Thirty Two

640 24 3
                                    

Kakatapos ko lang maligo at dumiretso na ako sa kainan, ako na lang daw ang iniintay, sabi ni Kyle.

Pagkadating ko sa kainan, iisa na lang ang bakanteng upuan, sa tabi ni Zayn at Zach. Umupo na ako, at sinimulan na naming kumain.

"Ang gugwapo naman ng kaibigan ni Princess. Salamat nga pala sa palaging pagbili ng mga tinda namin." sabi ni tita Joan.

Napatingin ako sa harap ko, katapat ko pala si Niall at katabi niya yung aso niya. Bakit ba iyan nandito?

"Wala pong anuman." sagot ni Liam.

"May tanong pala ako, bakit marunong kayo magtagalog?" si tito Baste naman ang nagtanong.

"Filipina po kasi ang mama ko kaya pinag-aralan ko ang tagalog. Sila naman po tinuruan ko at nag-aral din sila." sagot naman ni Harry. Katabi siya ni Louis.

"Talaga? Naalala ko tuloy ang anak ng pinsan ko at kapatid ni Hannah. Kung tutuusin, kasing edad mo siya ngayon." napaubo ako sa sinabi ni tita Joan. Inabutan naman ako ni Zach ng tubig.

"Ayos ka lang ba, Hannah? Teka wala ka ba talagang balita sa kuya mo?" si lola Elvy naman ang nagtanong.

"Wala po, hindi niya po kami hinanap." nauutal kong sagot. Hindi ko na pinansin ang pagtitig ni Harry.

Kung ano-ano pa ang pinag-usapan nila.

"Hannah, kumain ka pa, ang payat payat mo." nilagyan ako ni Zach ng kanin at ulam sa plato ko.

"Ito Hannah, masustansya ito." inabutan naman ako ni Zayn ng tatlong saging.

Nakita iyon nina lola kaya napunta na naman sa akin ang usapan.

"Naku, mukhang may gusto kayo sa apo ko, ah. Sino sa kanila ang boyfriend mo, apo?" nagulat ako sa tanong ni lola Elvy.

"Po? Wala po." nagkanda utal-utal ako sa pagsagot.

"Talaga? Naku si Zach mabait na bata iyan, matalino at masipag pa." dugtong naman ni lola.

"Naku si Zayn po bukod sa napaka gwapo, masipag rin, at maraming talent iyan." pagbida naman ni Liam kay Zayn. Ano bang meron sa kanila?

"Ay, nako po, itong bata ko napa talented, masipag, maaalalahanin, gwapo, matalino. Lahat na nasa kanya." tinuro naman niya si Niall.

Natatawa naman sina lola sa pinagsasabi nila.

"Kahit sinong piliin ng pamangkin ko ayos lang. Basta masaya siya." nginitian naman ako ni tita.

"Bawal pa po siyang magboyfriend." napatingin kami lahat kay Harry. Nakatingin naman siya sa akin.

"Naku bakit naman? 19 na si Hannah." pagsagot ni tita.

Nagulat ako ng tumayo si Harry.

"May sasabihin po ako." kinakabahan ako sa ginagawa niya.

"Ano iyon?" mukhang kinakabahan din sina lola sa sasabihin ni Harry.

"Ako po ang kapatid ni Hannah, pamangkin niyo rin po ako." nanlaki ang mata ni lola, tita, tito, Princess, Kyle, Zach, at aso ni Niall sa sinabi ni Harry.

Nandito ako ngayon sa duyan, alas siete na ng gabi. Nagulat sila lola sa sinabi ni Harry kanina, kaya ngayon, kausap nila si Harry sa loob ng bahay.

Umuwi na rin ang iba pagkatapos namin kumain. Nagulat sila bakit hindi ko sinabi na kapatid ko si Harry. Hindi ko sila sinagot at malamang, alam na nila.

"Ate, may nagpapabigay." lumapit sa akin si Princess, may inaabot siya sa aking isang plastic.

"Sino?" binuksan ko ang plastic at nagulat sa laman niyon. Paano niya nakuha ito?

"Si ate Maddy." binalik ko kay Princess ang plastic.

"Pakisabi pinapabalik ko, hindi ko kailangan iyan."

"Pero ate..." nag-aalangan pa si Princess sa pinapagawa ko, pero kinuha niya ulit sa akin ang plastic.

Camera ang laman niyon, camera na regalo sa akin ni Harry, camera na inuwan ko, at hindi ko alam kung paano napunta iyon sa kanya.

"Ate, tawag ka na sa loob, malamok na raw." sumunod na ako kay Kyle sa loob ng bahay, alam kong nandoon pa si Harry.

Naabutan ko siya sa sala habang nakikipag kwentuhan pa rin kay lola at tita. Papasok na sana ako sa loob ng tawagin ako ni lola Elvy, kaya napahinto ako.

"Hannah, dito na muna raw matutulog ang kuya mo sa sala, gusto niya raw kasi tayong laging kasama." napasimangot naman ako, nasa kabila lang naman ang bahay nila bakit kailangan pa niyang matulog dito.

"Anak mayaman iyan lola, baka hindi makatulog sa banig." ano bang gusto niya at dito siya matutulog? Maganda naman ang tinutulugan niya doon sa kabila.

"I know you're concern, but I can manage." sinamaan ko naman siya ng tingin, hindi naman siya ang kausap ko. At saka, hindi ako concern sa kanya noh. Asa siya.

"Hayaan mo na Hannah, tsaka presko kaso rito, bukas ang bintana." pagtatanggol naman ni tita.

Napaismid ako bago pumasok sa kwarto ko. Alam kong isa ito sa plano niya para makausap ako. Pwes, hindi ako papayag na makausap niya. Manigas siya.

***
Short update. Pardon me 😂

My Life With One Direction (Completed and Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon