"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Sam nang magbreaktime kinalunesan.
Matamlay naman akong tumingin sa kaniya at umiling. Naulanan ako no'ng nakaraang friday kaya nilagnat ako ng dalawang araw. Pinilit ko pa ring pumasok ngayong araw dahil ayaw kong magkaroon ng absent lalo na at magsisimula na kaming gumawa ng research namin ngayon.
"Dadalhin na ba kita sa clinic?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
Umiling lamang ako saka isinubsob ang mukha sa desk. "Kaya ko naman, huwag ka nang mag-alala." kulob ang boses na ani ko.
Naramdaman ko namang hinipo niya ang leeg at noo ko.
"Eh ang init mo pa eh! Umuwi ka na kaya sa inyo? Bakit kasi pumasok ka pa ngayon eh." inis na aniya sa akin. "Ano ihahatid na ba kita?"
"Hindi na nga." uminom naman na ako ng gamot kanina. Paniguradong mawawala na rin kaagad ito.
"Anong nangyayari?" boses ni Miguel ang narinig ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita silang kadarating ni Antonio galing sa canteen. Kaagad silang naglapag ng pagkain at tubig sa harap namin kahit wala kaming pinapabili.
"Itong si Ysabella kasi, nilalagnat." anas ni Sam.
Kaagad naman sa aking lumingon ang dalawa at hinipo rin ang noo ko.
"May lagnat ka ngang bata ka." si Miguel. Kaagad siyang tinabig ni Antonio para mas lumapit sa akin.
"Tara sa clinic." pag-aakit niya.
Umiling ako at isinubsob na lamang muli ang ulo sa desk ng table. Narinig ko naman at mga pamimilit nila sa akin subalit hindi ko na pinansin. Pinakaayaw ko sa lahat ay iyong idadala ako sa clinic kahit maliit na bagay lamang naman ang dahilan. Pumupunta kami roon dati para magpanggap na nilalagnat pero ang totoo ay gusto lang naming makaligtas sa discussion. Pero sa tuwing lalagnatin ako ng totoo, hindi ko naman gustong pumunta roon para macheck up ng nurse.
Dumating si Queen na siyang president pa rin namin sa taong ito at nag-aanouce sa unahan. Umangal ang lahat nang sabihin niya na maglilipat daw kami ng classroom at kailangan naming buhatin ang mga upuan papunta sa classroom na lilipatan namin. Maraming umangal pero wala rin namang nagawa kundi ang sumunod.
Namroblema naman kaagad ako dahil hindi ko alam kung paano ko bubuhatin ang sa akin. Gawa iyon sa bakal at kahoy kaya mahirap, idagdag pa na medyo masakit ang ulo ko ngayon.
"Diyan na lang kayo, babalikan na lang namin iyang sa inyo."
Laking pasasalamat ko nang mag-alok ng tulong sina Antonio. Hindi na namin kailangang magbuhat ni Sam ng mga upuan. Napatingin naman sa akin si Andres nang dumating sila ni Gregorio. Nakita nila ang mga kaklaseng nagbubuhat na ng mga upuan.
Kaagad akong umiwas ng tingin kay Andres. Nitong nakaraang dalawang araw, napag-isipan ko na dedistansya muna ako sa kaniya. Kahit hindi siya umaamin sa akin kung ano ang tunay na nararamdaman niya, hindi naman ako manhid para hindi maintindihan at mapansin iyon.
Ngayon lang ako napunta sa isang sitwasyon na ayaw kong patulan o i-entertain ang nararamdaman sa akin ng isang tao. Dati kasi ay masyado akong bukas pagdating sa mga relasyon. Kapag nagparamdam sila, papatulan ko na kaagad depende kung tipo ko. Kapag naman hindi ko gusto ang mukha, aayawan ko na kaagad ng walang pag-aalinlangan. Alam kong masyado akong mapanghusga noon, simpleng bagay ginagawan ko ng mga masasamang komento.
Pero ngayon, natutunan kong hindi ko dapat gawin iyon sa mga tao. Hindi dapat ako manghusga. Hindi dapat ako manakit ng damdamin ng isang tao.
At si Andres... kahit alam ko ang nararamdaman niya para sa akin at kahit gusto ko siyang patigilin, hindi ko magawa. Hindi ko masabi ng diretso. Hindi ko alam kung anong pumipigil sa akin. Siguro masyado lang akong intimidated sa presensiya niya. Masyado siyang seryoso para sa akin.
BINABASA MO ANG
I Like Him
Teen FictionBOOK 2 'Hihintayin kita hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.' Date started : June 3, 2021 Date finished : August 10, 2021