Chapter 12

162 17 2
                                    

Tulala ako habang nakaupo sa waiting area ng ospital. Nasa tabi ko sina Miguel na wala ring imik simula nang makarating kami rito. Halos tatlong oras na rin kaming naghihintay. Madilim na panigurado sa labas. Gusto ko lang umuwi at itulog lahat ng isipin ko ngayon pero hindi pwede.

Unti-unti akong nilalamon ng konsyensya dahil kasalanan ko ang nangyari. Kahit saang anggulo mo tingnan, kasalanan ko.

"Huwag ka nang mag-alala, Bella. Magiging maayos din ang kapatid mo." pampalubag-loob na ani ni Antonio sa aking tabi. Mahina niya akong tinapik sa balikat. Nanatili naman ang tingin ko sa sahig dahil hindi nabawasan niyon ang pag-aalala sa dibdib ko.

Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako nakipag-usap pa sa kaniya. Naiintindihan ko na kung bakit inako ni Ibarra ang paglilinis kanina para kay Kate. Naiintindihan ko na kung bakit niya ito pinalabas para hindi maalikabukan. Pinangunahan ako ng selos at sama ng loob na hindi ko na rin namalayan ang mga ginagawa ko.

Napaahon ako sa pagkakatayo nang makitang lumabas si Tita Lucy sa kwarto ni Kate. Kaagad akong lumapit sa kaniya.

"T-Tita, I'm sorry. Hindi ko po sinasadya-

"Huwag mo muna akong kausapin, hija." aniya at seryosong bumaling sa akin. Sa takot na baka bigla niya akong sampalin ay natahimik na lamang ako. "Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag may nangyaring masama sa anak ko."

I felt that.

And I understand it clearly.

Tita Lucy is the mother figure that I've always dreamed before. Siya ang klase ng nanay na pinapangarap kong magkaroon. She's so lovely, sweet and caring when it comes to her daughters. Maging ako ay naambunan ng kabaitan niya. Kaya hindi ako nagtataka na naging ganiyan ang reaksyon niya nang mapahamak si Kate.

Kahit nakokonsensiya ako ngayon sa nangyari, hindi ko pa rin maiwasang maiinggit kay Kate.

Dahil siya, kompleto ang pamilya niya at hindi komplikado. Mayroon siyang mapagmahal na magulang na handang gawin lahat para sa kaniya. Maganda ang buhay niya. At si Ibarra... palaging nandiyan para sa kaniya.

Hindi katulad ko.

Nanatili akong nakatayo roon kung saan ako iniwan ni Tita Lucy. Wala pa akong lakas ng loob na bumalik doon. Hindi ko rin alam kung bibisitahin ko pa sa kwarto niya si Kate o uuwi na lang. Ang bigat sa pakiramdam habang nandito ako. Pakiramdam ko sa tuwing tinitingnan ako ng mga tao, sinisisi nila ako lahat sa kasalanang hindi ko sinasadyang gawin.

Habang naglalakad ako pabalik ay nakasalubong ko si Papa. Kaagad niya akong nakita at tumigil sa harap ko. Tumigil din ako at napayuko na lang sa harap niya.

"Ysabella..." pagtawag niya sa akin. Kahit kinakabahan ay pinilit ko pa ring mag-angat ng tingin. "Hindi ako makapaniwalang sinadya mo iyong gawin sa kapatid mo." dismayadong aniya sa akin na siyang ikinagulat ko.

"H-hindi ko po sinasadya, Papa-

"Sinabi na sa akin ng kapatid mo lahat ng nangyari. Nag-away daw kayo?"

Sa bandang huli, napili ko na lang na huwag magsalita. Ibinaba ko ang tingin sa lupa at doon itinago ang labis na pamumula ng mata ko.

"At dahil ito kay Ibarra?" patanong na aniya. Hindi ako sumagot. Inisiip ko na wala na ring silbi kung ipagtatanggol ko pa ang sarili ko. Nasabi na pala lahat eh, wala na rin akong ikukwento. Gusto ko sanang sabihin na hindi lang naman tungkol kay Ibarra ang pinag-awayan namin. Tungkol rin sa kaniya. Kay Papa. Alam ko naman talaga kung saan ako lulugar. Nakakainis at nakakagalit lang na kailangan pa niyang ipagdiinan iyon.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Papa.

"Ysabella, mas sensitive at sakitin si Kate higit pa sa inaasahan mo. Kung pwede sana, huwag ka ng gumawa ng kahit na ano pang ikapapahamak niya." tumango ako at pinigilan ang luha habang nakatingin sa sahig. Ikinuyom ko ang kamao upang pigilan ang panginginig nito dahil sa pinaghalong hiya at sama ng loob. "At kung pwede sana, anak..." naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko.

I Like HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon