Chapter 29

186 16 8
                                    

Makalipas ang higit isang oras ay nagpasya kaming mag-bon fire sa tabing dagat. Ang mga lalaki ang namulot ng mga kahoy at sila rin mismo ang nagsindi ng apoy. Kami naman ni Sam ay mabilis na kumuha ng mga maiinom at dinala iyon sa kanila.

"Ano iyan?" kunot-noong tanong sa amin ni Miguel.

"Alak ang tawag diyan, duh!" si Sam.

"Alam ko pahinge."

Umupo kami sa buhanginan at binuksan ang kaniya-kaniyang inumin. Si Kate lang ang hindi makakainom dahil bawal ito sa kaniya. Kawawang bata.

Noong mga unang minuto ay nakatulala lamang kami sa apoy habang tahimik na umiinom. Malamig ang hangin na nagmumula sa dalampasigan. Marami ring bituin sa itaas kaya nagpasya muna akong mahiga at tumitig dito habang wala pa kaming naiisip na gawin. Napatingin sa akin si Kate na nasa tabi ko. Nakataas ang kilay niya. Hindi na lang ako nagsalita.

Paniguradong first time niya sumama sa mga ganitong outing dahil wala naman siyang ibang kaibigan. Masyadong overprotective sa kaniya si Papa.

"Spin the bottle tayo." anas ni Miguel. Sa hula ko ay siya ang unang nakaubos ng kaniya-kaniyang inumin sa aming lahat.

"Spin the bottle na naman?" reklamo ni Antonio. Nagtawanan kami.

"Eh anong gusto niyong laro? Paunahang lumangoy hanggang sa Mako?" sarkastikong tanong ni Miguel. "Ito na lang, hindi naman nalalaos 'tong laro na ito. Parang kagwapuhan ko lang." dagdag pa niya.

Mabilis akong napabangon sa sinabi niya. Balak ko na sana siyang batuhin ng bote pero naunahan na kami ni Antonio. Nagpapambuno sila ngayon sa buhanginan.

"Tama na nga iyan, para talaga kayong bata." suway sa kanila ni Gregorio. Umayos ng upo ang dalawa. Ipinagpilitan pa rin ni Miguel na spin the bottle na lang ang laruin namin kaya sumang-ayon na rin ang lahat.

"Tapos truth or dare na naman? Wala na bang bago?" nauumay na reklamo ni Sam.

"Gusto mo ng bago? Sige doon ka sa cottage huwag ka sumali sa amin." sarkastikong anas sa kaniya ni Miguel.

"Dare na lang wala ng truth para masaya." ngumisi si Antonio sa amin na parang demonyo. Kaagad na umangal sa kaniya ang ilan.

"Wala akong tiwala sa ngisi mo!" si Miguel.

"Wala rin naman akong tiwala sa'yo!"

Umabot pa ng ilang minuto ang pagtatalo nila hanggang sa mapagdesisyunan na 'dare'na lang ang gagawin ng lahat sa oras na tumapat sa kanila ang bote.

"Sige game na ha." hawak ni Miguel ang bote kaya siya ang nag-ikot nito.

Umikot nang umikot ang bote sa gitna. Nakatitig lang kami lahat dito at hinihintay kung saan ito titigil. Bumagal ang pag-ikot ng bote hanggang sa tumigil ito kay Miguel mismo. Napakamot siya sa ulo.

"Ako na magtatanong!" kaagad na sigaw ni Antonio sa kaniyang tabi. Ngumisi siya sa lalaki. Kita ko naman ang pagkawala ng kulay sa mukha ni Miguel.

"P-pare, magkaibigan tayo." aniya sa kaibigan.

"Oo nga, kaya walang taong aalis ngayong gabi ng hindi nagagawa ang mga gusto ko." ngumisi siya sa aming lahat. Napalunok naman ako. Pakiramdam ko ay hindi magiging maganda ang kakalabasan nito. Nakangising bumaling siya kay Miguel bago nag-utos. "Kapag hindi mo nagawa itong i-uutos ko sa'yo, lalangoy ka sa dagat sa loob ng limang minuto."

"Ano ba kasi iyan?"

Ngumisi muna si Antonio.

"'Di ba sabi mo may nagugustuhan ka sa grupo natin? Bakit hindi ka magtapat ngayon sa kaniya?" nakangising anas niya. Mas lalong nawalan ng kulay ang mukhang ni Miguel.

I Like HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon