Iisa lang ang masasabi ko, Wow.
Nakapakaganda ng lugar na ito. Pagkadating namin dito halos magaalas-singko na. Tinuro ni Paul ang mga kwarto, may walong kuwarto dito sa loob, nasa baba ang kwarto ni lola at yaya, kasalukuyan silang nagpapahinga at mamaya ay magluluto sila ng pagkain namin. Nasa second floor naman ang kuwarto ko, pinaggigitnaan ng kuwarto ni Niall at Harry. Ang kwarto naman ni Louis, Liam, Zayn, at Paul ay nasa third floor. Kinuha ko muna ang gamit ko kay Lola, nagbihis ng tshirt at shorts, tsaka naglakad-lakad.Maganda ang disenyo ng bahay, makaluma. Gayunman ay hindi naman mukhang nakakatakot. Pagpasok mo ng bahay, makikita mo sa kaliwang bahagi ang sala, may malaking tv at tatlong sofa. Sa kanang bahagi naman ay makikita mo ang bar counter, kapag dumiretso ka pa pakanan, doon mo makikita ang kusina, mayroon doong lamesa na kasya ang sampu, refrigerator na malaki, at sa bandang dulo ang isang paliguan.
Sa gitna mo naman makikita ang hagdanan para makarating ka sa itaas. Bawat kuwarto ay may aircon, pero sa ibang bahagi ng bahay wala na. Malamig naman kasi at malapit amg dagat.
Kapag umakyat ka sa second floor, makikita mo ang tatlong kuwarto, at sa bandang dulo ang CR. Mayroon ding terrace kagaya ng sa third floor. Sa third floor naman mayroong apat na kuwarto at maliit na terrace, may Cr din sa bandang dulo ng hallway.
Pagkatapos kong maglibot, bumalik muna ako sa kuwarto at nagpahinga, may bintana dito na makikita ang dagat sa labas. Napakaaliwalas ng paligid. Makakalimutan mo ang problema mo.
Tumayo ako at lumabas, pupunta ako sa dagat at sisilipin ang paglubog ng araw, sayang nga lang at wala akong camera, kukuhaan ko sana ito ng litrato.
Ako lang ang tao dito sa labas, malamang nagpapahinga ang lahat. Napagod siguro sa biyahe. Hindi na aki nagsuot ng tsinelas at hinayaan ko lang na maramdaman ng paa ko ang puting buhangin. Napakasarap sa pakiramdam.
Habang naghihintay sa paglubog ng araw, may tumabi sa akin. Paglingon ko, nakita ko si Harry na naka pamulsa, nakasuot siya ng sando at shorts. Nakangitin siya sa akin.
"Here." may inabot siya sa aking isang maliit na kahon. Kinuha ko ito at binuksan. Isang camera. Instax.
Alam ko ang tawag dito dahil may ganito si Maddy, isa itong camera na kapag kumuha ka ng litrato, lalabas agad ito. Tumingin ako kay Harry.
"For you. Capture your favorite moments." sabi niya.
Napangiti ako at nagpasalamat sa kaniya.
"I bought you films, para hindi agad maubos."
Ginamit ko ito at kinuhaan ang papalubog na araw, maya-maya, lumabas agad ito. Malinaw ang kuha nito.
"Ang ganda." tanging sabi ko. Hinila ko ang braso ni Harry. Naguguluhan siya. Sinabihan ko siya na yumuko kaunti at matangkad siya. Itinaas ko ang camera at kumuha ng litrato namin.
Umakbay siya sa akin at kumuha ulit ako ng litrato. Marami pa kaming pose na ginawa hanggang sa maubos ang film. Kumuha siya at ibinigay niya iyon sa akin.
Iniwanan niya muna ako at tutulong daw siya kay lola, hinayaan niya akong maglibot ngunit sinabi niya na huwag akong lalayo. Malaki ang resort na ito at kami lang ang tao.
Naglakad-lakad ako at kinuhaan ang ilang bagay, kagaya ng maliliit na alimango na nasa buhangin, mga puno ng buko, at ang dagat.
Tinawag na ako ni yaya at nakahanda na raw ang pagkain. Pagdating ko sa kusina, ako na lang ang hinihintay.
Nakahain na ang mga pagkain. Tuyo, ginisang hipon, ginataang alimango, tahong na sisig, at lato na may sawsawang suka. Panay seafoods ang ulam.
Natakam naman ako at kumain na. Walang kutsara't tinidor sa lamesa, kaya naghugas kami ng kamay tsaka kumain.
Pinagmamasdan ko silang lahat, tuwang-tuwa sila. Lumingon ako sa katabi ko, si Niall. Hirap na hirap siya sa pagkakamay kaya tinuruan ko siya.
Mabilis naman siyang natuto at nagpasalamat sa akin. Napansin ko na parang may nakatingin sa akin ng paglingon ko, si Louis pala.Tiningnan niya ako ng may pang-aasar at binalaan ko siya na huwag maingay.
Pero maya-maya, tinawag niya si Niall.
"Ang sarap ng tulog mo kanina." baliko-balikong tagalog na sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Yeah, I was tired." sagot ni Niall.
"Ah, what was your dream?" tanong niya kay Niall.
"I can't remember."
"Was there a woman taking a picture of you in your dream?" nabulunan ako sa tanong sa kanya ni Louis, kaya nasipa ko siya. Kaharap ko siya sa lamesa kaya madali lang sa akin na sipain siya.
"Aw." napatingin siya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.
"What's wrong, Lou?" tanong ni Liam sa kanya.
"Nothing." sagot niya at inirapan ako.
Natapos ang pagkain namin at may kanya-kanya na kaming ginawa. Bukas na lang daw kami magswimming dahil gabi na.
Ako na ang naghugas ng plato, si Niall naman ang nagligpit. Pagod na kasi si Lola, yaya, at Harry. Sila ang nagluto kanina.
"I will help you." lumapit sa akin si Niall at tiningnan ako.
"Aren't you tired?" tanong ko sa kanya.
"Nah." sagot niya sa akin at tinanong kung anong gagawin niya.
Ako ang nagsabon ng plato at siya naman ang nag-aanlaw. Marami siyang nakuwento sa akin tulad ng kung saan siya nakatira at kung paano siya nakakaintindi at nakakapagsalita ng Tagalog.
Simula raw ng naging magkakilala sila ni Harry, nag-aral sila ng Tagalog, apat na taon na siyang nag-aaral nito. Hindi man perpekto pero naiintindihan naman.
Malapit na kaming matapos ng magtanong siya.
"Who is RJ for you?"
"He's just my friend."
"Really?" tanong niya na parang hindi naniniwala sa sagot ko.
"Yeah, we knew each other since highschool. He's just my friend. No more than that." napangiti siya sa sagot ko.
"But, for him, you are more than a friend." naguluhan ako sa sinabi niya.
"What do you mean?" pero hindi niya ako sinagot, kaya ako naman ang nagtanong sa kanya.
"How about you? Do you have a girlfriend?" nahihiya kong tanong sa kanya.
"None, we're busy to have a girlfriend." ano kayang pinagkakaabalahan nila. Pero hindi ko na iyon itinanong sa kanya.
"Do you have some ex-girlfriends?" nag-aalangan niya akong sinagot.
"Yeah, I have one, we broke up because I was too busy." nalungkot naman ako sa sinabi niya.
"Gaano kayo katagal?" sinabi niya sa akin na first love daw niya iyon. Lalo tuloy akong nalungkot para sa kanya.
"4 years." ang tagal na naging sila. Binago ko na ang usapan bago pa siya mailang sa akin.
Natapos kaming maghugas ng plato at umakyat na siya sa kuwarto niya. Baka nasaktan sa mga tanong ko.
Lumabas muna ako at nagpahangin, umupo ako sa tabi ng puno.
Inalala ko ang mga araw na wala pa sila sa buhay ko, hindi ko nararanasan ang ganito. Paano kaya kung umalis sila? Alam ko namang hindi sila permanente dito. Babalik din sila sa mga buhay nila, na wala ako.
Napagisip-isip ko rin na dapat ko ng itigil ang paghanga ko kay Niall, baka lalong lumalim at hindi ako makaahon, alam ko naman na panandalian ko lang silang kasama.
Pero hindi ko maiwasang masaktan. Kahit ilang araw ko pa lang siyang kasama. Ang sakit malaman na may minahal siyang babae. At mas masakit dahil alam kong patuloy pa rin siyang nasasaktan dahil sa babaeng iyon.
Pumikit ako at dinama ang malamig na hanging tumatawa sa balat ko, at nagdasal na sana, makahanap ako ng lalaking mamahalin ako.***
BINABASA MO ANG
My Life With One Direction (Completed and Revised)
Fiksi PenggemarMy Life With One Direction. (One Direction Fanfiction) COMPLETED AND REVISED. Book cover not mine.