Fourteen

797 29 2
                                    

Kuya ko ang isang miyembro ng One Direction...

Ilang minuto pa rin kaming tulala ni Maddy dito sa sala, hindi ako makapaniwala.

Kinuha ulit sa akin ni Maddy ang cellphone ko at pumunta siya sa photos. Nanginginig ang kamay niya habang kinakalikot ito. Tiningnan ko lang ang ginagawa niya.

Sinave pala ni Harry dito ang mga pictures namin. Mula sa Luneta, sa Ocean Park, sa Mall, at sa Beach.

Bago pa tuluyang sumigaw si Maddy ay dinala ko na siya sa kwarto ko. Hindi kami mapakali at lakad kami nang lakad.

"Hannah, kaya pala nasa luneta ka noong may nakakita sa 1D sa luneta, ikaw pala yung babaeng kasama nila sa mall. Bakit hindi natin nalaman?" tanong niya sa akin habang palakad-lakad pa rin.

"Hindi ko naman alam, wala silang sinabi sa akin."

"Hindi pala talaga panaginip iyong nahawakan ko ang mukha ni Louis, sila pala talaga ang sumundo sa atin!" at tuluyan na siyang sumigaw.

"Iyon nga! Pero Maddy, nagtataka ako, bakit hindi na ulit sila pumunta dito."

"Ano ka ba Hannah, busy sila. May concert sila, remember?" napamura ako sa isip ko. Kaya pala pasulpot-sulpot lang sila kung magpakita sa akin. Bakit hindi ko maisip iyon?

"Hindi Maddy, parang may iba pang dahilan kung bakit hindi sila nagpapakita sa akin. Alam kong kahit busy sila, may oras pa rin sila sa akin." may nagawa ba ako sa kanila?

Umupo sa kama at iniabot ang ticket kay Maddy.

"Kaya pala magkaapelido kayo, kaya pala kapangalan niya ang kuya mo! Ang tanga natin!" nahiga siya sa kama at gumulong-gulong.

"Huwag kang mag-alala Maddy, ipapakilala kita bukas! Dalawa tayong pupunta sa concert!" natuwa naman siya sa sinabi ko at nagtatalon kami sa kama.

Nakahiga na ako sa kama, alas nuwebe na pero hindi pa rin ako makatulog. Nagpaload ako at nandito ako sa social media, iniistalk sila. Nagpaalam na sa akin si Maddy kanina pagkatapos niya akong gawan ng twitter, ig, at facebook. At ngayon, ginagamit ko ito.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Na sila ang One Direction. Ngayon ko lang napagtanto, ang tanga ko pala talaga.

Inalala ko naman ang nangyari noong kasama ko sila. Maraming babae ang gustong makita sila, pero ang na yata ang pinaka swerte. Nahalikan ko pa ang isa sa kanila. Kinilig naman ako sa naisip ko.

Tiningan ko lahat ng account nila, may mga pictures sila noong nasa Luneta kami, natatandaan ko. Ako ang nagpicture nito. Wala akong nakita larawan na kasama ako pero hindi ako nagtatampo, alam kong ginawa lang nila iyon para mamuhay pa ako ng normal. Naisip ko na naman noong nag mall kami ni Harry para sana bumili ng cellphone ko. Kaya kami umuwi agad dahil namukhaan siya ng iba. At hindi niya ako pinapalingon para hindi makita ang mukha ko.

Makakatanggap na siguro ako ng death threats kung nakit nila ang mukha ko.

Iniscroll ko ang twitter ni Harry. May nakita akong tweet niya. Linggo ng gabi, kakagaling lang namin sa beach.

Hi everyone, I'll have an announcement on our concert. I'm so excited to share it to all of you. See you.

-H.

Ano kayang sasabihin niya? Naputol ang pag-iisip ko ng may kumatok sa kwarto ko.

"Hannah, may naghahanap sa iyo." si yaya pala. Bumangon ako ng mabilis at bumaba na, nagbabakasakali ako na siya iyon, na sila iyon.

Pero nagulat ako ng makita ko siya sa ibaba, nakaupo siya sa sofa. Kaming dalawa lang ang tao dito. Bumalik na siguro sa patahian si yaya kasama si lola.

"Elizah." anong ginagawa niya dito? Pagkatapos niya akong iwasan?

Napayuko siya at hindi pa rin makatingin sa akin.

"Bakit ka nandito, RJ?"

Umayos sila ng upo pero nag-aalangan pa rin na kausapin ako.

"Sorry. Sana mapatawad mo ako."

Napatulala ako sa kanya, anong sinasabi niya?

Nakatayi lang ako sa tapat niya.

Tiningnan na niya ako sa mata.

"M-muntik na kitang gawan ng masama Elizah, sana mapatawad mo. Masyado kitang mahal kaya ko nagawa iyon at pinagsisisihan ko. Masyado akong nabulag dahil hindi ko makuha ang atensyon mo na kailangan ko, sana mapatawad mo ako." may tumulong luha sa mata niya.

"Bakit RJ? Anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya.

"Sinadya ko kayong lasingin ni Maddy, iyon kasi ang sabi ng mga kaibigan ko, pero ang tanga ko kasi naniwala ako. Pag nalasing daw kita, makukuha ko na atensyon mo, kaya noong nalasing ka na, dinala kita sa likod ng sasakyan ko para, para masolo kita. Ang tanga ko talaga Elizah, hindi ka pumapalag kaya naisip ko na tama ang sinabi nila. Nabulag ako, hindi ko alam ang ginagawa ko. Buti na lang, dumating siya." patuloy pa rin ang pagluha ni RJ. Umiiyak na rin ako. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon.

"Sino RJ, sino ang dumating?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang sagot.

"Ang kuya mo Hannah." tuluyan nang nag-unahan bumaba ang luha ko sa mata.

"Sinuntok niya ako, pero alam kong hindi lang iyon ang dapat sa akin, sinabihan niya akong ipapakulong dahil sa ginawa ko, pero hindi niya ginawa. Nagpakilala siya sa akin bilang kuya mo. Kinuha ka niya at nakita kong dinala rin ng kaibigan niya si Maddy, at iniuwi niya kayo. Sana mapatawad mo ako, Elizah. Hindi ako makalapit sa iyo kasi hiyang-hiya ako." napayuko ulit siya pagkatapos niyang magsalita.

"Umalis ka na muna." sabi ko sa kanya. Tumayo rin naman siya at palabas na ng pinto ng magsalita ulit.

"Alam kong hindi mo pa ako mapapatawad ngayon, pero sana, pagdating ng panahon. Hanggang sa muli, Elizah." nginitian niya ako ng malungkot bago siya tuluyang umalis.

Napaupo ako sa sofa at umiyak nang umiyak. Dahil ngayon alam ko na, alam ko na kung bakit hindi na sila nagpapakita pa, kung bakit wala silang paramdam.

Naalala ko na ang sinabi ko sa kanya noong gabing iyon. At naala ko na ang sinabi niya sa akin.

"If that's want you want, Hannah. I will never forget you. I love you, my little sister, until we meet again."

***

My Life With One Direction (Completed and Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon