Friday na, mabilis lumipas ang araw, wala kaming ginawa king hindi magpractice ng graduation, next week na ang graduation ball namin. Dumaan ang tatlong araw nang hindi na bumalik sina Harry mula nang pumunta kami sa mall. Siguro bumawi lang talaga siya sa akin kasi nakokonsensya siya, kaya binilihan niya ako ng mga gamit, at ayun iiwan niya rin ako.
Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na napansin na may umupo sa tabi ko. Nandito ako ngayon sa bakanteng bench sa quadrangle at iniintay ang meeting namin sa club, wala pa ang grade 11, nasa klase pa.
"Ang lalim ng iniisip mo." si RJ pala.
"Oo nga, e. Nakakalunod." humarap siya sa akin at inilagay sa likod ng tenga ang iilang hibla ng buhok na nilipad ng hangin.
"Salamat nga pala dahil pumayag ka bilang partner ko sa graduation ball."
"Ako nga dapat ang magpasalamat sa iyo. Ikaw lang yumaya sa akin." napaiwas naman siya ng tingin, napangiti, at may ibinulong na hindi ko narinig.
"Subukan lang nila." sumeryoso ang mukha.
"Minsan na lang tayo magkita, ah." sabi ko sa kanya. Dati kasi halos hindi mo siya maihiwalay sa akin, lagi siyang nakasunod sa amin ni Maddy. Noong una nga akala ko may gusto siya kay Maddy. Tinanong ko si Maddy noon, at sinabi lang niya na naiilang siya kapag nakasunod sa amin si RJ.
"Oo nga, e. Namimiss tuloy kita."
"Kasama mo naman ako ngayon." hinawakan niya ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.
Onti-onting lumapit ang mukha niya sa akin at nang ilang inches na lang ang layo noon, may biglang bumusina sa harap namin na itim Van.
Nagtataka ako kung paano sila nakapasok dito sa school, at nakakapagtaka, bakit nasa quadrangle ang sasakyan? May parking lot naman dito.
Napalayo ako kay RJ at lumapit sa sasakyan na bumusina na sa amin. Anong ginagawa nika dito?
Bumukas ng kaunti ang bintana, at iniluwa noon ang mukha ni Harry na masama ang tingin. Tiningnan ko na naman ang tinitingnan niya. Nakatingin siya sa bench na inupuan namin ni RJ. Pero wala na siya doon.
"Get in." seryosong sabi niya.
"May meeting pa akong pupuntahan, kaya hindi pwede." tanging sagot ko sa kanya.
Sumimangot ang mukha niya at binuksan ang pinto. Hinila niya ako papunta sa loob, tinulungan pa suya ni Louis na katabi niya sa upuan. Tumingin naman ako sa paligid at wala akong nakikitang estudyante, malamang nasa loob pa ang grade 11 at nakauwi na ang ibang grade 12.
Tumatawa si Liam na nasa driver seat at katabi niya si Zayn na nasa shotgun seat. Bumalik naman sa pagkakaupo si Louis at Harry pagkatapos na magtagumpay na hilahin ako dito sa loob. Umupo ako sa likod katabi ni Niall na tahimik na nakatingin sa bintana.
Umandar na ang sasakyan nang magsalita si Harry.
"Anong nangyari doon?" tanong niya sa akin.
"Aba malay ko." tanging sagot ko sa kanya.
"You almost kiss." pabulong na sabi ni Niall pero pumikit na siya.
"Harry, nothing's wrong, she's in the right age." tumatawang sagot ni Louis.
"He is right." sabi ni Zayn na napalingon sa akin.
"She's only seventeen, she's not in the right age." sabi ni Harry sabay tingin sa akin ng masama.
"He is only my friend." sagot ko sa kanila habang pinikit ko ang aking mata. Hindi ko rin alam ang nangyari kanina. Kung hindi sila dumating baka nakuha na ni RJ ang first kiss ko. Naoasimangot ako, gusto ko syempre na lalaking gusto ko ang makakakuha ng una kong halik. Kaibigan ko lang si RJ, baka nabila lang din siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext sa kanya. Sinabi ko na hindi ako makakapunta sa meeting, siya muna ang bahala.
Tahimik na sa loob ng sasakyan, at nagtataka ako kung bakit hindi kami papunta sa bahay.
"Teka, saan na naman tayo pupunta?"
"Beach." sagot ni Louis.
"Beach!?" napasigaw kong tanong sa.kanila.
"Shh, huwag ka maingay natutulog ako." sabi ni Louis.
"Beach?" ulit ko pero mas mahina na.
"Sinabi namin sa'yo last tuesday, right?" sagot ni Harry, aba malay ko bang nagbibiro sila.
"Akala ko nagbibiro lang kayo, ilang araw kayong hindi nagpakita sa akin tapos bigla niyo akong hihilahin dito sa sasakyan at sasabihing pupunta tayo sa beach?" dumilat naman si Louis at inirapan ako.
"Magpapaalam muna ako kay lola, at wala pa akong gamit."
"No need, kasama na sila ni Paul, nasa biyahe na sila. Nauna sila sa atin." sagot ni Harry.
Wala na akong nagawa at tumahimik na lang. Nasa biyahe na kami, e.
"Nasaan ang gamit ko?" kalabit ko kay Harry.
"Lola." tanging sagot niya.
Sabi ni Liam matagal pa raw ang biyahe namin, nakipagsalitan siya lay Louis sa pagda-drive. Tulog ang lahat dito sa sasakyan pwera lang sa akin at kay Louis na nagda-drive.
Tiningnan ko ang de pindot kong cellphone, alas kuwatro na pala, halos dalawang oras na kaming nasa biyahe. Traffic din kasi.
Napasandal si Niall sa balikat ko dahil na rin siguro sa sobrang pagkatulog, hinayaan ko lang ito.
Napapansin kong iba ang nararamdaman ko kapag kasama o katabi ko si Niall, kumbaga sa nababasa ko libro, baka crush ko na siya. May kung anong lumilipad siya tiyan ko pero hindi naman ako gutom. Hindi ako pamilyar sa ganitong pakiramdam siguro dahil hindi pa ako nainlove sa buong buhay ko.
Binuksan ko ang cellphone kong de pindot, may camera ito pero hindi masyadong malinaw ang pagkuha. Binuksan ko ang camera at itinapat sa amin ni Niall, siya habang tulog sa balikat ko.
Nagulat ako ng tumunog ang camera, hindi ko pala na silent, bigla tuloy akong nahiya.
Tiningnan ko ang tao sa loob, wala naman nagising sa kanila, ngunit narinig kong tumatawa si Louis.
"You can borrow may phone if you want." pang-aasar niya sa akin.
"Don't tell anyone." sagot ko sa kanya.
"I'll think about it." inirapan ko siya kagaya ng pag-irap niya sa akin kanina.
Lumipas pa ang ilang minuto at malapit na raw kami sa pupuntahan namin. Tumawag daw si Paul na hindi ko kilala kay Harry at sinabing nandoon na raw sila sa resort, at nagpapahinga raw si Lola at yaya.
Maya-maya at huminto na ang sasakyan at bumaba na kami lahat. Medyo sumakit ang balikat ko pero kaya ko pa naman. Hindi tuloy ako makatingin kay Niall lalo na kay Louis na sa tuwing tumutingin ako ay binibigyan ako ng nakakalokong ngiti.
Naglalakad kami ngayon papasok sa loob ng resort, buhangin na ang tinatapakan namin at hinubad ko ang sapatos ko, private resort daw ito at nirentahan daw nila ng dalawang araw para makapagpahinga sila. Magaganda raw kasi ang dagat dito sa Pilipinas.
Kulay puti ang buhangin dito, marami ring puno ng buko, at ang dagat, maaliwalas at malinis.
Nilibot ko ang tingin ko at may isang malaking bahay dito. Ito siguro ang tutuluyan namin. Pumasok na kami sa loob.
***
BINABASA MO ANG
My Life With One Direction (Completed and Revised)
FanfictionMy Life With One Direction. (One Direction Fanfiction) COMPLETED AND REVISED. Book cover not mine.