Hi readers, hope you enjoy this story. Inalis ko s'ya sa wattpad because I want to edit it but, natagalan bago ko ulit ilabas, isa pa dahil hiatus ang 1D pero I really miss them so ibinalik ko na 'to ulit.
This story is dedicated to One Direction and Directioners.
My Life with One Direction (Completed)
October 18, 2014-June 3, 2015.Edit: Thank you, iceisicey for the cute book cover 💗
----
"Ano? Iyang Kano na yan kapatid ko?" tanong ko kay lola habang nakaturo ang aking kamay sa isang lalaking may kulot na buhok, matangkad, at may berdeng mata.
"Apo 'di s'ya Amerikano, Briton Sya " tiningnan ko si lola kung nagbibiro ba s'ya, pero seryoso lang s'yang nakatingin sa akin.
"Kahit na pareho lang iyon, basta wala akong kapatid no!" paanong hindi ako maniniwala, eh bigla na lang s'yang sumulpot dito sa bahay. Tinawag ako ni lola habang nagbabasa sa kuwarto ko ng pababain n'ya ako at ipinakilala n'ya sa akin ang kapatid ko raw.
"Meron nga s'ya" ipinagpipilitan pa rin ni lola na kapatid ko itong lalaking 'to. Sa labing pitong taon ko ng nabubuhay sa mundo, wala silang nabanggit na kapatid ko.
"Oo nga, gwapo nya kaya" sumingit si yaya sa usapan namin habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Kulang na lang maglaway s'ya.
"Isa ka pa yaya eh"
"Hannah, Ang laki mo na" nagsalita ang lalaking nasa harapan ko at nakatitig sa akin. Marunong s'yang magtagalog ngunit halata pa rin ang accent n'ya.
"Tumanda ako pero hindi ako lumaki, at bakit ka ba biglang sumulpot dito sa bahay namin?" tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko. Nakatingin naman sa akin si lola habang hawak ang pamaypay n'ya, ganoon din si yaya na iniwan ang niluluto n'ya sa kusina para makita ang nangyayari dito sa sala.
Hi my name is Hannah Elizah Styles, at sa araw na 'to, nagbago ang tahimik kong buhay dahil sa pagdating nila.
And this is the start of my life with One Direction.
BINABASA MO ANG
My Life With One Direction (Completed and Revised)
FanfictionMy Life With One Direction. (One Direction Fanfiction) COMPLETED AND REVISED. Book cover not mine.