Forty Eight

767 19 5
                                    

Pinilit kong makatulog, pero hindi ko magawa. Ginising ako nang nasaksihan ko kagabi; hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit kumikirot ang puso ko...

Alam kong masyadong mabilis kung sasabihin kong mahal ko si Niall. Unang kita ko lang sa kaniya noong pumunta sa bahay si kuya, tatlong taon na ang nakakalipas. Kung tutusuin, crush ko lang naman siya; pero bakit hanggang ngayon, hindi ako magkagusto sa iba at siya lang ang laman ng puso ko?

Gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko, parang may isang bahagi ng pagkatao ko ang nawawala at kasama siya roon.

Bumangon na ako ng may kumatok sa kwarto ko, malapit na kami umuwi sa Manila.

"Zayn..." siya ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto.

"Kakain daw tayo, tsaka gagala rin."

"Okay, nasaan si kuya?"

"Nauna na sa baba." tumango na ako sa kaniya at nag-ayos na.

"Tara na." inaya ko na siya nang makalabas ako ng kwarto.

"Bakit ganiyan ang mata mo?" natatawa niyang tanong sa akin, habang naglalakad kami papuntang elevator.

"Wala, may pinanuod kasi ako kagabi kaya hindi ako masyadong malatulog." bukod sa maitim na eyebags ay namamaga rin ang mata ko; paano na naman, makapanuod ba naman ako ng live show kagabi. Tsk.

"Anong pinanuod mo? Nakakatawa ba o nakakatakot?" wala sa nabanggit.

"Nakakaiyak." tumango na lang siya sa akin at hindi na sumagot.

Bumukas na ang elevator at sumakay na kami roon. Sasara na sana ang pinto pero may kamay na pumigil doon. Nahugot ko tuloy ang hininga ko dahil sa dalawang taong pumasok.

Hinawakan ni Zayn ang kamay ko at tinanguan ako, napunta kami sa likod ni Zayn at nasa unahan namin sila.

Sa dinami-dami ba namang oras, ngayon pa namin sila makakasabay.

"Babe, saan tayo pupunta mamaya?" tanong ni Barbie kay Niall, ipinulupot pa niya ang isa niyang braso sa bewang ni Niall.

"Anywhere." tila bored na sabi ni Niall.

"Okay, I'm tired kasi sa nangyari kagabi." muntik pa akong masamid kahit wala naman akong iniinom, bakit ang tagal bumukas ng elevator?

Lumapit ang mukha ni Zayn at may ibinulong sa akin, nakita ko naman sa reflection ng eleveator na napatingin sa amin si Niall.

"Tumawa ka, kunwari kinikilig ka." sinunod ko ang sinabi niya at tumawa at kunwari ay kinikilig-kilig pa.

Napatawa rin si Zayn, hindi ko alam kung umaacting lang siya o pinagtatawanan niya lang ako. Siya naman ang may pakana nito.

Kinurot ko siya sa tagiliran at lalo lang siyang napatawa. Bumukas naman ang elevator at dali-daling lumabas si Niall at Barbie.

Hinila naman ako ni Zayn papunta sa resto kung nasaan si kuya.

Hindi kalakihan ang restaurant pero kaunti lang ang mga tao roon, ito siguro talaga ang pinili nila para walang makakita sa kanila; kadalasan kasi foreigner lang ang mga nandito.

Umupo na kami sa tabi ni kuya at si Zayn na ang umorder para sa amin.

Nagulat naman si kuya nang pumasok sina Niall at tumabi pa sa lamesa namin. Oo nga pala, hindi pa namin nasasabi kay kuya. Gusto ko tuloy magmura.

Nakita kong kumuyom ang palad niya at masamang nakatingin sa pwesto nina Niall. Naramdaman siguro iyon ni Barbie at napalingon siya sa amin.

"Oh, what a coincidence! Nandito rin kayo?" tila nasorpresa talaga siya, pero alam kong hindi.

Nakita ko naman na hindi na nagsasalita si Niall at parang pinipigilan niya si Barbie.

"Kita mo nga naman, sa dinami-rami ng lugar, dito ulit tayo magkikita. Alam niyo bang kasama ko sa iisang kwarto si Niall? Mahirap na baka kasi may ahas na naman na umaligid." nakita kong itinigil niya ang mata niya sa pwesto ko. Pinigilan ko naman si kuya na patulan si Barbie.

"Pinaparinggan mo ba ang sarili mo?" hindi na napigilan ni Zayn at sumagot na siya.

"Oh, knight in shining armor! Sige, ipangtanggol mo pa iyang ahas na iyan." nag-iinit ang dugo ko at gusto ko siyang sabuyan ng mainit na sabaw. Buti at kaunti ang tao at katabi lang namin ang lamesa nila, walang makakarinig sa usapan namin.

"Really, Barbie? Kapatid ko ba ang ahas o ikaw?" narinig kong sabi ni kuya. Natauhan naman si Barbie at mukhang nagulat. Napakuyom naman ang kamay ni Niall.

"Stop playing the victim, Barbie. Alam kong ikaw ang may pakana ng lahat; ikaw ang nagkalat ng issue kay Hannah. Ano, gusto mong malaman ni Niall ang lahat ng ginawa mo?" nagulat kami nang napatayo si Niall at hinila si Barbie palabas ng restaurant. Gulat na gulat naman ako dahil sa nalaman ko.

"We've found out na si Barbie ang may pakana ng lahat ng ito, Hannah." si Zayn ang nagsalita.

"Handa siyang sirain ang lahat makuha lang ulit si Niall, pero nagtataka ako kung bakit sumasama pa rin si Niall sa kaniya." dugtong pa ni Zayn.

"Because he's a coward, tara na kumain na tayo." putol ni kuya at hindi na kami muling nagsalita.

Sumakay kami ng kabayo at pumunta sa strawberry farm, pagkatapos. Bumili na rin kami ng mga souvenir para kina Maddy, at papadalhan din namin sina Princess sa probinsya.

Pauwi na kami ng hotel nang makita namin si Niall na nag-aabang sa lobby; himala, hindi niya kasama si Barbie.

Tumayo siya nang makita niya kaming dumating, lalagpasan sana namin siya ngunit hinarang niya kami.

"Huwag kang gumawa ng eskandalo, Niall." pagpapaalala sa kaniya ni Zayn.

"We need to talk." seryosong sabi niya sa aming tatlo.

"Wala tayong dapat pag-usapan." malamig at may galit na sagot ni kuya.

"No, kahit isang minuto lang." wala sa amin ang gumalaw kaya nagsalita na si Niall.

"Hindi mo na kailangang umalis sa banda, Harry."

"Kasi, ako na ang aalis. I'm leaving the band."

Wala ni isa sa amin ang gumalaw, malungkot siyang umalis hanggang sa nawala siya sa aming paningin...

***

My Life With One Direction (Completed and Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon