang sila ng mga pulis at ang mga taong kasama nila nang maganap ang pamamaril sa lugar.
Palibhasa nagsitago sila kaya di nila nakita kung paano inihambalos sa hood ng sasakyan si Berto at kung paanong binaril niya ang sarili niyang ulo na parang hindi siya ang may hawak sa sarili niyang mga kamay.Walang naniwala sa kanila pero ang pulis na nag record ng salaysay ng dalawang testigo ay ginawa parin ang report niya.
Dumating ang chief of police sa pinangyarihan at binasa ang report." Anong kabobohan ang mga ito !!??Ito ba ang tinatawag ninyong matinong report!!??'' ang galit na sabi ni Chief Tolentino sa isang batang pulis na nag abot ng report.
" Eh Chief yun lang dalawang sekyu ang nakakita ng buong pangyayari. Ang sabi nila lumabas sila ng makarinig sila ng maraming putok akala nila ay may nagaganap na holdap. Nang nakita nila ang suspect na pinapuputukan ang kotse ay rerespunde daw sana sila pero parang may pumigil daw sa kanila at hindi sila makagalaw at pinatay daw ang suspect ng di nakikitang tao ayun nga ang isa isinugod na sa ospital inatake daw ng high blood" ang sabi nito sa Chief.
" Ano ka isang batang uto uto di ka ba gumagamit ng utak kahit kakarampot lang !!?" Balik ni Chief sa batang pulis.
" Ang cctv sa lugar ni review niyo ba imposibleng walang cctv dito eh bangko to at malapit pa sa ospital!!!?"
Tanong ni Chief."Yun nga chief ang problema nasira ang lahat ng footages sa area na nakikita sa cctv blurred lahat at pinapa ayos pa sa IT natin" sagot naman ng batang officer.
" Bullshit!!! Baka giyerahin tayo ng media pag wala tayong matinong report di ko tatanggapin ang report na yan ibigay niyo nayan kay sarhento Madrigal at sabihin mo bukas na bukas din sibak na siya !!!" Ang mala kanyong sigaw ni Chief na nag aalburuto na sa galit. Kawawang Madrigal ginagawa lang ang kanyang tungkulin pero heto di niya alam na wala na pala siyang trabaho bukas." Pero chief paano mo maipapaliwanag ang mga marka sa kotse yupi yupi yung van at ang hood ng suv parang binagsakan ng mabigat na bagay kita naman natin yung kotse yuping yupi at may marka pa ng katawan ng suspect?" Sagot nito.
Di na nakapagtimpi si Chief at nilukot nito ang folder at hinataw sa ulo ng batang pulis. " Punyeta ka ginagalit mo talaga ako!!!" Sabi ni Chief. Agad naman lumapit ang mga kasamahan nito para awatin si Chief Tolentino.
" Easy lang Chief ang puso mo baka atakihin ka niyan at ikaw naman bata ka bago bago mo pa lang dito parang gusto mong matanggal agad ah. Sige umalis ka na ako na ang bahala kay Chief. Chief hinay lang eh bagito pa yan , ako na ang bahala mag paliwanag sa mga reporters mamaya."
Awat naman ni Captain Kristobal sa Chief nila." Ayusin niyo to ayo ko umabot pa to sa kay Amang at baka maapurnada pa ang promotion ko palagi na lang tayo kinukutya ng mga taga midea na yan palibhasa puro tanga ang nasa departamentong to " sabi ni Chief.
Malakas talaga ang impluwensiya ni Amang o Amang Balgog kahit sa pulisya at sa mga tao sa gobyerno kahit nga ang presidente Penoy ay kinikilala siya. Ang mga bagay na tungkol sa supernatural na pangyayari ay dapat ipapaalam sa kanya malaki ang parusa sa mga taong naglilihim nito sa kanya.
" Kalma lang ako na ang bahala di na to aabot kay Amang "
Ang sabi ni Captain Kristobal.
Nagbibibo bibuhan na naman ang Chief dapat kasi ay sa paranormal crime unit ito pero heto siya umentrada katulad ng marami sa mga pulis na mataas ang katungkulan ay ayaw niyang masapak ang pride niya.
Kahit alam niyang pwede siya mademote pag nalaman ni Amang o ang malala ay patawan siya ng sumpa ng grupo nitong "Pitong Tala".

BINABASA MO ANG
Kaibigan ko ay si Kamatayan
FantasyIsang nilalang na nawalan na ng pagasa , nalugmok sa pighati at kumapit sa patalim ngunit nabigyan ng panibagong buhay para magbago ngunit sadya yatang mapagbiro ang tadhana at ang kanyang nahanap sa halip ay isang kaluluwang tinatawag na kamatayan.