Napakaganda rito. Sariwang hangin, malinis na paligid, asul na dagat, malalaking puno, puting buhangin, at higit sa lahat, walang nakakakilala sa 1D at hindi nila alam na nandito ako.
Iniisip ko na ngang permanenteng tumira dito, kaso tatapusin ko na lang muna ang pag-aaral ko. Isang taon na lang naman.
Isang linggo na ako rito, at sa isang linggo na iyon, masaya ang naging buhay ko. Alas sais pa lang gumigising na kami. Sumasama ako kay kuya Baste sa pangingisda, kasama rin namin minsan si Princess. Naaabutan ko ang pagsikat ng araw habang nasa dagat kami. Pagladating ng alas otso, tinutulungan ko si lola Elvy na magluto ng almusal. Pagkatapos namin mag-almusal, sinasamahan namin ni Princess si ate Joan para magbenta ng isda. Babalik kami sa oras tanghalian, at pagdating ng alas dos, nagluluto si Lola Elvy ng meryenda, tumutulong ako sa paglalako kung minsan.
Napakasaya ng buhay ko rito sa probinsya, nakakapagbasa ako ng libro kapag tapos na ang mga gagawin. Nakakapagrelax ako rito.
May mga turista rin dito, minsan nagrerenta sila ng cottage, minsan sa malalaking bahay sa paligid kapag gusto nilang magtagal. Pero ni minsan, hindi ko pa nakikitang may tumira sa malaking bahay katabi ng sa amin.
"Ate, pa open ako ng facebook ko." pinapahiram ko sina Princess at Kyle ng cellphone ko. Hindi ko na naman ito madalas magamit.
Nakahiga ako ngayon sa isang duyab na nakasabit sa puno, nakaupo naman si Princess sa buhangin.
"Bukas pupunta tayo ni Kyle sa Mall, bibilhan ko kayo ng cellphone." weekend na bukas. Gusto ko silang igala.
"Naku ate huwag na, nakakahiya."
"Huwag na kayong mahiya, regalo ko na lang sa inyo kasi pinapatira niyo ako sa bahay niyo." mabait sila sa akin. At saka, pinangakuan ko si Kyle na bibilhan ko sila.
"Malayo ba ang Mall dito?" .
"Isang oras na biyahe, ate. Sasakay tayo ng isang tricycle at isang jeep."
"O sige, basta bukas pagkatapos kumain ng tanghalian, aalis tayo."
Naexcite naman si Princess."Buti talaga ate Hannah nagpunta ka rito. Isang beses pa lang kaming nakakapunta sa Mall."
"Treat ko na sa inyo, tsaka kaka graduate mo lang ng grade 6, kaya reregaluhan kita." nagpasalamat naman siya sa akin at may itinanong.
"Maganda ba sa Manila, ate? At saka, madalas ka bang pumunta sa mall?" inosenteng tanong niya sa akin.
"Mas maganda pa rin dito sa probinsya, sa Manila kasi maingay, mausok, at magulo. Samantala ditk naman, kahit mahina ang signal kahit kahoy madalas ang bahay, kahit walang mga building. Masaya ang pamumuhay. Hindi kayo naghahangad at hindi ninyo kailangan ang luho." tumango-tango naman siya sa akin.
"Oo nga pala ate, laging kinukwento ni lola sa amin na foreigner daw po ang tatay niyo, at may kapatid daw po kayo?"
"Totoo iyon, pero hindi ko pa sila nakikita, iniwan nila kami sanggol pa lang ako.'
"Iyon nga po ang kwento ni lola, pero hindi na po ba sila bumalik?"
"Hindi na, kaya hindi ko sila kilala."
"Hindi ba nagtataka ate kung anong hitsura nila ngayon?" umiling lang ako sa kanya.
"Siguro ate gwapo ang kuya mo, maganda ka kasi, e." tama naman siya gwapo si Harry.
"Hmm, maiba naman tayo ate." nakahawak ang ilang daliri niya sa baba niya.
"Nagka nobyo ka na ba?"
"Hindi pa." pero parang hindi siya naniniwala sa akin.
"Weh? First kiss ate?" muntik na akong masamid sa tanong niya. Naaalala ko tuloy ang unang halik ko.
"Uy ate, namumula ka. Sinong unang halik mo?"
"Kilala mo ba ang One Direction?" tanong ko sa kanya, mukhang hindi naman niya kilala kaya okay lang siguro na mag kwento ako.
"One Direction? Naririnig ko iyan sa radyo, kaso hindi ko sila kilala."
"Okay, pero yung unang halik ko kasi ay masa beach kami." nahihiya kong sabi.
"Eh sabi mo wala ka pang nagiging nobyo?" nagtatakang tanong niya
"Basta, mahirap ipaliwanag."
"Ano namang kinalaman ng One Direction sa unang halik mo?"
"Ano, kasi... Kamukha ng isa sa kanila ang unang halik ko."
"Talaga ate? Ang swerte mo naman. Kahit hindi ko pa sila nakikita alam kong gwapo sila." swerte nga ba ako dahil isa sa kanila ang unang halik ko?
Binago ko na ang usapan bago pa ako makasabi ng kung ano.
Masaya ako dahil nakikita kong abot tenga ang ngiti ni Princess at Kyle. Kakauwi lang namin galing sa mall. Alas singko na ng hapon. Pinamili ko sila mg cellphone at pinakain ko rin sila. Nag-uwi naman kami para kina lola Elvy.
Nagligpit muna kami at nagpalit ng damit. Lalabas kami kapag palubog na ang araw. Nakagawian na naming panuorin iyon.
Hinila ako ni Princess palabas. Kukuhanan daw niya ng litrato ang papalubog na araw. May mga iilang tao rin ang nanunuod.
Umupo ako sa buhagin habang nakatayo naman sa gilid ko si Kyle at Princess. Nag-intay pa kami ng ilang minuto.
"Ang ganda talaga rito, kung nandito lang sana si Hannah." nagulat ako sa narinig ko. Nagkamali nga lang ba alo ng rinig?
"Hindi mo pa rin ba macontact?"
"Nagpalit ata siya ng number, nakablock din ako sa facebook niya."
Napatayo ako sa gulat, nakita ko si Maddy malapit sa pwesto ni Princess, katabi naman niya si Louis. Pinagmamasdan din nila ang papalubog na araw.
Lalo pa akong nagulat ng may papalapit kina Louis na lumabas galing sa bahay na katabi ng bahay namin.
"Ligpitin niyo muna gamit niyo sa loob." kausap niya sina Louis, pero napahinto siya ng mapalingon siya sa akin.
"Hannah?"
"Anong sinasabi mo Zayn? Wala si Hannah dito. Ikaw ha, may gusto ka ba kay Hannah?" nakatalikod sina Louis sa akin. Pero nakita nilang hindi gumagalaw si Zayn kagaya ko. Kaya napalingon sila sa tinitingnan niya.
"Hannah!?" sabay nilang banggit ni Maddy.
***
BINABASA MO ANG
My Life With One Direction (Completed and Revised)
FanfictionMy Life With One Direction. (One Direction Fanfiction) COMPLETED AND REVISED. Book cover not mine.