"Sigurado ka na ba, apo?"
Dalawang araw na lang at magsisimula na ang klase, paalis na ako ng bahay dala ang mga importante kong gamit kagaya ng mga damit ko.
"Opo lola, napag-usapan na po natin ito. Huwag na po kayong mag-alala sa akin, tsaka uuwi naman po ako tuwing sabado dahil walang pasok."
Napagdesisyunan kong magdorm na lang dahil malayo ang Manila dito sa amin, mahihirapan akong bumiyahe araw-araw."Eh, sigurado ka ba na magwo-working student ka?" tanong ni yaya habang katabi niya si lola. Nasa tapat na kami ng pinto ng bahay.
"Opo yaya, at saka gabi naman iyon, pandagdag ko na rin sa bayarin sa school."
Wala na silang nagawa ng magpaalam ako, tiningnan ko muna sa huling pagkakataon ang bahay namin, mamimiss kong matulog dito. Dito rin kasi ako lumaki. Pero wala akong magagawa, ganito talaga ang buhay lalo na kung tumatanda ka na. Kailangan mong iwan ang mga nakasanayan mo.
Bumiyahe na ako at papunta sa dorm. Malapit lang ito sa eskwelahan na papasukan ko. Natuloy ang pag-enroll ko sa PNU bilang isang Education student, ganoon din si Maddy pero Psychology ang kinuha niya. Hindi man kami magkaklase, magkikita pa naman kami sa loob ng eskwelahan.
Balak niya sanang sumama sa akin sa dorm pero hindi siya pinayagan ng magulang niya. May kotse naman daw sila at ihahatid-sundo na lang siya.
Wala na akong balita kay RJ, dalawang buwan na rin ang nakakalipas ng huling punta niya sa bahay. Pero ang alam ko, natuloybang pag-enroll niya sa UST. Pinayagan din ako ni lola na magworking student, call center, isang sakay mula sa dormitory. Panggabi ako, sakto dahil makakapagpahinga ako pagkagaling ko sa eskwelahan. Alas otso nang gabi ang pasok ko sa call center at alas singko naman ng madaling araw ang labas ko. Alas nuwebe naman ang pasok ko sa eskwelahan hanggang alas singko ng hapon, may dalawa't-kalahating oras akong pahinga bago pumunta sa trabaho. 30 minutes lang naman ang biyahe. Samantala, sabado hanggang linggo ay uuwi ako sa bahay, day off ko iyon sa trabaho at wala akong pasok sa eskwelahan.
Noong una, ayaw akong payagan ni lola mag working student dahil baka mahirapan lang raw ako, pero ginawa ko ang lahat para pumayag siya. Inayos ko maigi ang schedule ko sa eskwelahan para naman may pahinga pa ako, ayon pumayag na siya.
Wala na rin akong balita sa 1D, mabuti na iyon, pero may nakikita pa rin akong fans nila kaya naaalala ko lang sila.
Hindi ko na namalayan na nasa tapat na ako ng dorm. Malaki ito at ilang lakad lang ang layo sa PNU, makikita na medyo may kalumaan na ito dahil sa pintura ng pader, kupas-kupas na ang kulay nito. May guard na nagbabantay kaya pumunta ako sa kanya.
Ibinigay niya ang susi ng kwarto ko at umakyat na ako sa ikalawang palapag, apat na palapag ang dorm na ito, at bawat palapag, may sampung kwarto at dalawang tao ang natutulog sa bawat kwarto dito.
Pagpasok mo sa loob ng kwarto, may bintana ito at isang paliguan, may dalawa din itong kama at isang maliit na kusina. Hindi gaya sa labas, hindi mukhang luma ang loob ng kwarto. Mukhang bagong gawa ito.
Nakilala ko na ang kasama ko dito pero sa lunes pa siya titira, kagaya ko, first year Education student din siya sa PNU pero Math ang major niya, hindi kagaya ko na English.
Esmeralda ang pangalan niya, morena na mas maliit sa akin ng kaunti, hindi siya fan ng 1D, hindi kagaya ni Maddy. Siya ang nagpasok sa akin sa Call Center dahil isang taon na siya roon, may bahay daw talaga ang tita niya dito sa Manila pero umalis siya doon dahil nahihirapan na ang tita niya sa pagpapa-aral sa kanya. Kaya naisipan niyang magdorm na lang. Nakilala ko siya noong enrollment, magkasunod kami sa pila. At doon ko siya nakakwentuhan. Tadhana na rin siguro na maging kaibigan ko siya dahil parehas na Pebrero ang kaarawan namin at araw lang ang pagitan, kaya siguro magkasundo agad kami.
Inayos ko muna ang mga gamit ko bago nahiga, alas kwatro pa lang ng hapon, binigyan ako ni lola ng pera para bumili ng pagkain ko na kakasya sa isang linggo. Nagpahinga muna ako dahil mamayang alas sais mamamalengke na ako.
Isinuot ko ang earphones sa tenga ako at binuksan ang radyo sa cellphone ko. Pero pinatay ko rin dahil panay 1D ang tumutugtog. Naiirita lang ako, kaya ang ginawa ko. Nagbasa na lang mg libro.
Nandito ako ngayon sa SM Manila, namimili ng makakain. Inilista ko ang lahat ng bibilhin ko.
Nang nasa counter na ako, may nagtakip ng mata ko. Kinabahan ako saglit dahil naalala ko na parang may sumusunod sa akin mula pa kanina paglabas ko ng dorm. Kinurot ko ang kamay ng tumakip sa mata ko at agad iyong inialis. Napasigaw naman ng mahina ang lalaking gumawa niyon.
Nagulat ako sa nakita paglingon ko.
"Hi Hannah, long time no see."
"Antonio?" sambit ko.
"Yup." ngumiti siya sa akin.
Binayaran ko muna ang mga pinamili ko bago kami nagkwentuhan habang naglalakad. Tinulungan niya ako magbitbit.
"Paano mo nga pala ako nakita?" tanong ko sa kanya.
"Nang pumasok ka sa Department store, namukhaan kita pero hindi kita agad nilapitan dahil baka nagkakamali lang ako kaya sinundan kita. Tapos ng malapitan kita, nakita ko na ikaw nga iyan." nakangiti siya habang nagkukwento sa akin.
Dinala niya ako sa isang korean fast food chain, libre niya raw ako.
Habang kumakain kami ay nagkukwento siya, sa TUP siya mag-aaral, sa tapat lang iyon ng eskwelahan na papasukan ko, kagaya ko, nagdodorm din siya.
Nakikinig lang ako habang nagkukwento siya, napakatalino niya, marami siyang sinasabi na hindi ko alam. At namamangha ako dahil alam din niya ang mga libro na binabasa ko.
Nagkukwentuhan na lang kami dahil tapos na kami kumain.
"Hannah, mukhang magkikita tayo ng madalas, ah. Dahil diyan, Liza na ang itatawag ko sa iyo." umoo na lang ako. Naikuwento ko kasi ang buo kong pangalan sa kanya.
"Oo nga pala, kilala mo ang yung One Direction?" napatigil ako sa tanong niya.
"Bakit?" seryoso lang siya habang nag-iisip.
"Kasi kaapelido mo yung isa sa kanila, by the way, fan kasi ako."
"Naririnig ko lang sila pero hindi ako fan." sagot ko sa kanya. Ngayon ko lang nalaman na may lalaki rin pa lang may gusto sa kanila.
"Hm, nakakapagtaka ka Liza, maraming babae ang may gusto sa kanila." pang-aasar niya sa akin.
"Well, I'm not one of them." sagot ko.
Nagkwento lang din siya ng ibang bagay hanggang sa ihatid niya ako sa dorm. Hindi niya dala ang sasakyan niya dahil malapit lang ang dorm niya sa eskwelahan niya. At kapag naman uuwi siya sa bahay nila, sinusundo na lang siya ng papa niya. Hindi raw sila mayaman, may negosyo lang kaya nakapundar ng sasakyan.
Nasa tapat na kami ng dorm ko, ilang lakad lang din ang dorm niya rito. Nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako sa loob, pero bago siya umalis, niyakap niya ako.
Hindi agad ako nakapagsalita.Namalayan ko na lang na nakalayo na siya.
Itinapat ko ang kamay ko sa dibdib ko, medyo mabilis ang tibok ng puso ko.
Para saan ang ginawa niya? At bakit parang nagkakagusto na ako sa kanya?
***
Hi, sorry kung walang 1D sa scene na 'to, gusto ko lang ipakita yung buhay ni Hannah pagkaalis ng 1D.
-Author.
BINABASA MO ANG
My Life With One Direction (Completed and Revised)
FanfictionMy Life With One Direction. (One Direction Fanfiction) COMPLETED AND REVISED. Book cover not mine.