Lumipas ang ilang araw at lumabas na sa mga pahayagan ang balita tungkol sa nangyaring ambush sa grupo ni Don Ramon nagaka onsehan daw, ayun sa pag iimbistiga ng mga tamad na pulis kaya tinambangan ng kalaban na grupo ang grupo ni Don Ramon dahil gusto ng kabilang grupo masolo ang droga at pera ng mga ito 16 na bangkay ang nakita sa lugar. Mga tauhan ni ng grupong Red Strings na grupo ni Don Ramon Chavez at ang grupong Black Spider ni Yu at Braga na matagal nang pinaghahanap ng batas.
Limang araw ang lumipas ay nahanap ang katawan nina Yu at Braga naagnas na ang mga ito at nakita sa magkaibang lugar ang isa ay nagbigti at ang isa ay dahil sa drug overdose.Sa sapantaha naman ng investigative crime unit na SHOKOY ay ginantihan ang mga ito ng mga natitirang mga tauhan ng matandang drug lord dahil kaihinahinala ang pagkamay ng mga ito at base sa state of decomposition ng mga bangkay ay mag tatlong araw pa lang ito naagnas.
Di nila alam na ginamitan ito ni Miguel ng mahika niya pinabagal niya ang pagka bulok ng mga bangkay ng ilang araw para hindi maging kahinahinala na mas una niyang inutas ang buhay ng mga ito.Although considered na case closed na ang kaso ay marami pa ring muni muni sa mga paligid lalo na sa mga taong nakakakilala sa yumaong druglord na siyang topic pa rin sa mga local news.
Sa isang building sa makati malapit sa city hall.......
" Pinuno pinatawag niyo daw ako?" Tanong ng lalaking tinatawag na manager.
Naka upo sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina ang lider ng kulto ng Pitong Tala.
" Manager alam mo na siguro ang nangyari sa huklubang si Ramon at di ako kumbinsido sa imbistigasyon ng mga pulis kaya sabihin mo sa mga kapatid na maghanap ng ibidensiya at angulo.
May hinala ako na may nakiaalam na berdugo" sabi ni Balgog." Opo pinuno at titipunin ko ang mga mangkukulam para magmanman sa pinangyarihan" sabi ni Manager.
" At isa pa nahanap niyo na ba ang hari ng mga Mantas na aswang si haring Argo" tanong ni Balgog.
" Hindi pa po napaka dulas ng demonyong yun muntik na namin siya mahuli pero pekeng katawan lang niya ang aming natagpuan mahigit 30 ang pinadala ng konseho para dakpin siya at isa lang ang nakabalik"
Sabi ni Manager." Huwag kayong titigil hanapin ang traidor na hari, di ako makakapayag na pati ang mga inosenteng bata madamay. Kung magpaparami lang walang problema pero para gawing aswang ang mga bata at ilantad ang lahi ng mga maligno sa publiko ay hindi katanggap tanggap" sabi ng pinuno ng kulto.
Sa barangay Masigasig makalipas ang isang lingo.....
Palaging kinukulit ni aleng Auring si Miguel dahil palagi niya ito dinadalhan ng ulam at niyayaya ang binata na mag kapi sa labas at makipag usap, di alam ng matanda na dinadala lang ni Miguel ang ulam na bigay niya sa bahay nina Daleng.
At isa pa di naman niya kailangan talaga ng pagkain para mabuhay ,ang kagandahan kasi ng katawan niya ay di madaling manghina pag hindi siya
nakakasagap ng matinding emosyon.Nagugulat na lang ang babaeng bingi dahil pagdating niya dapit hapon galing sa ampunan ay may ulam na nakahanda sa lamesa ang sabi daw ni Benjo galing daw sa bagong lipat.
Parati daw itong pumupunta para kamustahin ang tuta at pati na rin si Benjo medyo malapit na rin ang loob ng bata sa lalaki.
" Pakisabi sa kanya sa susunod salamat" sabi ni Daleng.
" At tiyaka pala Aleng Daleng niyaya niya tayo mamasyal at kumain sa labas sa lingo dahil wala daw siyang ibang kakilala dito" sabi ng bata na sinisiguradong nakikita ang bawat pagbigkas ng kanyang bibig.
" Sige pero magpapaalam muna ako kay Al" sabi ni Daleng.
" Si Kap ho ? Bakit Al na lang ang tawag niyo kay Kap ?" Tanong ng bata

BINABASA MO ANG
Kaibigan ko ay si Kamatayan
FantasyIsang nilalang na nawalan na ng pagasa , nalugmok sa pighati at kumapit sa patalim ngunit nabigyan ng panibagong buhay para magbago ngunit sadya yatang mapagbiro ang tadhana at ang kanyang nahanap sa halip ay isang kaluluwang tinatawag na kamatayan.