Hindi ko na namalayan kung ilang minuto akong nakatayo at nakatulala, pero nang may tumawag ulit sa akin, tsaka lang ako natauhan.
Tinawagan ulit ako ni yaya para sabihin kung saang ospital dinala si lola. Agad akong bumiyahe oara sundan sila, dalawang sakay lang iyon mula dito sa Manila. Isang oras ang biyahe.
Kung ano-ano ang tumatakbo sa isip ko, may nararamdaman ba si lola dati pa? Kung meron, bakit walang nagsabi sa akin. At hindi ko kakayanin kung pati si lola, na kasama ko simula pagkabata ko, ay mawawala rin sa akin.
Inalis ko sa isip ko na mawawala si lola, alam kong hindi niya ako iiwan.
Hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng ospital. Agad kong tinanong ang nurse kung nasan ang kwarto ng lola ko. Sinabi naman nila na nasa ICU pa ito.
Nakita ko si yaya na naka upo sa isang bench malapit sa ICU. Kaya pinuntahan ko siya.
"Hannah!" niyakap niya ako.
"Namiss kitang bata ka, masyado kang naging busy sa pag-aaral." niyakap ko rin yaya habang tumutulo ang luha.
Umupo muna kami atsaka ako nagtanong.
"Ano po bang nangyari?" tanong ko.
"Ilang buwan nang may nararamdaman ang lola mo, sinasabihan ko siya na huwag muna kaming magbukas ng patahian, pero makulit ang lola mo, hindi ko mapigilan. Hanggang sa kanina, bigla na lamang siyang natumba at namumutla, natataranta ako pero nakatawag pa rin ako ng ambulansya. Tapos tinawagan na kita noong sakay na kami ng ambulansya."
"Yaya, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ang kalagayan ni lola?"
"Hannah, ayaw ng lola mo, baka daw isipin mo nang isipin at mapabayaan mo ang pag-aaral mo."
"Kahit na, kung alam ko lang 'di sana umuwi ako, dalawang buwan akong hindi umuwi ya." nagsisisi ako kung bakit ba hindi ako umuwi, 'di sana nalaman ko ang kalagayan ni lola.
"Huwag mo ng sisihin ang sarili mo, ipanalangin na lang natin na ayos ang kalagayan ng lola mo." umoo ako at taimtim na nagdadasal habang naghihintay ng kalagayan ni lola.
Nagpaalam ako sa trabaho na hindi muna ako makakapasok, pumayag naman sila dahil hindi pa naman ako umaabsent sa trabaho.
Naputol ang pag-iisip ko ng may lumabas na doktor galing sa ICU. Tumayo kaming dalawa ni Yaya.
"Her condition is stable as for now, but..." hinahanap pa ng doktor ang sasabihin niya.
"Ano po, dok?" kinakabahan kong tanong.
"Na-stroke ang lola mo, mahina rin ang puso niya. Pero don't worry, ayos na ang kalagayan niya ngayon, imomonitor na lang namin ang lagay niya sa susunod na mga araw. Kailangan niyang ma-confine." nakahinga naman ako ng maluwag.
"Sige po, Dok." umalis na ang doktor at ililipat na rin si lola sa isang private room. Pumunta na rin kami doon ni yaya.
"Hannah, sigurado ka bang kaya mong bayaran ang bill ng ospital?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami.
"Oo yaya, may ipon pa ako at gagawa rin ako ng paraan."
"Paano pag naubos iyon? At nag-aaral ka pa, tawagan na lang natin ang kuya m---" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng pinutol ko ito.
"Kaya ko, yaya. Ako lang ang nag-iisang apo ni lola, kaya ako lang ang gagawa ng paraan." seryoso kong sabi sa kanya at nauna na sa paglalakad.
Pumasok na ako sa kwarto ni lola, gising na siya pero may kakaiba sa kanya. Gusto kong umiyak ng makita ko ang kalagayan niya.
BINABASA MO ANG
My Life With One Direction (Completed and Revised)
FanficMy Life With One Direction. (One Direction Fanfiction) COMPLETED AND REVISED. Book cover not mine.