Nang makaalis si Miguel mula sa kanyang misyon ay nag silabasan ang mga tao na nakarinig ng putukan may nag video pa sa pangyayari ngunit malas niya at hindi niya mahahagip ang imahe ni Miguel sa I Phone 6 na gamit niya. Ang nakikita lang sa video ay ang pagpuputukan at kung papano sumabog ang katawan ng matanda.Ang kapre at ang mga alaga nitong mga tamawo ay siyang inatasan ni Miguel na mag usisa kung meron mga taong nakasaksi sa pangyayari. Lilinisin nila ang memorya ng mga ito at palalabasin na nagka onsehan ang dalawang grupo kaya nagkabarilan na siyang ikinamatay ni Don Ramon.
Inisaisa nila ang mga malapit na bahay nagbato sila ng tigalpo para walang maka likha ng gulo at ingay kapag pumasok sila sa mga pamamahay nito.Ang nag video ay kinuha ang kanyang I phone at nilinis ang history nito walang dapat matira kahit kakaunting bahid ng ibidensiya.
Sa bahay ni Daleng habang kumakain ng hapunan....
" Aleng Daleng ang kyut kyut naman ni Pochi saan mo siya nabili ?" Tanong ni Benjo.
" Hindi ko siya binili nakita ko lang siya sa park at naawa ako kaya dinala ko siya sa bahay para alagaan kaya hayan may kalaro ka na kung gusto mo ipasyal natin siya bukas"
Sabi ni Daleng sa bata." Talaga Aleng Daleng , yehey !!!" Ang natutuwang sambit ng bata.
Noong nakaraan lang akala mo ay mamatay na siya heto siya ngayon masaya sa piling ng babaeng itinuring na niyang pangalawang ina.Sadya ngang mapagbiro ang tadhana kung kailan may umaalis sa buhay niya meron namang taong magbabalik ng saya sa kanya pero kahit papano na mi miss parin niya ang kanyang Mama.
" O bakit parang nalungkot ka bigla "
Tanong ni Daleng dahil parang nakikita niya na balisa na naman ang bata.
" Na mi miss ko lang si Mama nasaan na kaya siya ngayon siguro kung nandito siya magkasama tayong mamasyal at kakain sa labas ng masaya " sabi nito.Kahit di man marinig ni Daleng ang bawat sinasabi ng bata nababasa niya sa bibig at sa puso nito ang pagka lumbay talagang hindi mo mapapalitan ang pagmamahal ng tunay na ina, pero handa sa loob ng babaeng bingi na ibigay ang pagaaruga sa batang ito.
" Huwag kang magalala nandito naman kami ni Kapitan para sa iyo at si Pochi di ka namin iiwan pangako yan" sabi ni Daleng na may konting luha sa kanyang mata. Lumuhod siya at yumakap sa bata pinapahiwatig niya na hindi siya nagiisa sa mundo.
Bigla naman tumahol ang tuta at sumampa sa hita ng bata at dinidilaan siya sa mukha.
" Ano ba tong ginagawa ko nakakahiya" sabi ni Miguel sa sarili di niya naisip minsan na gagawin niya to kung anyong tao siya .
Tila ang katawan ng aso ay kusang naglambing sa bata at hindi niya makontrol ang sarili." Pochi nakikiliti ako hahha..." Sabi ni Benjo na nakikiliti naibsan ng kaunti ang kanyang lungkot. Pakiramdam niya mahal na mahal siya ng panginoon dahil di siya pinabayaan na magdusa ng lubusan wala na ang kayang tiyo Berto malaya na siya ,maging ang mga kaibigan ng kanyang amain ay di niya na rin makikita.
" Hahaha huy nag eenjoy ka ata ng husto maging aso ah!!!" Kantiyaw ng nilalang sa isip ni Miguel. Nakita pa niya ang nilalang sa likod ni Daleng at may hawak itong cellphone na android kinuha pala niya ang cellphone ni Peter.
"Hoy walang hiya ka lagot ka sa akin mamaya burahin mo ang bidyo na yan !!!" Sabi ni Miguel gamit ang isip niya.
" Yun kung maabutan mo ako mapakita nga to kay Ambrosyo yung kakampi mong nuno buwahahaha " sabi nito sa nakakalokong tono at biglang nawala.
" Huy tumigil ka inuutsan kita... tigil !!!" Sabi nito sa katawan na sumunod naman bigla.
Kalaunan ng gabi.........Nag dasal muna sina Daleng bago matulog. Nakayakap siya sa bata at sinusuklay suklay ang buhok nito gamit ang mga daliri.
Nakatulog rin naman ang bata at si Daleng wala na silang aalahanin pa wala na ang mga siga sa barangay nila, wala nang magtatangka sa tahimik nilang buhay.

BINABASA MO ANG
Kaibigan ko ay si Kamatayan
FantezieIsang nilalang na nawalan na ng pagasa , nalugmok sa pighati at kumapit sa patalim ngunit nabigyan ng panibagong buhay para magbago ngunit sadya yatang mapagbiro ang tadhana at ang kanyang nahanap sa halip ay isang kaluluwang tinatawag na kamatayan.