Napatulala na lang ako sa narinig ko mula kay Niall, sinarado ko na ang pinto ng kwarto at nahiga sa kama.
Ganoon ba talaga niya kamahal si Barbie? Handa siyang iwan ang banda para sa kaniya? Alam kong first love ni Niall si Barbie at nagkahiwalay sila dahil busy si Niall sa banda. Pero ngayon, siya na ang aalis. Hindi ako tanga para hindi malaman na ginawa niya iyon para magkaroon na siya ng time kay Barbie...
Ngayon, handa na talaga akong gawin ang lahat makalimutan lang siya.
Iniyak ko na lang lahat ng nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit sobra-sobrang sakit ang bumabalot sa katawa ko; bakit ko ba minahal si Niall ng ganito? Wala akong dapat sisihin kung hindi ang sarili ko lang.
Pauwi na kami sa Manila at si Zayn ang nagdadrive ng kotse. Nakasuot ako ngayon ng shades para hindi nila makita ang sobrang pamamaga ng mata ko. Nakatanaw lang ako ngayon sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga punong nadadaanan namin.
Walang ni isa sa amin ang nag open up ng mga sinabi ni Niall, hindi pa rin iyon alam ni Liam at Louis.
Tuluyan na nga bang masisira ang banda nila? Siguro nga ako ang malas sa buhay nila, kung hindi dahil sa akin, hindi sila magkakaganito. Iniisip ko pa lang iyon pero naiiyak na naman ako.
Nakarating kami sa bahay nang tahimik pa rin kami, dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga na lang. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na rin pala ako.
Nagising ako nang maramdaman na may umaalog sa akin.
"Hannah..." patuloy pa rin niya akong inaalog.
"Bakit?" pagmulat ko ng mata ay nakita ko si Maddy.
"May nagpapabigay sa iyo."
"Istorbo ka naman, natutulog iyong tao, e." may inis na sabi ko sa kaniya. Pwede naman niyang mamaya na lang ibigay sa akin.
"Importante ito." may inabot siya sa aking isang na isang medium size box.
"Ano iyan? Tsaka sino nagpapabigay?"
"Tingnan mo na lang." kinuha ko sa kaniya ang box, mukhang wala rin siyang balak sabihin kung sino ang nagpapabigay non."Baka bomba ito ah, o kaya ipis! Sinasabi ko talaga sa'yo Maria!" napasimagot siya nang tawagin ko siyang Maria.
"Babatukan kita, buksan mo na kasi." mukhang excited siyang makita iyon kaya dali-dali ko iyong binuksan.
May nakatupi roong papel na mukhang sulat kamay at mayroon ding larawan.
Una kong tiningnan ang picture, at nagulat ako dahil mukha ko iyon noong bata pa ako.
"Teka, saan ito? At sinong kasama ko?" nagtataka kong tanong kay Maddy. May kasama akong batang Foreigner at blonde ang buhok.
"Bakit ako ang tinatanong mo, eh ikaw iyang nasa picture." pinilit kong alalahanin ang picture, at may nakita akong date at description sa likod nito.
James and Elizah, Enchanted Kingdom.
Onti-onting bumalik sa akin ang ala-ala, na muntik ko nang makalimutan.
Umiiyak ako dito sa gilid dahil naaalala ko na naman ang mama ko. Kakawala lang niya, at kahit kailan, hindi na siya babalik. Hindi ko alam kung bakit pinasama pa ako ni lola rito sa field trip namin kahit ayaw ko.
Katwiran niya, malungkot daw ako at gagraduate na raw kasi ako ng grade 6 sa May, kaya kailangan ko raw maranasan itong field trip. Kung ano-anong palusot na ang sinabi ko kagaya ng wala akong kasamang magulang pero pinasama niya ako kina Maddy, kasama ang mama niya.
BINABASA MO ANG
My Life With One Direction (Completed and Revised)
Fiksi PenggemarMy Life With One Direction. (One Direction Fanfiction) COMPLETED AND REVISED. Book cover not mine.