Thank you for reading my story!
Happy endings are stories that haven't ended yet.
_Nagpatuloy ang mga nalalabing araw namin sa senior highschool. Isang buwan na lang at graduation na namin kaya mas naging busy ang bawat isa. Nauna ang periodical test namin kaysa sa mga grade 11 dahil kailangan na kaagad ma-compute ang mga grades.
Nagkaroon din kami ng work immersion sa isang kindergarten school sa loob ng dalawang buwan at masasabi kong naging masaya ang mga araw na iyon kahit malilikot ang mga tinuturuan naming bata.
Masaya ako dahil unti-unti, nakita ko na muling nang nagkakaayos ang pamilya ni Sam. Umuuwi na ulit doon si Tito kaya palagi na ring good mood ang kaibigan ko. Kaso nga lang, mas lalo siyang naging maarte... at malandi.
"Shout out doon sa mga kaklase kong muntikan pang bumagsak." pagpaparinig niya sa mga kaklase.
Nagtinginan sa kaniya ang ilan lalo na ang grupo nina Jasper.
"Ayos lang daw kahit bumagsak, sasaluhin mo naman." kantyaw ni Jasper. Naghiyawan ang mga kaklase namin. Nitong mga nakaraang linggo ay mas naging malapit kami sa isa't-isa. Alam kasi namin na sa susunod na mga araw, magkakahiwa-hiwalay na kaming lahat. Malungkot akong napangiti.
"Basta ikaw, baby ko. Sasaluhin kita palagi. Sa akin ka lang dapat bumagsak." humalakhak si Sam sa sariling nasabi. Hindi siya aware sa masamang tingin na ibinibigay sa kaniya ni Gregorio. Maging si Miguel ay halata rin ang iritasyon sa mukha.
Naiiling akong napangiti at saka bumaling sa harap ko. Nahuli ko ang pagtitig sa akin ni Ibarra. Kaagad akong umayos ng upo at nangalumbaba habang tinititigan siya.
Three months na kaming dalawa. Hindi namin direktang sinabi sa aming mga kaibigan pero pakiramdam ko ay nahahalata na rin nila sa mga kilos namin. Noong una ay ikinababahala ko rin si Kate, baka kasi kapag nalaman niya, bigla siyang magsumbong kay Papa o ano. Pero kalaunan ay nawala na rin ang takot ko.
Isang beses kasi ay nahuli niya ako nang hawakan ko ang kamay ni Ibarra. Akala ko ay magagalit siya pero tumitig lang siya bago tumalikod.
Hindi ko alam kung ayos na ba sa kaniya o baka naman may balak siyang iba.
"Nakatitig ka na naman sa akin." anas ko sa kaniya.
Napangiti siya at kaagad na nag-iwas ng tingin. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya.
"Paano kita hindi tititigan? Ang ganda-ganda mo." bulong niya na narinig ko naman.
Napakagat ako ng labi para pigilan ang pagngiti ng todo. Tumikhim ako at saka mabagal na tumayo habang sumusulyap sa paligid. Pasimple akong naupo sa tabi niya na alam kong ikinagulat niya.
"Hindi ka pwede riyan." pabirong aniya. Tumaas lang ang kilay ko at inayos ang upo. Kinuha ko ang kamay niya sa ilalim na nakapatong sa mga hita niya kanina.
"Ako ang batas kaya ako ang masusunod."
Mahina siyang humalakhak sa sinabi ko. Napailing siya saka kamay ko naman ang kinuha at iyon ang pinaglaruan.
"Sabay tayong magpa-enroll sa SLSU. Susunduin kita sa inyo ng alas singko ng umaga tapos dadaan muna tayo ng simbahan." aniya habang pinaglalaruan ang kamay ko.
"A-ang agap naman masyado ng alas singko! Baka tayo ang kaunahan doon."
"Mas mabuti na ang maagap kaysa mahuli tayo roon. Isa pa, anong masama kung tayo ang kaunahan? Ibig sabihin kaunahan din tayong makakauwi."
BINABASA MO ANG
I Like Him
Teen FictionBOOK 2 'Hihintayin kita hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.' Date started : June 3, 2021 Date finished : August 10, 2021