Chapter 22

30 0 0
                                    

"OH Ranger hijo, napadalaw ka?" Anang boses ng Tatay ni Kareen mula sa pintuan sa harap ng bahay.

Kasalukuyang nasa hapag kainan sila para sa haponan ng marinig nila ang pagtunog ng doorbell sa kanilang pintuan. Ang Tatay na niya ang nagbulontaryong buksan ang pintuan.

"Hey bud." Bungad ni Humphrey sa kaibigan ng makapasok ito sa kusina kasama ang kanyang Tatay.

Napangiti siya ng dumapo ang tingin ni Ranger sa hapag. Hindi man nito sabihin ay alam niyang natakam ito ng makita ang mga luto ng nanay niya. Humphrey's friends also used to love her mother's cooking. The best talaga ang nanay niya pagdating sa pagluluto na halos madalas nitong bisita ang mga kaibigan ni Humphrey noon sa bahay nila para ipagluto.

"Ranger hijo. Kamusta kana? Naku, mas lalo kang gumwapo ngayon." Papuri ng kanyang Nanay sa kanilang panauhin.

" 'To enjey" Coco greeted Ranger even his mouth is full.

Ranger gave her mother a smile before he wave at Coco. "Still doing fine Tita. Hey buddy." Pagkatapos ay isa'isa sila nitong binati.

Agad naman itong pinaupo ng kanyang Nanay sa bakanteng upuan katabi ni Karlo. Pagkatapos ay pinaghain ito mismo ng Nanay niya ng pagkain. Ranger smile at her mom's gesture.

"May napupusuan ka na ba ngayon hijo?" Anang kanyang Nanay. Ranger just chuckle.

Sila naman ni Humphrey ay nagpatuloy sa pagkain habang sinusubuan si Coco. Habang ang kanyang mga kapatid ay kinukulit ang bagong dating at paminsan-minsang sinasaway ng kanyang mga magulang sa mga tanong ng dalawa kay Ranger.

Napapailing na lamang sila ni Humphrey at minsa'y natatawa sa kakulitan ng mga kapatid niya.

"Kuya Ranger. Malapit na po birthday ko." Walang hiya-hiyang saad ni Karla.

Sabay naman nilang sinuway ang dalagita pwera nalang kay Humphrey at Ranger na natawa lang.

"Karla!"

Gulat namang napatingin sa kanila si Karla. " 'To naman, nagpaparinig lang eh, syempre sasabihan ko lang si Kuya Ranger na invited siya sa birthday ko. Ang overreacting niyo." Halatang palusot lang nito.

"Magkaroon ka naman ng hiya sa katawan Karla." Anang kanilang Tatay. Si Karla kasi ang tipo ng taong hindi nahihiyang sabihin ang kahit na anong maisipan nito.

"Bebe din, 'To enjay. Yapit na boytdey." Bebe din, Tito Ranger. Malapit na birthday. Biglang singit ng maliit na boses ni Coco na ikinatawa ng lahat. Maging si Karla ay nakatikim ng kurot sa Nanay niyang katabing nakaupo ng dalagita.

"Ayos-ayosin mo 'yang ugali mo at ginagaya ka ng pamangkin mo." Sermon rito ng kanilang Nanay.

Ngumuso lang si Karla at nagsusumbong sa tumingin sa kanilang Tatay.

"Tatay!"

Their father just shrugged his shoulder. While Karlo loves to piss off their youngest said.

"Desurb." Pagkatapos ay sinabayan iyon ng tawa na ikinairita ng kanilang bunso.

Pero syempre dahil hindi magpapatalo ang bunso nila at nakipag-away pa sa kuya nitong mapang-asar. Umingay ang buong kusina dahil sa bangayan ng dalawa. Kaya bago pa man magsalita ang magulang nila ay nauna na siyang suwayin ang dalawa.

"Ilang beses ko bang sasabihin na huwag kayong magbangayan sa harap ni Coco? To think na nasa harapan kayo ng pagkain at bisita." Aniya. Humphrey look at her.

Bigla kasi siyang nairita sa ingay ng dalawa. Hindi niya rin alam, madalas kasi kapag naroon ang mga magulang niya at ganoon ang mga kapatid niya ay natatawa lang siya at nakikisabay pa. Madalas magulang niya ang sumasaway sa dalawa.

JEALOUS MEN SERIES 2: Humphrey AguirreWhere stories live. Discover now