Seven

825 28 1
                                    

Tahimik lang kami habang nasa byahe, si Zayn naka earphones, si Liam hawak ang cellphone niya, si Niall nakatingin sa bintana, si Harry nakapikit, at si Louis, busy sa pagda-drive.

Kinalabit ko siya.

"Anong gagawin natin sa mall?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa akin saglit at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Mukhang walang makukuhang sagot sa kanya kaya nanahimik na lang ako.

Umidlip muna ako saglit ng kalabitin ako ni Harry.

"We're here." sabay turo niya sa Mall na nasa harap namin. Shangri-la.

Kaming dalawa na lang nandito sa loob kaya lumabas na ako. Tiningnan ko sila, suot na naman nila ang shades, sumbrero, at face mask nila.

Pati ba naman sa mall magsusuot sila ng ganyan?

"Tanggalin niyo sumbrero niyo, walang araw sa loob." sinunod naman nila ako. At pumasok na kami sa loob.

Nasa gitna nila ako, si Zayn at Liam nasa unahan ko, nasa kaliwa ko si Harry, nasa kanan si Niall, at nasa likod ko si Louis. Parang body guard ang datingan nila. Pilit akong tumitingkayad dahil wala akong makita. Hindi ko makita kung saan kami pupunta. Mukhang kaunti lang tao dito kasi wala akong ingay na naririnig.

Kinalabit ko si Harry.

"Saan tayo pupunta?"

"Bibili ng damit."

"Bakit sinama niyo pa ako? Eh bibili lang pala kayo ng damit?"

"Ikaw bibihan namin." nanlaki ang mata ko. Eh kakabili lang niya sa akin ng damit ah!

"For what? Marami pa naman akong damit."

"For your graduation ball, graduation, and for our concert." sabi ni Louis sa likod ko.

Siniko naman siya ni Harry.

Nagtataka ako kung paano niya nalaman ang tungkol sa graduation ko. Pero hinayaan ko na lang sila.

Pumasok kasi sa isang shop ng mga gown. Pumili raw ako sabi ni Harry.
Tumingin-tingin muna ako, at may tatlo akong pinagpipilian. Tatlong off shoulder na gown na iba-iba ang kulay. Isang black na may slit, yellow na pa balloon, at isang red na hapit sa katawan.

Nakaupo silang lima dito sa bench sa loob ng shop, at tila bored silang lahat.

"Gumala muna kayo, ako na ang bahala dito." sinabi ko sa kanila.

Tumayo naman si Liam, Zayn, at Louis. Aalis na sana silang tatlo ng hinila ni Louis si Harry palabas. Si Niall na lang ang naiwan.

"Dito ka lang?" tanong ko sa kanya. Nakakaintindi naman sila ng tagalog, at nakakapagsalita ng kaunti, mahahalata mo nga lang ang accent nila.

"Yup." sagot niya sa akin.

Sinukat ko na ang gown na pagpipilian ko. Una kong isinuot ang kulay yellow na pa balloon, medyo kita ang cleavage ko dito. Naiilang ako.

May kumatok sa pinto ng pinagbibihisan ko.

"May I see?" si Niall pala.

Lumabas ako at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Hmm, too sexy." sabi niya. Nailang naman ako. Hindi ko kasi napansin na masyadong mababa pala itong gown na ito.

Sinukat ko naman ako pula, tama nga ang hinala ko, masyadong hapit ito sa katawan ko.

Lumabas ako at nag-thumbs up si Niall. Sunod kong sinukat ang itim na gown na may slit, hindi naman masyadong mahaba ang slit nito, sakto lang sa binti ko.

Ngumiti naman si Niall at sinabing bibilhin namin ang pula at itim na gown.

Para sa graduation ball ko ang itim at sa mismong graduation naman ang pulang gown. Bago kami lumabas tinanong ko muna si Niall.

"Wait, anong damit ang isinusuot sa bar?" naalala ko kasing magba-bar kami ni Maddy. Celebration namin.

"Uhm, dress for girls." nagtatakang sagot ni Niall sa akin.

"Wait, stay there. Saglit lang ako." pumunta ako sa puwesto ng mga dress, pumili ako ng itim na dress na hanggang tuhod, off shoulder din ito.

Binayaran ko rin ito gamit ng card na bigay ni Niall kanina. Galing daw kay Harry.

Nakalabas na kami ng shop pero hindi pa rin dumadating yung apat. Akala ko maghihintay lang kami sa tapat ng biglang hawakan ni Niall ang kamay ko, at naglakad kami. Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak, napatigin din siya pero hindi niya iyon binitawan.

"Baka maligaw ka." nginitian niya ako. Nasa second floor sila. Harry messaged me." sumakay kami ng escalator at magkahawak pa rin ang kamay namin.

Tinanong ko siya habang naglalakad kami.

"Uh, wala ba kayong ginagawa? Lagi kayong nasa galaan, eh." tumawa si Niall.

"Tapos na. Afternoon is our free time."

Hindi na ako muling nagtanong sa kanya. Pumasok kami sa bilihan ng mga bikini. Nagtataka ako kung anong ginagawa namin dito.

Binitawan na ni Niall ang kamay ko ng makapasok kami, bitbit pa rin niya ang pinamili ko kanina.

Nakatalikod yung apat sa amin, at halatang namimili. Sino na ang bibilhan nila?

"That's too large." sinabi ni Louis kay Harry.

Tinawag naman sila ni Niall at napalingon sila sa amin.

"You're here." sabi ni Harry.

"Pumili ka na ng gusto mo." dugtong pa niya.

Bigla namang may itinapat si Louis sa akin, at parang sinisipat niya kung kasya iyon sa akin.

"I'm right, this is too large." napatakip naman ako ng katawan ko. Binatukan naman siya ni Harry.

Hindi pa siya tumigil ng magtanong siya sa akin.

"What's your size?" napaubo ako sa sinabi niya. Lalong tumingin sa amin ang mga tao sa loob. Tinakpan ko ang mukha ko at balak ko ng lumabas ng magsalita si Louis.

"Nervermind, may nakuha na ako."

May kanya-kanya silang bitbit na plastic, bukod sa gown at bikini, binilhan din nila ako ng sapatos at sandals.

"Saan na tayo?" tanong ko sa kanila.

Ilalagay daw muna nila ang pinamili sa sasakyan at manunuod kami sa sine.

Pumayag na rin ako dahil matagal na rin akong hindi nakakanuod. Nakakanuod lang ako kapag may film showing kami sa eskuwelahan.

Kasama ko si Zayn at inantay namin silang apat na pumunta dito sa sinehan.

Nakapamulsa lang si Zayn habang nakaupo kami dito sa bench. Siya ang pinakatahimik sa kanilang lima. Hindi mo siya makakausap ng maayos.

Dumating na ang apat at at namili na kami ng papanuorin. Nag-aaway sila kung ano ang papanuorin namin. Si Louis gusto ng Horror, si Liam gusto ng Love Story, at si Niall at ako ay gusto ng Animated movie.

"Okay, Zayn and I will watch this movie." pumayag naman kami kaya bumili na sila ng ticket.

"Harry and I will watch this horror movie." sasama sana sa amin si Harry ng hilahin siya ni Louis. Kaya hindi na siya nakapalag. Bumili na rin kami ng ticket, wala namang problema dahil parehas naman kami lahat ng oras ng simula at tapos. Mauuna lang saglit matapos ang sa amin ni Niall.

Bumili na kami ng pagkain at inumin at pumasok na sa loob.

Hindi pa nagsisimula ang palabas kaya nagkuwentuhan muna kami ni Niall.

Marami siyang nakuwento kagaya ng bunso siyang anak, September ang birthday niya, at favorite niya ang tinolang manok.

Magsisimula na ang palabas ng may nakalimutan akong itanong sa kanya. Kaya kinalabit ko siya.

"Para saan yung bikini?"

Nginitian niya ako at sinabing.

"We're going to the beach."

Napatahimik na lang ako.

***

My Life With One Direction (Completed and Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon