NASA FINANCIAL DEPARTMENT SI KAREEN at siya naman ay naroon parin sa mga papel sa lamesa ng lumapit si Coco sa kanya dala nito ang basong wala ng laman. Na kanina lang ay may lamang gatas.
"Yes my little panda?" Malambing niyang tanong sa malusog na si Coco.
Coco replied with a sweet smile on his cute little lips. Ang sarap panggigilan. "Nana, no moy."
"No more? Good boy." Papuri niya rito saka ito kinarga sa kanyang mga bisig at kinuha ang baso.
"Want ko wotey." ani ng maliit nitong boses.
"Alright, water it is." Dinala niya ito sa kusina upang painumin ng tubig. Ibababa na niya sana ito upang ipagpatuloy nito ang pagdu-drawing ng mangunyapit ito sa kanya na parang unggoy.
Natawa siya. " Your not a panda now. But a monkey."
Ngumuso lang ito at bumungisngis. Kaya sa huli ay nakaupo na ito sa kanyang kandungan habang nasa harapan nila ang mga papelis na hindi niya pa natapos na permahan. Ngunit agad nitong inabot ang ballpen at sinulatan ang linya kung saan dapat ay pirma niya.
Hinayaan niya muna ito dahil baka umiyak pa pagsinaway niya. Habang nagpakabusy ito roon ay hinahalik-halikan naman niya ang ulo ni Coco. Nakatali rin ang buhok nito katulad ng sa kanya, of course Kareen did that.
Nakalimang papel na ito ng pumasok si Kareen sa opisina nila. Yes, he considered it as their office.
"Coco, anak anong ginawa mo?" Gulat na tanong ni Kareen habang nakatingin sa ginagawa ni Coco.
"Tutuyat." Inosenting sagot ni Coco.
"Halata ngang nagsusulat ka. Pero hindi mo dapat ginawa 'yan." Saway rito ni Kareen.
"C'mon easy hon, it's okay, just tell them to approve this papers, their lucky to have Coco's signature on it. See, Coco." Basa niya pa sa sinulat na ni Coco, ang pangalan nito. "My little panda is not just a handsome but also a smart, I'm so proud of you buddy." Humagikgik lang si Coco.
Si Kareen naman ay hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. "Tuwang-tuwa ka pa talaga no? Pag-uuntugin ko kaya 'yang ulo niyo. Ang kukulit niyo talaga."
"No,no Mama, akit 'yon." Ungot ni Coco sabay hawak sa ulo. Natawa siya habang si Kareen ay nagpupuyos sa inis dahil sa kakulitan nilang dalawa.
"Talagang masakit, naku, natutuyo ang dugo ko sa inyong dalawa." Anito saka bumalik sa sariling mesa.
Ilang minuto lang umingay ang buong opisina dahil sa tawanan nilang tatlo ng kilitiin nila ang dalagang ngayon ay tudo iwas sa kanila habang hinahabol nila ni Coco hanggang napahiga ito sa sofa.
"STARING AT MY GIRLFRIEND won't solve any problem Mr. Flores." Matigas na boses na saad ni Humphrey. Saka hinapit siya sa kanyang beywang.
Mukhang hindi nito natiis ang pagtitig ni Mr. Flores sa kanya. Matanda na si Mr. Flores ngunit alam niyang wala namang malisya ang pagtitig nito sa kanya. Sa katunayan nga ay nakangiti ito, sa hindi maduming paraan.
"Oh, your girlfriend. I thought she is just your secretary." Gulat na saad ni Mr. Flores.
"We had a son in that table." Tinuro nito ang kinauupuan ni Coco kasama si Mika sa kabilang mesa. "I hope that's enough evidence to prove you and to tell you that she is not available anymore." Matigas na saad ng binata.
Napatingin naman si Mr. Flores kay Coco at bahagyang namilog ang mata. Gusto ng binatang sumama sila sa meeting ayaw nitong pumayag na si Mika nalang.
"What an adorable kid, he really looks like you especially in the hair department. Very handsome." Papuri ni Mr. Flores may kasama pang mahinang tawa.
YOU ARE READING
JEALOUS MEN SERIES 2: Humphrey Aguirre
RandomJEALOUS MEN SERIES 2: Humphrey Aguirre WARNING: R-18 Being inlove is wonderful feeling. Being in love makes us happy and contended. But Life won't be easy when we fall in love. A saying goes, it's not love if it's not hurt. Just like how Kareen de...