LUNES NG UMAGA ay sabay silang pumasok ng binata sa trabaho syempre kasama nila si Coco. Tulad noong unang araw niya sa trabaho sa kumpanya ni Humphrey ay pinagtitinginan sila. As usual, kinagigiliwan ng mga tao ang anak niya na gustong-gusto naman ang atensyon. May nagmamalaking ngiti naman sa mga labi ni Humphrey.
"Want ko walk Mamabott, want ko walk." Saad ni Coco kay Humphrey. Gusto nitong magpababa mula sa pagkakakarga ng binata.
Simula noon ring lumipat siya sa kumpanya ng binata ay madalas na itong tawaging 'Mama boss' ni Coco. Sinabi niya kasi rito na ang binata na ang bago niyang boss. Mama's boss sana iyon kaso bulol ang anak niya kaya naging 'Mama bott.
Naalala niya pa kung paano tumawa ang binata ng una iyong marinig kay Coco. Halata sa mukha nito ang kasiyahan sa simpling tawag na iyon.
"You want to walk?"
Tumango ang maliit na mama.
Nakangiting pinanood niya lamang ang dalawa. Natawa pa siya ng inalalayan pa ng binatang maglakad si Coco. As in nakatayo ito sa likod ni Coco na nakataas ang dalawang kamay na hawak ni Humphrey. Para bang nagtuturong maglakad ng animna buwang bata.
Mahinang pinalo niya ang binata sa braso. "Ano kaba para mo namang tinuturoang maglakad 'yan. Eh kaya na nga n'yang tumukbo." Natatawang saad niya.
"I know, I'm just making them jealous." Tinutukoy nito ay ang mga empleyado o ang mga taong nakatingin sa kanila. Bakas sa mukha ng mga kababaihan roon ang inggit sa kanya.
Ang alam ng mga tao roon ay anak ni Humphrey si Coco, dahil iyon ang ipinakilala ng binata. Feel na feel talaga nito ang pagiging ama ni Coco kahit pa wala naman siyang sinabing anak nga nito si Coco.
Kahit doon rin ay nagpasalamat ang mga tao sa kanila ni Coco. Para bang nakahinga ang mga ito ng maluwag. Hanggang doon rin pala ay kinakabahan o natatakot ang mga empleyado ng binata dahil sa pagiging mainitin nito ng ulo. Ni kahit kailan raw ay hindi ng mga ito nakitang ngumiti ang binata kaya natatakot ang mga empleyado nito, ngayon lang na bumalik siya kasama si Coco. Masyado raw istrikto ang binata na kahit isang maling galaw at tagal agad sa trabaho.
Hindi ng mga ito inakalang magbabago ang binata sa pagdating nila, at lalong hindi ng mga ito inakalang may makulit na side ang binata. Natutuwa man ang mga empleyado hindi naman nawala ang respeto ng mga ito sa binata.
Iyon ang naging obserbasyon niya. Ang sarap lang pakinggan ng mga sinasabi ng mga empleyado tungkol sa kanya. Ngunit hindi naman nawawala ang chismis na binabaliwala nalang niya.
Tumawa siya ng mahina dahil sa sinabi nito at hinayaan ang dalawa hanggang sa makapadok sila sa elevator. Si Coco pa ang nangungunang pumindot ng floor number.
"Wow, your really a smart kid buddy." Papuri ni Humphrey kay Coco na humagikgik naman. Karga na ulit ito ng binata.
"Nga pala, may lunch meeting ka mamaya kay Mr. Flores tungkol sa investment sa kumpanya. At kay Mrs. Dela Cruz, 2pm meeting tungkol doon sa bahay na ipapatayo niya para sa anak niyang ikakasal. Gusto niyang ikaw mismo ang makausap niya. Then, 3pm board meeting. Lastly, kailangan mong permahan 'yong mga tambak-tambak na papelis sa mesa mo." Aniya na ang huling sinabi ay tunog sermon.
Natawa lamang ang binata. "Got it Ma'am."
"Kailangan mong permahan 'yon lahat dahil masyado mo ng pinabayaan iyon." Dagdag niya pa. "Pinapasingit pala ng kaibigan mo ang lunch meeting niyo bukas. Hindi sinabi kung ano tungkol."
Humphrey suddenly kiss her on her cheek na ikinagulat niya. "Thanks Ma'am." He winked.
Gusto sanang mamula ng pisngi niya ngunit panira ang anak niya ng umungot ito. At itinulak ang mukha nita palayo sa binata. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa anak.
YOU ARE READING
JEALOUS MEN SERIES 2: Humphrey Aguirre
RandomJEALOUS MEN SERIES 2: Humphrey Aguirre WARNING: R-18 Being inlove is wonderful feeling. Being in love makes us happy and contended. But Life won't be easy when we fall in love. A saying goes, it's not love if it's not hurt. Just like how Kareen de...