Chapter 6

145 38 238
                                    

CHAPTER SIX 

"Congratulations, Elle! Top 1 na naman! Grabe sana all nalang talaga! Sabi ko sa'yo e, internet tsaka library 'yang utak ni Elle e!" Natatawang sabi ni Yana kay Kate. Katatapos lang ng recognition namin at ngayon ay nagpi-picture taking na ang mga magkakaibigan. Napatingin ako sa gawi nila Daddy na ngayo'y nakikipag-usap sa mga kaibigan niyang magulang dito. Itinuon ko ang pansin ko kina Kate at Yana na nag-aaway dahil sa nahulog na cellphone ni Yana. Mga bata talaga.

"Ang epal mo Katelyn! Kausap ko crush ko! Mamaya ka na mag-selfie!" Sigaw ni Yana kay Kate na tinatawanan lang siya ngayon.

"Oh? Sino sa kanila?" Natatawang sabi ni Kate. Inirapan lang siya ni Yana at nag-type sa cellphone niya. Kinuha naman 'yon ni Kate pagkatapos at umakmang mag-selfie.

"Hoy Elle! Sumama ka naman dito sa picture! Minsan na nga lang tayo magkaroon ng litrato e!" Pagtawag sa'kin ni Kate. Lumapit ako sa kanila at ngumiti para sa picture. The three of us aren't really a group because Kate doesn't hang around that much because of her sport, Yana has her crushes and me, and I have Yana so technically, kami ni Yana ang laging magkasama, but we never treated Kate as an outcast whenever we're together. It's just that we never put a label or a name in our group because we all believe that labels or names aren't that important when it comes to friendship, it's trust and kindness that matters.

Lahat ng relasyon, tiwala ang main ingredient.

"Magce-celebrate kayo mamaya?" Tanong ni Kate sa'min. Tumango si Yana at umiling naman ako. Agad silang napatingin sa'kin. What? Is it shocking that the first honor of the batch isn't going to celebrate? And besides, I never really wanted to celebrate my recognition because of what happened three days ago. My brother greeted me this morning and he drove me here in the venue but he left when he knew that Dad was coming. He just promised to make up to me when the right time comes.

"Luh, what the fuck? Ba't 'di kayo magce-celebrate?" Biglang singit ni Julius sa usapan. Nakita kong nakatingin si Kate sa kanya at napairap nalang noong nagtama ang paningin nila ni Julius. "Pogi ko ba, Kate?"

"Yuck, asa!" Kate even made a face to show how disgusted she was.

"Crush nga ako nito ni Yana e," pang-aasar ni Julius at itinuro pa si Yana na ngayo'y nakangiti habang nagta-type sa cellphone niya.

Napaagat kaagad siya ng tingin at sinalubong si Julius ng hampas. "Tangina mo, foul! Walang balikan ng past! 'Di na kita crush, tanga!" Sigaw ni Yana at napatahimik noong may nga lumingong estudyante sa'min.

"Pero seryoso ba, Elle? Hindi ka talaga magce-celebrate?" Tanong sa'kin ni Julius at umiling ako.

Sasagot na sana ako nang may sumigaw. "Julius Flynn Eugenio! Get your ass over here! Stop flirting!" Lumingon kami roon at nakita namin ang nakatatandang kapatid ni Julius na si Julia na lumaki sa Australia kaya laging nagsasalita sa wikang Ingles. Inirapan lang ni Julius ang kapatid niya at nagpaalam na sa'min.

"Ang yaman niyo ta's 'di kayo makakapag-celebrate? Wow, the girl who got 98.5 as her final average isn't going to celebrate this milestone! Wow!" Kate exclaimed and rolled her eyes. "Can your father be more controlling than what he is now? God! He is frustrating you know! Sasabunutan ko na 'yon— ay shit, wala palang buhok. Chaaaar!" Yana laughed but I just gave them a small smile.

Lumapit sa'kin si Daddy kaya umalis na roon si Yana at Kate. They continue to take pictures with our classmates, siguro hanggang sa mapuno ang storage nila pareho. Tumingin ako kay Daddy and to my surprise, he was looking straight back at me. I cleared my throat and asked him, "Bakit po?"

"I'm going out with Mayor Policarpio today. Lock the house okay, and don't let anyone inside unless kilala mo and they have a valid reason to be there. Don't go out of the house. Good job, Elle," he said and tapped my shoulder twice. Umalis na sila ng mga kasama niya at iniwan ako sa gilid ng venue. Hindi na nga siya makapagsabi ng 'Congratulations, anak. I'm proud of you', aalis pa siya? Can this day be any more gloomy kahit na dapat matuwa ako dahil sa awards ko?

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon