Chapter 11: Ang pagtatagpo

13 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang isang buwan tila naging sobrang tahimik ng Barangay Masigasig. Hindi katulad noon na garapalan ang krimen dahil sa mga sisiga sigang grupo ni Berto, ngayon konti na lang at halos away magkaoit bahay na lang ang maririnig mong complaint sa barangay.

" Miguel balita ko wala ka pa daw nahahanap na trabaho pero bakit ang dami mo yatang pera?, at di naman kita nakikitang masyadong naglalabas dito sa bahay" sabi ni Aleng Auring.

" Ah may ipon naman po ako at pinapadalhan po ako ng tita ko sa abroad. Huwag po kayong magalala may pang bayad po ako sa susunod na buwan sa upa" sagot ni Miguel sa kasera.

" Ah ganon ba mabuti kung ganon alam mo naman na nagaalala lang ako dahil kung ano anong tsismis na sasagap ko dito sa barangay baka daw  galing sa eligal yang kinikita mo. Pasensiya na talaga nagaalala lang naman ako sa iyo eh" sabi ni Aleng Auring habang hinihimas nito ang braso ni Miguel.

Ang totoo gusto niya lang talaga
makita ang lalaki dahil gusto niya itong yayain mag date pero palagi siyang tinatanggihan ng binata .

" Aleng Auring yung braso ko po baka
may makakita at kung anong masabi ng kapit bahay" sabi ni Miguel.
" Hayaan mo sila teka pala kailan mo ako pagbibugyan sa date natin ako naman ang taya eh" sabi ng matanda.

Napailing na naman si Miguel at nangilabutan sa sinasabi ng matanda parang sakit yata sa ulo ang pagiging gwapo.

" Ah magiging busy pa po ako sa susunod na linggo eh may raket po ako at maghahanap rin po ako ng trabaho pero hayaan niyo po next week pag nakaluwag luwag po ako sasabihan ko po kayo"sabi niya sa matanda.

" Talaga aasahan ko yan sige at yan lang naman ang pinunta ko dito pag may kailangan ka o kung gusto mo pwede kitang ereto sa bakery ng amiga ko " sabi nito habang hibihimas nito sa dibdib ang binata mahilig talaga niyang chancingan ang binata, mabuti at di naman malisyoso ito bago pa nga ito umalis eh kinurot pa nito ang pwet ni Miguel.

" Ay!!!! Napaka sakit naman sa ulo ng kahera mo Miguel palagi na lang yan nandito pagbigyan mo na kaya isang date lang naman" ang sabi ng nilalang kanina pa pala ito sa tabi niya di lang nagpapakita sa matanda.

" Heh!!! Ano akala mo sa akin pumapatol sa sugar mommy di ako ganon no" sabi ni Miguel.
" Eh ano naman masama dun pag pinatulan mo yun libre upa ka na dito libre chibog pa " sabi ng nilalang.

" Di ka ba nangingilabutan sa pinagsasabi mo at isa pa di ko naman talaga kailangan ng pagkain para mabuhay at sina Aguhoy at Ambrosyo lang naman ang uubos niyan pag wala ako" ssbinni Miguel.

" Bahala ka, pero may punto ang matanda maghanap ka na ng trabaho ako na bahala sa mga papeles mo di ka mahihirapan may mga kakilala si Ambrosyo na pwede mong pasukan"
Sabi ng nilalang.

" Yan ang mabuting payo hindi ang ibugaw mo ako kay aleng Auring, mabuti pag may trabaho ako may mapaglilibangan ako habang nagmamanman sa paligid at isa pa isang buwan na rin wala pa ba akong misyon ?" Sabi ni Miguel.

" Huwag kang mainip nasa ibang bansa ang misyon mo ngayon isang anak ng politiko at bugaw para sa mga mayayamang foreigner isasagawa natin sa susunod na linggo.
Alam mo na gagawin mo dapat mag mukhang aksidente o namatay sa sakit" sabi ng nilalang.

" Mabuti naman kung ganon gusto ko talaga tuklasin pa ang galing ng mga sandata ni Supremo palagay ko may kulang sa mga sandatang ito dahil di man lang tumalab sa nakalaban kong aswang" sabi ni Miguel.

" Hindi birong pagsasanay ng espiritwal na lakas ang kakailanganin at tama ka hindi pa subok ang galing ng mga iyan kailangan mong hubugin muli para pumanig sa kapangyarihan ng liwanag nararamdaman ko ang kadiliman sa mga sandata"
Sabi ng nilalang.

     Kaibigan ko ay si KamatayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon