PAGKAPASOK palang ni Kareen sa trabaho ay sumalubong na sa kanya ang madaming at sari-saring bulaklak sa lobby ng kompanyang pinagtatrabahoan. Paniguradong galing na naman iyon sa mga mala-edsang haba ng manliligaw ng kanyang amo.
Sino ba namang mabibighani sa kagandahang taglay ng kanilang boss. She is like a real life goddess. Pero deadma naman dito ang mga iyon kahit pa big time ang mga iyon. Mapa-anak ng mga politiko, anak mayaman pero aley talaga. Deadma.
"Wow, dami flawoysh." Manghang Kumento ng kanyang anak. Coco also loves flowers.
"Para mo namang hindi ito nakikita araw-araw kulit." Ani ni Rose sa kanyang anak.
Coco just giggled.
"Ang cute-cute talaga ni kulit." Pinanggigilan naman nito ang matabang pisngi ng kanyang anak. As usual Coco just giggled.
Kaya madalas itong panggigilan ng mga katrabaho niya. Her son is very very adorable. Hindi nganagtagal ay pinagkaguluhan na naman ito ng mga katrabaho niya. Ganoon ang eksena kapag dadalhin niya ang anak roon. Nakakagawa ng traffic ang anak niya sa lobby. Hanggang sa pinagpapasahan na ng mga ito ang anak niya. Ang anak naman niyang gustong-gusto ng atensyon ayon nakipagtawanan sa mga ito.
"Hoy, akin na 'yang anak ko. Gumawa kayo ng inyo kung gusto niyo." Saad niya ng makitang pinaggigilan na naman ang anak niya.
"Eh, sana kung ganyan ka gwapo ang magiging anak ko paglabas, aba.. taon-taon manganganak ako." Si Angeline na sinundan pa iyon ng tawanan.
"Tama, kaya sige na Kareen. Sabihin mo na kung sino tatay niyan. Nang magpaanak din ako." Si Judy.
"Bakit ko naman sasabihin sayo. Baka mahawaan mo ng STD, kawawa naman." Pang-aasar niya.
Hindi naman lingid sa kaalaman niya na wala talagang kahit anong nakuha sa kanya ang anak pwera nalang sa pagiging makulit nito na alam niyang namana nito sa kanya. Pero dahil naman sa anak niya ay madalas siyang kinainggitan ng mga katrabaho o kapitbahay niya. Mas lalo tuloy lumala ang pakiramdam niyang napakaswerte niya sa anak, kahit pa ito na yata ang pinakamakulit na bata sa buong mundo.
Lumabi si Judy na ikinatawa ng mga katrabaho. "Wag mo ng pangarapin dahil hindi mo kasing ganda si Kareen. Hindi mo ba nakikita si kulit, sa hitsura niyan mukha bang pumapatol ang tatay niyan sa mga kagaya mo?" Saad naman ng katrabaho niyang si Marie AKA Mario.
"Ang sakit mong magsalita bakla." Saad ni Judy na mas lalong humaba ang nguso.
"Truth hurts bakla, o tingnan mo iyang nguso mong mukhang pwet ng manok. Mas lalo ka tuloy kinatakutan ng mga Fafa kaya hanggang ngayon wala ka paring jowa." Pang-aasar ng bakla kay Judy.
"Truth hurts pala ah, ako meron puday at malaking dibdib. Ikaw anong meron sayo pader." Paglaban naman ni judy na itinaas pa ang mga dibdib gamit ang mga kamay.
Hindi talaga matatahimik ang mga ito. Madalas mag-away basta magkabungguan.
"Truth hurts, na totoong babae ka nga pero 30 kana wala ka paring jowa." Saad ng bakla na may kasama pang malanding tawa.
Napailing na lamang siya sa mga ito na patuloy paring nagsasagutan. Kinuha niya ang anak mula kay Rose. "Sige na balik na sa pwesto baka dumating na si Ma'am Shield, baka maabutan pa tayo dito."
Nauna na siyang pumasok sa elevator karga ang anak. She was about to press the floor number when her son stop.
"Ako Mama."
"Okay." Coco press the floor number. Napangiti siya, Coco is really smart kid. In his age, he already know how to count one to hundred. Alam niyang namana nito iyon sa ama, he loves number and that made him an engineer. Nalulungkot man pero natutuwa siyang namana ng kanilang anak ang katalinuhan nito.
YOU ARE READING
JEALOUS MEN SERIES 2: Humphrey Aguirre
RandomJEALOUS MEN SERIES 2: Humphrey Aguirre WARNING: R-18 Being inlove is wonderful feeling. Being in love makes us happy and contended. But Life won't be easy when we fall in love. A saying goes, it's not love if it's not hurt. Just like how Kareen de...