Chapter 5: Sagip

40 1 0
                                    


Disclaimer: Ang mga pangalang nabanggit ay para sa isang piksunal na gamit lamang maaring madali ninyong makikilala ang mga nasabing personalidad kahit pa sadyang binago ko ang mga pangalan ng mga ito.

It's for fun kung baga bawal mag react ang mga snow flakes o mga madamdaming tao sa Wattpad just seat back, relax and enjoy this chapter.

################################

Tatlong araw na ang nakalipas ng mahuli si Berto mula sa barangay hall ay dinala nila ito sa City Precinct ng Pasig.
Alam nilang di magtatagal makakalaya din ang hayop na si Berto kaya ang ginawa ni Kap Al nag meeting , nakiusap siya sa kanyang mga kabarangay na huwag matakot na tumestigo at kung meron pa silang maipapakitang mas malakas na ibidensiya ay mas makakabuti.
Sa ngayon si Benjo ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Lumapit sila sa Tofu brothers sa
" T3  Niyo Rin!!"sa panahong ito di pa solo show ito ni Rap Rap Tofu na ngayon ay isa nang sikat na personalidad sa tv at social media platform na Iyo Tube nanghingi sila ng tulong para sana sa pangpapagamot at bayarin sa ospital at para makasuhan narin ang walang hiyang amain ni Benjo

Di naman sila binigo at may mga taong nag ambag ng tulong na pera at tulong para kay Benjo.

Dahil din sa tulong ni Den Tofu ay naimbistigahan din ang pagsisiga-sigaan ni Berto o ng dating Sargent Roberto Gapang.

Dapat pala ay matagal na ito'ng nakakakulong ngunit dahil may mga protektor na mga kabaro at mataas na heneral sa hanay ng pulisya at isang palabas lang oagkakakulong nito ngaylangan pa tuloy ng pera ang kanyang asawa ng malaking halaga pang piyansa na hindi naman pala kailangan. Imbis naka piit ay malayang nakakagala ang walang hiya.

Patong patong ang kanyang kaso na murder, drug trafficking ,extortion, human trafficking, rape at attempted murder dahil muntik na talagang mamatay ang bata dahil sa pinsalang natamo nagka head injury at may bali pa sa tagiliran ito at himala na lang kung kailang ito magigising. At kung magising man ay himala na lang kung makakalakad pa ito

Sa ngayon laylow din ang mga kaibigang pulis ni Berto.
Natagpuan din sa isang bakanteng lote malapit sa pasig river ang mga bangkay nina Badong, Dado na namatay na kulang ng isang braso at ang walang ulong katawan ni Pitong di na nahanap ang ulo nito at marahil ay pinag interisan ito ng mga asong ulol sa lugar.

Malapit sa lugar kung saan ay nakita ang mga bangkay at natagpuan din ang isang tricycle na gamit ni Dado
Kinilala ito ng mga tambay sa lugar nila hiniram lang din pala ito ni Dado sa kanyang pinsan ngunit hindi na ibinalik.

Nasa state of decomposition na ang mga ito pero dahil sa mga marka sa katawan at di pa gaanong na aagnas na muka ay nakilala nila ang mga ito.

Dinala ito sa morgue ngunit walang  kaanak ang gustong umangkin sa mga ito mga kabarangay lang nila ang nagkumpirma sa mga pagkakakilanlan ng mga bangkay.

Sa isang ospital sa lungsod ng pasig....

"Doc kamusta na ang kalagayan ng bata" tanong ni Kapitan Al.

"Mr. Martinez to tell you frankly di pa sure kung kailan siya magigising. Naayos na namin ang mga bali ng bata at kasalukuyang inoobserbahan may mga gamot pa na kakailanganin  para sa second operation para kunin ang bara sa ugat sa utak ng bata.
Mangangailangan din ng mas malaking halaga para sa operasyon"
Sabi ng doktor.

" Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyong gawin doc at kung sa bayarin sa operasyon huwag kayong mag alala hahanap kamin ng paraan para sa pang opera ng bata lalapit na lang uli kami kay idol Rap Rap at sa Tofu brothers" sabi ni Kap Al sa doktor.

" Ah sige kung ganon aalis na muna ako at marami pa akong pasyenteng aasikasuhin" paalam ng doctor at nag lakad na ito sa kabilang room 215 dahil meron din siyang pasente na isang cancer patient.

     Kaibigan ko ay si KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon