"Tapos na iyong script natin?" Tanong sa akin ni Sam isang umaga ng lunes. Tumango ako sa kaniya saka inabot ang mga papel na ilang gabi ko ring pinagpuyatan. "Naks. Galing talaga sa creative writing." Pagpuri niya sa akin. Ngumisi lamang ako sa kaniya.
Pumasok ako sa classroom namin at dumiretso sa upuan ko. Grade 12 na kami ngayon kaya nagbago na kami ng classroom pero si Sir Wareen pa rin ang adviser. Napatingin ako kay Andres na nakatayo sa kabilang pintuan. Nakatalikod siya sa akin at kinakausap si Gregorio.
Napatingin naman ako kay Sam na ngayon ay natahimik na naman sa aking tabi. May napapansin ako sa kaniya pero hindi ako sigurado. Bigla na lamang siyang natatahimik isang tabi na hindi naman nangyayari dati. Nabawasan na rin ang kaiyangayan niya. Hindi na siya ganoon kasigla kagaya ng dati.
"Sam." Pagtawag ko sa kaniya. Hindi siya tumugon noong una. Nanatili lamang siyang tahimik at nakatulala sa kung saan. "Sam." Nang pangatlong beses na ay saka lamang siya humarap sa akin at tumaas ang kilay.
Napabuntong-hininga ako.
May mga bagay na akala ko mananatili at hindi magbabago. Pero habang tumitingin ako sa kaniya, doon ko napagtanto na hindi lahat ay mananatili sa kung ano sila dati. Habang lumilipas ang panahon, unti-unting nagbabago ang mga bagay-bagay. Kumukupas. Naluluma. Nabubulok.
Napatanto ko na lahat ng problema ko, sinasabi ko sa kaniya. Pero ang mga problema niya sa buhay, hindi niya sinasabi sa akin. Wala siyang nababanggit kahit isa. Miski ang tungkol sa pamilya niya ay hindi niya sa akin nababanggit.
"Bakit?" Takang tanong niya nang makita ang titig ko. Umiling lamang ako.
"Wala." pagpapalusot ko. Alam ko na kung tatanungin ko siya ngayon mismo kung anong problema niya, wala siyang sasabihin. Naisip ko na mas mabuti na kung ako mismo ang makaalam kung meron man talaga.
"Nagpaalam ka na ba sa Lola mo?" pagpapatuloy niya sa usapan. Tumango naman ako sa kaniya. Noong isang araw pa ako nagpaalam tungkol sa birthday ni Miguel mamaya. Pupunta kami sa bahay niya. Kakain... o hindi kaya ay mag-iinuman.
Dumating na ang teacher kaya hindi na rin kami nag-usap pa. I rarely listen to class discussions before. Bored na bored akong makinig ng mga lessons dahil walang pumapasok sa utak ko. But something changed in me. Hindi ko alam kung kusa ba akong nagbago o baka mayroong nag-impluwensya sa akin. Basta ang alam ko ngayon, kailangan kong mag-aral ng mabuti.
This is what he made me realized. Na mahalaga ang pag-aaral. It was before, palagi niya akong mahinang pinupukpok sa ulo o hindi kaya ay mahinang pinipitik sa noo sa tuwing nagrereklamo ako sa mga mahihirap na aralin.
I missed those days...
That is why ayaw kong magalit siya sa akin kapag nalaman niya na hindi ako nag-aaral ng mabuti. When he came back, I want him to be proud of me. Gusto ko na may maipagmamalaki na ako sa kaniya.
"Hinay-hinay." Awat sa akin ni Miguel. Kumakain sila samantalang ako ay inunang inumin ang soju na nakita ko sa ref nila. We became closer to each other. Palagi na kaming magkakasama nina Miguel noong grade 11 hanggang ngayon. Sayang. Mas masaya sana kapag kompleto sila.
"Nauhaw ako eh." Tumawa na lamang ako. Nagulat ako nang bigla sa aking agawin ni Andres ang bote na hawak ko.
"Pagagalitan ka ng Lola mo kapag naglasing ka." Pagpapaalala niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at tumango na lamang. Papagalitan talaga ako. Pinapayagan ako ni Lola na tumikim-tikim basta huwag magpapakalasing. Kapag umuwi akong wala sa sarili, baka palayasin niya ako sa bahay ng wala sa oras. Naging mas maluwag sa akin si Lola, pero marami pa ring bawal.
"Sam! Dito ka! Bakit ka ba lumalayo!" Pagtawag ko sa kaniya nang makitang hindi pa rin siya pumapasok sa bahay nina Miguel. Sinadya kong tumingin kay Gregorio. Nakatuon ang atensyon niya sa cellphone, parang wala siyang pakialam.
BINABASA MO ANG
I Like Him
Novela JuvenilBOOK 2 'Hihintayin kita hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.' Date started : June 3, 2021 Date finished : August 10, 2021