Hinihingal ako nang makarating ako sa market na sinasabi nina Princess. Medyo maraming tao rito, marami ring bukas na kainan, at kung ano-anong tindahan. Maganda pala rito kapag gabi. May bukas na ilaw kaya medyo maliwanag. Sa generator ata nila kinukuha ang kuryente.
Naglibot-libot ako, sa bandang gitna ay may maliit na stage. May kumakanta roong isang babae, nasa likod naman niya ang mga ka banda niya.
May napansin akong isang korean store, pumasok ako roon.
May mga iilang namimili pero hindi naman masikip dito sa loob. Bumili ako ng kimchi, korean ice cream, at chocolates. Na miss ko lang kumain ng food.
Lumabas na ako pagkatapos magbayad at saka naghanap ng makakainan. Tinext ko na rin si Princess at sinabing mauna na silang kumain, at naggagala ako.
Wala naman akong nakitang sumusunod sa akin kaya napanatag ang loob ko.
"Pang isang tao lang po kuya, pa order din po ng soju at sprite." nakahanap ako ng makakainan. Samgyupsal, sa labas nakapwesto ang mga lamesa kaya natatanaw ko amg dagat. Wala ng lugar na makaka relax kung hindi dito lang.
Sinimulan ko na ang pagkain na parang wala ng bukas, hinalo ko rin ang sprite sa soju para mabawasan ang pait non.
"Hindi masarap kumain mag-isa." nakita kong may tumabi sa aking isang lalaki. Pinasadahan ko siya ng tingin, makapal ang kilay niya, maputi ang balat niya at mukha siyang may lahi.
"Sorry, hindi sa akin. At saka, hindi kita kilala, bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Feeling close siya.
"Wala na kasing pwesto, tsaka ikaw lang ang nakita kong walang kasama. Kaya makikitabi sana ako." tiningnan ko ang paligid, wala na ngang pwesto. Pumayag na akong makiupo siya sakin. Nakakaawa baka gutom na siya.
"By the way, My name is Zachary Cruz, you can call me Zach." inabot niya ang kamay niya sa akin.
"Hindi ka naman spy, noh?" tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang kilay niya.
"Naninigurado lang ako, ako si Hannah." inabot ko na rin ang kamay ko.
"Hannah, bakit ngayon lang kita nakita dito?" tanong niya sa akin.
"Ngayon lang ako pumunta kasi ngayon lang ako nagka oras, teka madalas ka rito?" pinagpatuloy ko na ang pagkain ganun din siya.
"Oo, kaya kilala ko na ang ibang nagpupunta rito, tsaka..." napakamot siya sa ulo niya.
"Tsaka?" iniintay ko ang sasabihin niya.
"Kami ang may-ari nito." nagulat ako sa sinabi niya, sila pala ang may-ari ng kinakainan namin.
"Eh bakit ka pa kumakain dito?"
"Kumakain ako pa minsan-minsan, tsaka gusto kitang makilala. Kakalipat mo lang ba dito?"
"Hindi, nagbabakasyon lang sa kapatid ng lola ko, ikaw?"
"Twing bakasyon nandito ako, dito ako lumaki, nag-aral lang ako sa Manila."
"Ah, ako ngayon lang nakadalaw."
"Ano pa lang pangalan ng kapatid ng lola mo? Baka kilala ko."
"Lola Elvy."
"Talaga? So, ikaw ang pinsan nina Princess?" nagtataka ako kung bakit kilala niya sina Princess.
"Oo, bakit mo sila kilala?"
"Malapit lang bahay niyo sa amin, katabi ng asul na walang nakatira " sa kanila pala ang bahay na katabi ng kina Harry.
"Isasabay na kita pauwi. At saka, kapag kakain na rito, may discount ka." umoo naman ako sa sinabi niya.
Matatapos na kaming kumain, nahihilo na rin ako gawa ng soju. Pero nagulat ako ng may umupo sa tabi ng mesa namin, si Maddy, Louis, at Niall.
"Hays, ang sarap pala kumain dito." hindi ko sila tinitingnan pero alam kong si Louis ang nagsasalita, at saka, hindi pa naman sila kumakain, paano niya nasabing masarap?
Nakita kong katabi niya si Maddy habang si Niall mag-isa at magkatapat ang upuan namin.
"Ang sarap kumain lalo na kung napagod ka kakahabol." hindi ko man sila tingnan alam kong ako ang tinutukoy ni Louis.
"Oo, pero may kasama pala siyang iba. Kaya nagmamadaling umalis." nagulat ako sa sinabi ni Niall. Ngayon ko lang ulit siyang narinig magsalita. Nalagok ko tuloy ang natirang soju. Umorder ulit ako.
"Dahan-dahan Hannah, baka malasing ka." tumatawa si Zach sa ginagawa ko, hindi niya kasi alam kung bakit ako nate-tense.
Dumating na ang pagkain nina Louis kaya doon na nabaling ang atensyon nila. Patuloy pa rin ako sa pag-inom, kumuha na rin si Zach ng soju niya.
Nagulat ako ng lumapit ang mukha ni Zach sa akin, akala ko kung anong gagawin niya. May ibubulong lang pala.
"Kilala mo ba sila?" sina Louis ang tinutukoy niya.
"Hindi, bakit?"
"Ang sama kasi ng tingin sa akin noong lalaking blonde ang buhok." nasamid ako sa sinabi niya. Nagulat naman ako ng may bumagsak na tinidor sa lamesa nila.
Napatingin ako sa kanila at nakita kong umiiling si Louis, si Maddy naman ay tahimik habang nagluluto, si Niall naman nakatulala lang habang nakakunot ang noo.
Nabaling ang atensyon naming lahay ng may magsalitang babae, nakatingin siya kay Niall.
"May I sit here? There's no vacant table na kasi." may hitsura siya, brown ang buhok, pero napaka arte magsalita. Akala niya siguro hindi nagtatagalog si Niall.
"Sige." akala ko tatanggi siya, pero hindi. Abot tenga naman ang ngiti ng babae.
"Hannah, iuuwi na kita." tawag sa akin ni Zach.
"Sandali, uubusin ko lang 'to." tukoy ko sa iniinom ko.
"Wow, nagtatagalog kayo?" nabaling ulit ang atensyon ko sa kanila, nagsalita kasi ulit yung maarteng babae. Sumagot naman ng oo si Niall.
"That's so cool! By the way, I'm Hana pala, H-A-N-A." so, magkapangalan pala kami, iba lang ng spelling.
"Wow, napapaligiran ka ng Hannah, Niall." tumatawang sambit ni Louis. Diniinan pa niya ang Hannah.
"Tara na, Zach. Uwi mo na ako, nahihilo na ako, e." tumayo na kami ni Zach, inalaayan naman niya ako.
Narinig ko pang napasipol si Louis.
"Hindi ka na kakain, Niall?" huling narinig ko habang papalayo kami ni Zach.
Dahil madadaanan namin ang tinitirhan nina Harry, nakita ko siya sa labas ng bahay nila, kasama si Zayn. Tumingin siya sa akin ng masama, at lumapit.
"Let's talk, Hannah."
"Kilala mo siya?" tanong sa akin ni Zach habang akay-akay pa rin ako.
Umiling ako kay Zach, ayokong kausapin si Harry.
"Sorry, hindi ka raw niya kilala. At saka, she's drunk." hindi ko na naintindihan ang sinasabi nila. Basta ang alam ko, nilayo ako ni Zach sa kanila at inuwi ako sa bahay.
"Thank you. Dito na ako."
Nagpaalam na sa akin si Zach, tinanaw ko ang papalayo niyang katawan. Samantala, nakita ko naman si Harry at Zayn na nakatingin pa rin sa akin.
Pumasok na ako sa loob. Akala nila ah, hindi nila ako makakausap.
***
BINABASA MO ANG
My Life With One Direction (Completed and Revised)
FanfictionMy Life With One Direction. (One Direction Fanfiction) COMPLETED AND REVISED. Book cover not mine.