Pagkatapos naming bumili ng damit, hinila n'ya ako papasok ng Jollibee.
"Let's eat, I'm hungry."
"Ako rin."
Pinaupo n'ya ako at s'ya na ang umorder.
Busy ang mga tao sa loob. Kanya-kanya sila ng kain.
Dumating na si Harry na may dalang isang bucket ng chicken, apat na spaghetti, dalawang ice cream, at dalawang coke.
Kami lang ang uubos nitong lahat?"After natin kumain, bibilhan kitang cellphone. What brand do you want?"
Mayaman ba talaga si Harry? Ang dami n'yang pera.
"Okay lang ako, may cellphone ako." pinakita ko sa kanya ang de keypad kong cellphone.
"Hannah, that's so 2000, you're my sister. Huwag ka ng mahiya."
Hinayaan ko na lang s'ya, pipilitin naman n'ya ako. Pinagpatuloy namin ang pagkain. Pero ayan na naman yung mga bulungan. Paranoid lang ba ako o kami talaga yung pinagbubulungan nila? Patingin-tingin sila sa amin.
"Hannah, kumain ka lang nang kumain." sabi ni Harry.
Maya-maya, may tumugtog na naman na kanta sa loob ng Jollibee. Kinilig naman ang ibang tao sa loob. Pamilyar na naman yung kanta.
Nakita ni Harry na nagtataka ako.
"Hindi mo alam yung kanta?"
"Hindi." inuubos ko yung chicken ng sumagot ako sa kanya.
"Night Changes by One Direction."
"Ah, bakit panay One Direction yung kanta?" takang tanong ko. Eh marami namang banda sa buong mundo.
"Kasi malapit na concert nila?" sagot ni Harry.
"Oo nga pala. Nagpasama nga pala sa akin si Maddy bumili ng ticket."
"Maddy?"
"Yup, bestfriend ko, patay na patay sa One Direction."
"Ah, how about you?" tanong n'ya.
"Hindi ako fan, sinasamahan ko lang s'ya kasi nililibre n'ya ako. Busy ako sa pagbabasa."
"Kilala mo ba member ng One Direction?" hinihintay n'ya ang sagot ko.
"Uhm, hindi e. Hindi ko rin kilala mukha nila. Huwag mo akong ijudge, busy lang ako magbasa at mag-aral. Hindi naman lahat ng tao kilala sila."
Ngumiti s'ya at sumagot.
"Okay, alam mo bang may banda ako?"
"Talaga? Anong pangalan?"
"Secret."
"Secret? Bakit ganoon pangalan ng banda n'yo?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Nakita kong napakamot s'ya sa ulo.n'ya. Sasagot pa sana s'ya sa akin ng may tumawag sa kanya.
Nakikinig lang ako sa kanya."Mall, no maybe tomorrow." ang ganda ng accent n'ya. British.
"Tell him I'm with my sister, eating, no you can't, I'll be back later, thanks Lou. Bye." natapos na yung tawag."My bandmate, Louis." sabi sa akin ni Harry.
"Ilan kayo sa banda?" tanong ko.
"We're five."
"Nagtatagalog din sila?"
"Kaunti lang, I taught them. They can understand but they can speak onti."
"Ah. Anong sabi?"
"Hinahanap ako, pupunta raw sila ngayon sa bahay n'yo, I said bukas na lang."
"Bakit? Bakit sila pupunta?"
"They want to know you. I send our picture to our groupchat."
"Okay." kinabahan naman ako. May gwapo kaya sa banda nila?
Napangiti tuloy ako.
"Why are you smiling?" tanong n'ya.
"Nothing, may gwapo ba sa banda mo?" sumimangot lang s'ya sa akin.
"Wala, come on, bibili pa tayo ng cellphone mo." tumayo na kami, nakatingin pa rin sa amin ang ibang tao.
Hinila ni Harry ang kamay ko at parang nagmamadali sya. Sumakay na kami ng escalator.
Parang lumakas pa lalo ang nagbubulungan, tumingin ako sa likod ko, maraming babae ang nakasunod sa amin. Nag-aalangan ata silang lapitan kami.
"Do not look at them." sabi sa akin ni Harry.
Hindi ko na lang sila tiningnan.
Hila-hila pa rin ako ni Harry, nagtataka ako kung bakit hindi kami sa bilihan ng cellphone pupunta.
"Uwi na lang muna tayo, next time na lang."
Nagtataka pa rin ako pero sumunod na lang ako.
Sumakay na kami ng grab at nakarating na sa bahay. Tinulungan ako ni Harry na ipasok ang ipinamili namin, at umalis na rin s'ya.
Masyadong nakakapagod ang araw na 'to.
Nagbihis muna ako at maya-maya may tumawag sa akin.
"Hannah!" nabingi ako ng sumigaw sa akin si Maddy.
"Ano ba? Bakit ka sumisigaw?" tanong ko sa kanya. Sumakit ang tenga ko.
"Nasa mall si Harry kanina!" teka? Harry? 'di ko pa naman kinukwento sa kanya ang kapatid ko.
"Harry?"
"Oo! Member ng One Direction!" ah, kapangalan lang pala ni Harry.
"Anong gagawin ko?"
"Hannah, may kasama s'yang babae!"
"Maddy, wala akong pakialam."
"Hannah naman, e. Sumasakit ang heart ko, sino kaya ang babaeng 'yon? May nagsabi na binilhan pa raw ni Harry ng mga gamit."
"May nakakita raw ba sa kanila?" tanong ko sa kanya kahit wala akong pakialam.
"Meron, kaso hindi mamukhaan kung si Harry talaga kasi nakatakip ang mukha, pero kung fan ka talaga mamumukhaan mo s'ya, noh."
"Ewan ko sa'yo, baliw ka na."
"Trending s'ya sa twitter, pero nagtataka ako, 'di pa naman sila napunta ng pilipinas, sa end pa ng March ang concert nila."
"Wala pa naman pala si dito, ang OA mo."
"Ah basta, sino kaya ang babaeng 'yon?" tanong n'ya sa akin.
"Aba malay ko. Nakita ba mukha?"
"Hindi, e. Nakatalikod sa picture. Sige na, bye."
"Sige, bye. Baliw ka." pinatay ko na ang tawag.
Nahiga na ako sa kama at natulog. Nakakapagod ang araw na 'to. Napangiti ako ng maalala ang nangyari kanina. At tuluyan na akong nakatulog.
***
BINABASA MO ANG
My Life With One Direction (Completed and Revised)
Hayran KurguMy Life With One Direction. (One Direction Fanfiction) COMPLETED AND REVISED. Book cover not mine.