Forty Two

707 22 13
                                    

Kanina pa kami tumatakbo, at hindi ko na alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko, hawak niya ang kamay ko at sumusunod lang ako sa kanya.

Wala nang humahabol sa amin pero hindi pa rin niya ako binibitawan, hindi ko tuloy maihinto ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Saan mo ba ako dadalhin?" hinihingal kong tanong sa kanya. Hindi na ako pamilyar sa lugar na ito sa Manila.

Huminto kami sa pagtakbo at hinila niya niya ako papunta sa gilid ng isang malaking building. Luminga-linga siya na parang may tiningnan.

"We're not safe here. Come on."

"Anong we're not safe? Fans lang naman ang humahabol sa atin! Tsaka huwag ka nang mag-alala, magpapasundo na ako kina kuya. Nasaan ba tayo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"No, hindi lang fans ang humahabol sa atin, may reporters din and kung nasaan tayo..." tiningnan muna niya ako ng seryoso.

"Saan?" inaantay kong tanong sa kanya.

May mga nakikita rin akong malaking building at maraming sasakyang dumadaan. Alam ko na nasa Manila pa kami pero hindi ko alam kung saan banda. Sa laki ba naman ng Manila.

"That... Hindi ko rin alam." gusto ko siyang sapakin. Siya ang humila sa akin dito, tapos hindi pala niya alam kung nasaan kami!

Hindi ko alam kung bakit ba kami nagpapansinan nito, basta ang gusto ko lang, makauwi na.

"Akong nang bahala, magpapasundo ako kina kuya tapos sumabay ka na sa amin, magpahatid ka na kung saan ka man nakatira." inirapan ko siya, at kinuha ang cellphone ko.

"Shit!" nakita kong maraming missed call at text sa cellphone ko, at dahil doon, 5% na lang ang battery!

Magrereply na sana ako sa text ni Maddy pero bigla na lang namatay ang cellphone ko.

"Pahiram ng cellphone." inaantay ko iabot ni Niall ang cellphone niya pero hindi niya binigay.

"That too... Wala akong dala."

"What!?" nanlalaki ang mata ko sa kanya. Nananadya ba siya?

"It's true, naiwan ko sa kotse ko. Wallet lang ang dala ko." pinakita niya sa akin ang wallet niya, at laman ng bulsa niya. Susi lang ng kotse ang laman non.

Napakamot ako sa ulo ko. Wala pa bang mas malas sa nangyayari sa amin ngayon?

At parang dininig ng langit ang naisip ko dahil nagsisimula nang pumatak ang ulan!

"Let's go, mababasa tayo." hinawakan niya ulit ang kamay ko pero pinigilan ko siya.

"Why?" tanong niya sa akin.

"Maglalakad na naman tayo na kitang-kita iyang mukha mo? Ayoko nang habulin ulit ng fans niyo, noh." binuksan ko ang bag ko at kumuha ng panyo.

"Itakip mo sa mukha mo." sinunod naman niya ako.

Tumakbo na kami pagkatapos niyang gawin ang pinapagawa ko.

"So, saan na naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Lalo lang kaming lumalayo at lumalakas na ang ulan.

"Hotel, pahinga muna tayo Manghiram ka rin ng charger mo." tumungo na lang ako at pumasok na kami sa hotel na nakita namin. Sakto naman dahil tuluyan nang lumakas ang ulan.

Pumunta na kami sa front desk, si Niall na sana ang magbabayad pero kinuha ko ang wallet niya.

"Ako na." baka magpakita pa siya ng ID, eh 'di nalaman nila na siya si Niall.
Kumuha ako ng pera sa wallet niya at magbabayad na.

"Two rooms-" pinutol ni Niall ang sasabihin ko.

"One room, Miss." tumungo naman ang babae at sinunod si Niall. Sinamaan ko siya ng tingin. Napangisi naman siya.

Binigyan na kami ng susi at hinila na naman niya ako. Binitiwan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at sumunod na lang sa kanya.

Huminto na kami sa room number namin at binuksan iyon. Malinis ang loob nito at mabango, meron itong isang malaking television na katapat ng isang kamang pang-dalawahang tao, meron din ditong isang mini table, at malaking banyo.

Inilapag ko na ang bag ko sa isang upuan at nahiga sa kama. Tiningnan naman ako ni Niall pero inirapan ko lang siya.

"What?" tanong ko sa kanya.

"Nothing." nauutal niyang sabi.

Dumiretso siya sa mini balcony at sinabihan akong maligo, dahil medyo nabasa kami ng ulan.

"Eh kung ayaw ko? Papaliguin mo ako e wala naman akong pamalit na damit." pagsusungit ko sa kanya.

"Huwag matigas ang ulo mo, baka magkasakit ka. O gusto mo ako na ang magpaligo sa'yo? O baka naman, gusto mo sabay na tayo?" pang-aasar niya sa akin. Nanlalaki naman ang mata ko pero dumiretso na ako sa banyo. Asar na asar na ako sa kanya.

Naghubad na ako ng damit at nagshower na, may shampoo, conditioner, at sabon dito. Meron din dalawang bathrobe.

"Nakakainis talaga iyang bwisit na 'yan! Makaasar sa akin para siyang walang girlfriend! Paasa! Bwisit!" kausap ko ang sarili ko habang naliligo.

Nakalabas na ako ng banyo at nagulat ako ng nasa pinto siya. Napaatras tuloy ako at napapasok ulit sa loob habang siya naman ay lumapit sa akin, napasandal ako sa sink at kinulong niya ako sa braso niya.

"Anong ginagawa mo? Tabi, magchacharge na ako ng cellphone." narinig ko kasi na dumating na yung charger na hiniram ko.

"May bagyo ngayon, kahit magpasundo ka sa kuya mo, baka hindi ka niya masundo. Madaling magbaha rito sa Manila." mahinahon niyang sabi sa akin at nakayuko siya para makita ako. Nakatingala naman ako sa kanya.

Kakaligo ko lang pero bakit parang ang init?

"So? Bibyahe na lang ako pauwi." naiilang kong sabi sa kanya, ayokong kasama siya.

"Malakas ang ulan, wala kang masasakyan." hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya.

"So? Sanay ako sa ganyan. Tsaka may pasok ako bukas!"

"Walang pasok bukas, cancelled dahil sa bagyo." walang halong birong sabi niya sa akin.

Hindi na ako nakapagtiis at tinabig ko na siya.

"Akala ko sasamahan mo ako sa paliligo." pang-aasar pa niya sa akin.

"Huwag mo pa lang sabihin sa kuya mo na magkasama tayo, kung hindi, lagot tayong dalawa." saad niya sa akin at tuluyan nang isinara ang pinto ng banyo.

"Shit." napamura na lang ako.

Ano pa nga bang imamalas ko? First day ng klase tapos hinabol kami ng fans, nawala kami, umulan, at ngayon, nasa iisang kwarto ako kasama si Niall Horan!

***
A/N: Hindi ka malas, Hannah. HAHAAHHAHA sana oil kasama si Niall.

Anyway, posted na po new story ko. Sana isupport niyo. 😊

My Life With One Direction (Completed and Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon