Maaga akong nagising dahil kinatok nang kinatok ni lola ang pinto ko. Sumasakit pa ang katawan ko dahil sa gala namin kahapon.
Naligo na ako at nagbihis, naglagay na rin ako ng liptint at bb cream. Bumaba na ako sa kusina para kumain ng almusal.
5:30 am pa lang, 7 am ang pasok ko. 25 minutes lang ang pagpunta parating sa school na pinapasukan ko. Pwede naman sumakay ng tricycle kaso nagtitipid ako, e.
"Lola, bakit ikaw ang nagluluto ng pagkain?" tanong ko kay lola, si yaya kasi ang nagluluto ng pagkain namin.
"Masakit ang ulo ng ate mo. Gabi na kami natapos manahi, ang daming nagpapatahi mula noong isang araw."
"Ikaw po ba lola, hindi napapagod?" matanda na si lola, 65 years old na siya. May ilan-ilan nang puting buhok sa ulo niya.
"Huwag mo na akong intindihin, lagi akong maaga nagigising, palibhasa lagi kang late gumising at hindi mo ako nakikita." sumimangot lang ako at tumawa naman si lola.
Masaya ako na siya ang nag-alaga sa akin, bata pa lang ako kasama ko na siya. Dito na kami nakatira ni Mama simula siguro ng iniwan kami ng Tatay ko.
"Hannah, hindi mo ba tatanungin sa kuya mo kung nasaan ang tatay ninyo?" tumahimik ako sa tanong mi lola.
"Hindi po, wala po akong pakialam sa kanya. Si Mama lang ang magulang ko."
"Hannah, alam kong may galit ka sa tatay mo, at alam kong nangungulila ka sa kanya, pero hindi mo ba gustong malaman kung bakit hindi na siya bumalik?"
"Hindi po, masaya na po ako sa buhay ko." at hindi na sumagot si lola. Pupunta na raw siya sa patahian niya.
Inaamin ko, noong bata ako hinahanap ko ang Tatay ko, naiinggit ako sa ibang bata na kasama nila ang tatay nila. Pero paglipas ng panahon, wala na akong pakialam, hindi ko na siya hinahanap. Hindi na ako naghahanap ng kalinga ng isang ama.
Natapos na akong kumain at naglalakad na papunta sa school. Masarap maglakad lalo na kung wala.pang araw. Sa ganito rin kasi ako nakakapagmuni-muni.
Dumating ako sa school ng kaunti pa lang ang tao. Dumiretso na ako sa classroom, magfi-final exam na kami mamaya at diretso na sa practice ng graduation.
Hindi rin nagtagal at nagsidatingan na ang iba kong kaklase kasama si Maddy na tumabi sa akin.
"Marami kang ikukwento mamaya." sinamaan niya ako ng tingin.
Natapos ang exam at pumunta na kami sa quadrangle upang magparactice ng graduation.
Katabi ko na naman si Maddy, ewan ko ba dito, hindi naman dito ang puwesto niya.
"Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa.kanya.
"'Di ba may ikukwento ka sa akin?"
Kinuwento ko sa kanya ang lahat, sinabi ko na dumating ang kuya ko. Pero hindi ko kinwento ang mga kaibigan na kasama niya.
"Wow, ang saya siguro malaman na may kuya ka, noh?" mag-isa lang kasi si Maddy, wala siyang kapatid.
"Tapos ang ganda ng pangalan, kapangalan pa ni Harry ng One Direction." tinanguan ko lang si Maddy.
"Hannah, ang suwerte mo talaga, kaapelyido mo na nga si Harry ng One Direction tapos may kuya ka pa na---" hindi na tinapos ni Maddy ang sasabihin niya ng tinawag siya ng teacher namin, pinapabalik siya sa puwesto niya.
Matapos ang dalawang oras, natapos din kami at pauwi na. Pumunta na naman sa akin ulit si Maddy. Sinabayan niya ako sa paglalakad.
"Hannah, malapit na graduation natin, celebrate tayo after."
"Saan?"
"May bar medyo malapit lang sa atin, doon tayo, ah. Libre ko." bar?
"Hindi pa ako nakakapunta sa mga bar Mads, baka naman mapahamak tayo doon?"
"Hindi iyan, akong bahala sa'yo, ako rin naman, tatlong beses pa lang nakakapag bar. Sige na para ma-experience mo."
"Sige. Kinabukasan na lang graduation, ano?" pumayag na ako, hello, mage-eighteen na ako hindi pa ako nakakapasok sa bar.
"Deal."
"Teka, 'di ba bawal kapag hindi ka pa eighteen?"
"Hannah, isang buwan na lang naman eighteen ka na, akong bahala."
"Sige, sabi mo, e."
Nagpaalam na rin sa akin si Maddy, may gagawin pa raw siya. Palabas na ako ng gate ng school ng may tumabi sa akin.
"Elizah, bakit wala ka kahapon." si RJ pala.
"Ikaw pala 'yan, bakit mo ako hinahanap?"
Ngumiti lang siya at napakamot sa ulo.
"Ano kasi, 'di ba graduation na next next next week?" sabi niya.
"Ano, tapos graduation ball next week." nagtataka lang akong nakatingin sa kanya.
"Tapos?"
"Pwede ba kitang maging partner?" natahimik ako. Oo nga pala, may grad ball kami, bakit hindi ko naalala? Si Maddy may partner na, ako na lang pala ang wala.
"Sige." napasuntok si RJ sa hangin at napatalon.
"Yes, yes!" nababaliw na ba siya?
Tiningnan ko lang siya at napatahimik siya, pero nandoon pa rin yung ngiti niya.
"Wala nang bawian ah." matapos ang ilang saglit nasa labas na ako ng school, hindi na sumabay sa akin si RJ kasi may gagawin pa raw siya.
Papara na sana ako ng jeep ng may bumusina na kotse sa gilid ko. Nabitawan ko tuloy ang payong ko sa gulat.
May narinig akong tumatawa, paglingon ko, ang limang busangot pala.
"Hannah, come here, bilisan mo." sabi ni Harry ng tumatawa.
Pumasok ako sa loob ng kotse, si Louis ang nagda-drive at may hawak siya na cellphone. Vinideohan niya ako.
Kapag upo ko, hindi muna umandar ang kotse. Katabi ko si Harry, seryoso ang mukha niya.
"Who's that?"
"Huh?" tanong ko sa kanya.
"We've been here for almost thirty minutes, we saw you with some man." Sabi ni Liam.
"Ah, si RJ." sagot ko sa kanila.
"You said, you do not have a boyfriend?" tanong ni Niall.
"Well, he's my friend."
"Who said a man and a woman can be friends?" sabi ni Harry. Sinagot ko siya.
"Well, who said a man and a woman cannot be friends?"
Sumimangot siya.
"Me." ang sagot niya.
"Me too." sumagot si Niall.
Tumahimik naman kami lahat. Nang iandar ni Louis ang sasakyan.
"Where are we going?" tanong ko sa kanila. Hindi ito ang daan papunta sa bahay.
"Mall." tanging sagot ni Liam.
***
BINABASA MO ANG
My Life With One Direction (Completed and Revised)
Fiksi PenggemarMy Life With One Direction. (One Direction Fanfiction) COMPLETED AND REVISED. Book cover not mine.