Nang sumapit ang sabado, nagulat na lamang ako nang makita na nakaupo sa salas ng bahay si Papa at hinihintay ako. Madalas na siyang bumibisita sa akin simula noong birthday ko ng nakaraang taon. Binibilhan niya rin ako ng kung anu-ano at minsan ay inaakit pa akong mamamasyal daw kami. Madalas naman akong tumanggi dahil bukod sa naiilang ako sa presensiya niya, hindi ko pa rin sila lubusang natatanggap.
Pero sa pagkakataong ito, mas nadagdagan ang gulat na naramdaman ko nang makita na may kasama siya sa pagdalaw niya sa aki, ang tunay niyang asawa. Bigla akong natakot na humakbang pababa sa hagdan nang makita sila roon. Bigla kong gustong tumakbo pabalik sa kwarto pero bago ko pa man iyon magawa, nakita na ako ng asawa niya.
Napatayo siya sa gulat nang makita ako. Siya ring pagtayo ni Papa at kaagad na ngumiti sa akin.
"Ysabella..." marahang pagtawag niya sa pangalan ko. Nagdadalawang-isip akong bumaba dahil baka kung anong mangyari kapag bumaba ako roon. Hindi kaya magalit sa akin ang asawa niya? Baka sampalin niya ako o sabunutan dahil nalaman niyang may anak si Papa sa ibang babae?
"P-papa." nagbaba ako ng tingin nang makarating sa harap nila. Nahihiya ako. Marami akong katapangang itinatago sa loob ko pero hindi ko mailabas ngayon. Naduduwag akong humarap sa asawa niya kahit alam kong wala akong ginawang masama. Wala akong kinalaman sa pagtataksil ng mga magulang ko noon. Pero heto ako ngayon at dinadala ang kahihiyan na dulot ng pagkakamaling ginawa nila.
Ako ang sumasalo sa lahat.
"Lucy, ito si Ysabella..." pagpapakilala ni Papa sa akin. Nanatili ang tingin ko sa lupa at itinago ang nanginginig kong mga daliri sa likod. "Anak ko." dugsong pa niya.
Nangilid ang luha ko sa sinabi niya. Hindi niya ito ginagawa dati. Ilang beses na ba niya akong itinanggi noon? Mas nadagdagan ang galit ko para sa kaniya dahil sa ginawa niya sa akin dati. Ikinakahiya niya ako. Gusto niya akong itago sa anak niya at sa pamilya niya.
Pero ngayon, harap-harapan na niya akong ipinapakilala sa asawa niya.
"Ysabella, ito ang Tita Lucy mo, asawa ko." napilitan akong mag-angat ng tingin nang hawakan niya ako sa braso.
Bumaling ako sa kanilang dalawa, ang akala ko ay makakatanggap ako ng sampal o sabunot sa buhok subalit imbes na iyon ang matanggap ko, sinalubong ako ng ngiti nilang dalawa.
"G-good morning po." umiwas kaagad ako ng tingin. Napadako ang tingin ko kay Lola na nasa may pinto ng kusina at pinapanood kami. Ngumiti siya sa akin na parang pinapalakas ang loob ko.
"Look at you! You are so pretty." nahigit ko ang hininga nang bigla akong yakapin ng asawa niya. Naitaas ko ang kamay ko dahil hindi ko alam kung saan ako kakapit. Hindi ko alam kung gaganti ba ako ng yakap o ano. "You are so pretty." ngiti niya sa akin nang putulin ang yakap. Napakurap-kurap ako nang haplusin niya ang buhok ko.
Bumaling ako kay Papa, nakangiti lang siya sa amin.
Bakit ganito? I was really expecting that she would slap me. Her husband cheated at ako ang bunga ng kasalanan niya. Dapat siyang magalit sa akin. Kaya bakit siya nakangiti ngayon? Or is this some kind of pretence? Baka nagpapanggap lang siya na tanggap niya ako. Baka naman nagkakamali lang ako ng akala.
But no…
I can see her eyes... it was pure and genuine. I can't see any hint of sarcasm or pretentious manner in her. Now I won't ask why my father fell in love with a woman like her. I wonder why he chose to cheat. She have everything.
Maganda... mabait.
We spent the whole morning talking. Pagkatapos mag-agahan ay hinila kaagad ako ni Tita Lucy sa salas para makipag-kwentuhan sa akin. Naiilang ako sa kaniya. Her smile is too bright for me. Gusto kong maguilty dahil hindi ko napuri ng ganito si Mama kahit kailan. Hindi rin naman siya naging ganito sa akin. I can't remember anything in my memories that she caressed my hair and hugged me like her real daughter. Walang ganoon dahil matagal niya akong iniwan sa pangangalaga ni Lola.
"So you're turning nineteen this September?"
"O-opo." sagot ko naman. Iniiwasan kong tumingin sa kaniya dahil hindi ko mapigilang purihin siya sa isip ko sa tuwing nakikita ang mukha niya.
"Oh... isang taon lang tanda ni Kate sa'yo." she analyzed the situation so easy. Naibaba ko naman kaagad ang paningin nang mabanggit ang isa niyang anak. That Kate she was talking about, I bet she already hate me. Natatandaan kong muntik na kaming magsabunutan noon nang bumili ako ng sketchpad para sa birthday ni Ibarra.
And speaking of...
"Nasaan po si Kate?" ang alam ko magkaibigan din sila. I've asked Papa about this once. Nalaman ko na magkaibigan nga silang dalawa. Hindi ko alam kung paano.
"She's in Manila. Actually we just dropped by here for a while. Pagkatapos ay ba-byahe na rin kami papunta roon."
Tumango-tango ako. "Doon po siya pumapasok?"
Umiling siya. "No, may sinasamahan lang na kaibigan. Ayaw niyang iwanan eh. Hindi naman namin mapigilan dahil bawal siyang mastress."
Bigla akong na-curious nang mabanggit niya ang isang kaibigan. Could it be Ibarra? Alam ko namang maraming ibang kaibigan ang posible niyang samahan, but Ibarra is our mutual friend. Hindi naman imposible 'di ba?
"Sino pong kaibigan?" I don't know what I would feel kapag nalaman ko kung siya nga ang kasama ni Kate sa Manila. Hindi iyon imposibleng mangyari.
"It's-
"Ysabella." naputol ang sasabihin ni Tita Lucy nang tawagin ako ni Papa. "Babalik kami sa isang linggo. May kailangan lang kaming asikasuhin ngayon." tumango ako sa kaniya.
Tumayo ang asawa niya kaya tumayo na rin ako. They both gave me one last hug before they left our house. Kita ko ang tuwa sa mata ni Papa habang pinagmamasdan kaming mag-usap ni Tita Lucy kanina.
Natutuwa rin ako...
Kasi akala ko hindi ako matatanggap ng asawa niya. Ganoon naman palagi ang nangyayari. Siguro nasanay lang ako sa mga palabas na napapanood ko at sa lipunang kinabibilangan ko kung saan napakamapanghusga ng mga tao. Inaasahan ko noong una na hindi niya ako matatanggap para less disappoinment ang matatanggap ko sa sarili ko.
Pero nagkamali ako.
Dahil hindi lahat ng tao ay mapanghusga.
"Anong masasabi mo sa asawa ng Papa mo?" napabaling ako kay Lola nang magsalita siya sa gilid ko.
"Mabait po siya... at maganda."
"Tama ka."
"Ang akala ko po magagalit siya sa akin." nagbaba ako ng tingin kay Lola.
"Bakit siya magagalit sa'yo?"
"Kasi nagkaroon ng anak si Papa sa ibang babae."
Narinig ko ang pagtawa ni Lola. Sa pagtataka ay muli akong bumaling sa kaniya.
"Hindi naman lahat ng tao ganoon. Siguro ay naiintindihan niyang hindi mo naman kasalanan na nagkasala ang mga magulang mo noon. Alam niyang wala kang kasalanan, apo."
Alam kong marami akong paniniwala sa mga bagay-bagay na taliwas sa nakararami. Nagpapaka-praktikal lang kasi ako. Iniisip ko ang mga masamang dulot na posibleng mangyari kaysa sa mga mabubuti. Ginagawa ko iyon para sa huli hindi ako umasa at madisappoint sa huli. Sa ganitong paraan ako nabuhay sa loob ng ilang taon.
Hinawakan ako sa balikat ni Lola at saka niyakap. Naramdaman ko na lang ang paghaplos niya sa buhok ko.
"Alalahanin mo, Ysabella..." bulong niya sa akin. "Karapat-dapat kang mahalin."
Tumatak sa akin lahat ng sinabi ni Lola nang araw na iyon. Bigla kong naisip kung karapat-dapat nga ba akong mahalin? Hindi ako mabuting tao, alam ko iyon sa sarili ko. Naisip ko noong bata ako na siguro hindi naman talaga totoo na nagmamahalan ang mga tao, kasi kung ganoon, sana walang mga taong nagloloko. Sana walang naiiwan at nasasaktan. Sana nakukuntento sila sa kung anong meron sa kanila.
Takot ako na mahulog dahil ayaw kong masaktan sa huli, ayaw kong maranasang umiyak nang umiyak magdamag kagaya ng ginagawa at nangyayari sa iba. Ayaw kong magmukhang mahina at kaawa-awa kaya ginawa kong laro ang lahat. Pumapasok ako sa mga relasyon pero hindi ko sineseryoso. Wala akong pakialam kung makasakit man ako ng damdamin ng iba basta ang mahalaga ay ligtas ako.
Ligtas ako sa anumang klase ng sakit.
Alam kong hindi tama pero wala akong pinagsisisihan. Kasi sa pamamagitan noon, marami akong natutunan.
BINABASA MO ANG
I Like Him
Teen FictionBOOK 2 'Hihintayin kita hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.' Date started : June 3, 2021 Date finished : August 10, 2021