Chapter 32

176 22 4
                                    

Nakakapagtakang mahimbing ang naging pagtulog ko kagabi. Siguro dahil na rin sa masyado akong napagod sa buong maghapon. Ang daming nangyari, pakiramdam ko kulang pa rin ang naging pahinga ko kagabi.

Kaya kahit higit alas otse na ng umaga bumangon, matamlay pa rin ang mga kilos ko.

Mabagal kong pinihit ang sedura ng pinto upang tingnan kung ano na ang nangyayari sa labas. Ang alam ko ay uuwi na rin kami mamayang hapon. Gusto kong magpaalam kung pwedeng mauna na akong umuwi, ayoko ng magtagal pa rito.

Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto, nagulat ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Ibarra na nakaupo sa isang upuan sa harap. Kaagad siyang napatayo nang makita ako.

"Y-Ysabella..." tawag niya sa akin. Rinig ko ang pag-aalangan sa tono niya.

Umiwas ako ng tingin.

"Bakit?" malamig kong tanong sa kaniya. Binitawan ko ang sedura ng pinto at akmang aalis nang harangan niya ako.

Blangko ang mga matang tumitig ako sa kaniya. Kita ko naman ang determinasyon sa mukha niya.

"Kanina pa kita hinihintay na lumabas para mag-agahan. Hinintay talaga kita... dahil alam kong wala kang kasabay. Kanina pa nag-agahan sina Sam." paliwanag niya sa akin.

Muli akong nag-iwas ng tingin.

Ganoon na lang iyon? Pagkatapos ng nangyari kagabi ay aakto na naman siya na parang wala lang? Pagkatapos ay lilipas na naman ang mga ginawa niya sa akin hanggang sa tuluyan naming makalimutan?

"May kasama na akong kumain." anas ko at akmang aalis nang harangan niya ako ulit. Nakita ko ang paglunok niya na parang natatakot sa ekspresyon ng mukha ko.

"S-sino?" naroon ang pag-iingat sa tono niya. Pati ang pagkunot ng noo ay pinipigilan. Para bang iniiwasan niya na magalit o mainis ako sa tanong niya.

Hindi naman ako sumagot. Habang nakatitig ako sa kaniya, mas lalo lang nagsisikip ang dibdib ko. Mas lalo ko lang naalala ang mga ginawa niya sa akin. Lahat-lahat.

Binigyan niya ako ng letter noon na nakasulat sa baybayin. Ang sabi niya hihintayin niya ako hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa aming dalawa. Pero bakit iba ang ipinapakita niya? Bakit parang wala na akong halaga sa kaniya? Bakit saka lang siya lalapit kung kailan nasaktan na niya ako ng sobra?

Bumukas muli ang pinto sa likod namin. Hindi na ako lumingon dahil alam ko kung sino iyon. Gulat namang napabaling sa kaniya si Ibarra na kalaunan ay nauwi sa pagkatulala.

"M-magkasama kayo sa iisang kwarto?" hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi ko alam kung kanino siya nagtatanong, kung kay Andres ba o sa aming dalawa mismo.

Huminga ako ng malalim saka bumaling kay Andres.

"Mauna na ako, sumunod ka na lang sa akin." anas ko at iniwan sila roon. Wala akong ibang intensyon sa sinabi ko. Hindi ko intensyon na gamitin si Andres para pagselosin si Ibarra. Natural na akto lamang iyon. Inaakit ko lang siyang kumain dahil parehas kaming hindi pa nag-aagahan.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo, narinig ko na kaagad ang pagtawag sa akin ni Ibarra. Sumunod siya sa akin. Bahagya pa akong nagulat sa bilis ng lakad niya na parang nagagalit.

"Magkasama kayo sa iisang kwarto?" pag-uulit niya. Sa pagkakataong ito, mas agresibo ang tono. Hindi na rin niya nagawa pang itago ang matinding pagkakakunot ng noo.

"Oo, magkasama nga kami." pag-amin ko na ikinaawang ng labi niya sa gulat. Mas lalong bumilis ang pinapakawalan niyang paghinga. Kita ko ang matinding pagpipigil niya ng emosyon sa harap ko.

I Like HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon