Umiiyak lang ako nang umiyak, umalis na talaga si Niall. Alam kong hindi ko siya masusundan, bukod sa hindi ko alam kung nasaan siya, nag-aaral pa ako.
"Hannah." sinenyasan ako ni Louis na maupo sa tabi niya.
"Alam mo na?" tumango ako sa kaniya.
"Alam mo ba na walang kalayaan si Niall na pumili ng mamahalin niya? Dahil kagaya namin, hawak din siya ng management." naalala ko ang kwento ni kuya.
"Kung si Harry, hindi hinaayaan na makita ang kapatid niya, kung si Zayn na hindi hinahayaan na magsulat ng sarili naming kanta, si Liam na hindi hinahayaang makita ang pamilya niya, si Niall, hindi hinahayaang magmahal ng gusto niya."
"Bakit?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Nasa amin na ang lahat, Hannah. Pero kapalit noon ang iilang sakripisyo. Kaya gustong-gusto na namin umalis sa management namin at maghanap ng iba, dahil sa ginagawa nila. Hawak nila ang leeg namin, ultimo mga sasabihin namin sa mga interview, sila ang nagsasabi sa amin." dumagdag ang awa ko sa kanila.
"Bakit iba-iba ang sinakripisyo niyo?"
"Dahil iyon daw ang hadlang sa banda. Hadlang ang paghahanap sa iyo ni Harry sa banda namin, at ganoon din ang iba. Marami na kaming nasakripisyo, mismo kalusugan namin."
Napatahimik kami ni Louis ng iilang saglit.
"Bakit, hindi pwedeng magmahal si Niall ng gusto niya?" alam kong wala na sila sa management nila. Pero bakit hindi pa rin pwede kay Niall?
"Nakipaghiwalay si Niall kay Barbie dati hindi lang dahil sa busy siya sa banda, dahil na rin nahuli niya si Barbie na may kalaguyong iba." nagtataka naman ako kay Louis dahil wala sa binanggit niya ang itinananong ko.
"Masaya na si Niall dahil alam kong mababaw lang naman din ang nararamdaman niya kay Barbie, pero may mga kumalat na issue na laging nasa bar si Niall dahil nakipag break si Barbie sa kaniya. Pero hindi iyon totoo." nagulat man ako pero hinayaan ko lang magkwento si Louis.
"Alam kong masaya si Niall nang makilala ka niya, pero sa kasamaang palad, hawak siya ng management at ipinasabi sa interview na may iba na siyang girlfriend para kung makita mo, lalo kang masaktan. Bukod sa pag-iwan sa iyo ni Harry na sila rin ang may pakana, lalo kang masasaktan sa sasabihin ni Niall."
"Pero may hindi ka alam, Hannah. Al kong nagtataka ka dahil wala na kami sa management pero wala pa ring kalayaan si Niall. Dahil, tito ni Barbie ang may-ari ng management namin; bukod doon, lahat gagawin niya makuha lang niya ang gusto niya. Siguro may sinabi siya kay Niall kaya hinayaan ni Niall na huwag nang lumapit sa iyo. May kutob na ako doon pa lang sa probinsya, nang makita natin siya." lalong kumukulo ang dugo ko kay Barbie. Anong sinabi niya kay Niall para mapasunod niya ito?
"Hannah..." nagulat kami ni Louis ng sumulpot si Maddy sa harap namin.
"Alam mo na ba?" halata ang kaba niya habang kinakalikot ang cellphone niya.
Pinakita niya iyon sa akin at lalong gumuho ang mundo ko...
Niall announced earlier that he left his band, One Direction.
The Irish singer announced that he left the band because he will settled down with his current girlfriend, Barbie Palvin. The couple are expecting their first child, because Barbie is one month pregnant.
Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko, ngayon alam ko na... Nasagot na ang mga katanungan ko.
***
BINABASA MO ANG
My Life With One Direction (Completed and Revised)
FanficMy Life With One Direction. (One Direction Fanfiction) COMPLETED AND REVISED. Book cover not mine.