NAKAHIGA NA SI Humphrey habang nakadapa sa dibdib nito si Coco ng lumabas siya. Tumabi siya sa dalawa ng may naisip na itanong sa binata."Pinangakuan mo daw ng sasakyan si Karlo, hindi mo na dapat gawin 'yon. Ang mahal pa n'on." Aniya ng makahiga sa kama.
Humphrey look at her while gently tapping Coco's little butt. "Oh that? I promise it, in exchange of his good grades and Karla too."
Sumimangot siya. "Hindi nanghihingi?"
Umiling ito.
"Pero hindi parin dapat iyong masyadong mahal."
"It's fine with me."
"Kahit na."
Ngumiti lang ang binata at kinabig siya palapit rito at pinaunan sa matipunong braso nito. "Let's sleep."
"Umiiwas ka lang eh."
He just chuckled. "Hmm. This is comfy." He said while rubbing her shoulder.
Napangiti narin siya. "Hmm-mm." Saka nagsusumiksik sa kili-kili nito at sinimot ang mabangong kili-kili ng binata.
Natigilan lamang siya ng tumunog ang cellphone nito."Can you answer it for me please?"
Inabot niga ang cellphone ng binata sa bedside table at handa na sanang sagutin iyon ng makita ang naka-rehistrong pangalan sa caller Id.
Mom calling...
Inabot niya iyon sa binata. Ayaw niya iyong sagutin dahil hindi pa alam ng mga magulang nito na magkasama na ulit sila ng binata baka magulat ang mga iyon. At imbihan siya sa bahay ng mga ito tulad ng dati. Hindi naman pwedeng iiwan si Coco para lang hindi muna malaman ng mga ito ang tungkol kay Coco. At malala baka iyon pa ang magiging dahilan ng pagkabuling ng sekreto niya.
"It's your Mom."
"Oh."
Siya na ang pumindot ng answer button saka inilagay iyon sa tenga ng binata.
"Hey Mom." Sagot nito habang ibinalik ang mga kamay sa pagtapik sa pang-upo ni Coco ng bahagya itong gumalaw.
Biglang sumeryo ang mukha nito at nabahiran ng pag-aalala. Tumigil din ang pagtapik sa pang-upo ni Coco ng marinig ang sinabi ng kabilang linya. Nahuhulaan na niyang masamang balita iyon kahit pa hindi niya narinig ang sinabi ng ina nito sa kabilang linya. Base narin sa reaction ng binata.
"Is he okay?... alright I'm coming... don't worry anymore he will be fine.... alright. Yes Mom...bye." end call.
"Ano daw nangyari? May masamang nangyari ba?" Nag-aalalang tanong niya ng maputol ang tawag.
Buong pag-iingat itong tumayo saka dahan-dahang pinahiga si Coco sa kama upang hindi ito magising. Mahirap na at baka pumalahaw ito ng iyak.
"Yeah, Dad is in hospital. Though he is stable now, my friend assured my Mom but she's still worrying." Saad nito.
"Ano daw nangyari?" Ulit niya.
"He had a heart attack. When they are about to sleep."
"Magiging okay naman siguro siya diba?"
Malambot ang mukhang tumingin sa kanya ang binata ng marinig nito ang pag-aalala sa boses niya.
"He will be fine. Alright? But I had to console my Mom."
Tumango siya. "Kung pwede lang sana akong pumunta, pupunta ako kaya lang baka umiyak si Coco."
"No need hon, Uuwi rin naman ako pagkatapos."
"Baka mapagod ka masyado, dumiretso ka nalang sa opisina bukas." Aniya.
"How about Coco?"
"Ipapaliwanag ko sa kanya bukas. Maiintindihan niya iyon." Paninigurado niya rito dahil baka madagdagan pa ang inaalala nito.
YOU ARE READING
JEALOUS MEN SERIES 2: Humphrey Aguirre
RandomJEALOUS MEN SERIES 2: Humphrey Aguirre WARNING: R-18 Being inlove is wonderful feeling. Being in love makes us happy and contended. But Life won't be easy when we fall in love. A saying goes, it's not love if it's not hurt. Just like how Kareen de...