Chapter 37

86 8 46
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN

"Stop looking at me!"

I only laughed when I heard that from Darren. It's been two months since he started his chemotherapy. Medyo naglalagas na rin ang buhok niya. Ang dating makapal-kapal na buhok niya ay malapit nang maging kalbo. He still looks good and he doesn't care about his hair. Gusto lang niyang matapos na ang lahat ng 'to. Minsan pa nga ay nagmamaktol siya dahil ang bagal daw lumipas ng araw tuwing nasa hospital siya.

"Then stop looking at my tummy!" I yelled and rolled my eyes at him.

Malaki-laki na rin kasi ang tiyan ko at sobrang halata na ng baby bump. Minsan nga ay inaasar pa 'ko ni Darren at sinasabihan akong bloated. Nakakalimutan niya atang buntis ako! Ilang beses ko na ring nasapak 'to si Darren dahil sa pagiging mapang-asar niya. Alam niya namang madali akong mapikon ngayong buntis ako pero hindi niya talaga ako tinitigilan sa mga pang-iinis niya.

"Ang ganda mong buntis," he said while laughing.

"Mukha kang bola!" I fired back and made a face before rolling my eyes at him. Damn him! Inis akong lumipat sa sofa at inirapan siya uli. Nanatili siyang tumatawa roon at patuloy akong tinatawag na 'Bloated Wife'. Sa inis ko, binato ko ang makapal na libro na nasa side table papunta sa kaniya.

Hinarang niya ang mga kamay niya pero tumatawa pa rin siya. May gusto siyang sabihin sa 'kin pero dahil alam ko nang tatawagin lang niya 'ko uli na 'bloated' ay kinuha ko uli 'yung isang libro at binato siya uli. Buti na lang talaga at tumama sa mukha niya. "Okay, love, you can stop now! 'Wag ka ngang manakit! Tama na 'yan! Masakit na!"

"'Wag ka ring mang-asar! Bwisit ka talaga!" I shouted. He didn't speak after that, siguro natauhan na rin siya na napipikon na talaga ako sa kaniya. It's a good thing though, it will help me rest more kapag hindi ako nakikipagsagutan sa kaniya. Wala akong ginawa nitong mga nakaraang araw kung hindi makipagtalo sa kaniya dahil oras-oras niya rin talaga akong inaasar.

Buong maghapon ay nasa kwarto lang kaming dalawa. He kept on reading his fifth book for this month while I kept on talking to my friends for an update about their lives. Yana and Angelo are already married. Sayang nga at 'di ako nakapunta sa kasal nila, pero nakapag-video chat naman kami ni Kate at pinakita niya sa akin 'yung ceremony. Kate even told me that Yana cried because I wasn't there! Sinabi ko na lang na babawi ako sa kaniya kapag maayos na ang lahat. We're cool, hindi naman na siya nagtatampo sa 'kin. Hindi ko rin alam kung anong plano nina Kate at Julius sa engagement nila. Hinihintay pa ata akong manganak bago sila magpakasal.

Halos mapatalon ako noong tumunog ang alarm ni Darren. It's time for his chemotherapy session again. Lumapit ako sa kaniya at nagsuot ng gloves para ayusin ang med cart niya para mabilis na lang niyang makita kung ano ang iinumin niya. He even pleaded to mix the capsules with chocolate dahil hindi niya raw kakayaning i-intake 'yon nang walang sweets. On his first cycle, I bought him chocolates because he's really stubborn in taking his meds. He even insisted that he'll just sleep than to take those "damn drugs" without chocolate.

"Hey, get up, it's time," I said and hit his arm lightly. He breathed heavily before taking them. "Hindi ka pa ba nasasanay, ha?"

"Don't be too hard on me. It was years ago when I first did this," he said and smiled. Napailing na lang ako at nilapag ang gloves sa tabi bago maghugas ng kamay at bumalik sa sofa. Pero akmang lalayas pa lang ako, nagsalita uli si Darren. "Love?"

"What do you want?" I asked him.

He just smiled at me and tapped the edge of the bed. "Stay. Let's talk."

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang umupo sa dulo ng kama niya. Napatingin siya sa 'kin bago sumandal sa mga unan at ngumisi. Wala akong ideya pero dahil sa ngisi niya na 'yon ay napikon ako kaagad sa kaniya. Ewan ko ba, lahat na lang ata ng gagawin ni Darren tingin ko ay inaasar niya ako. "Ano ang kailangan mo, ha?"

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon