Chapter 10

120 19 111
                                    

CHAPTER TEN

"Hoy teka nga! So you're saying that he kissed you? Kael kissed you? Sa lips? Hindi sa cheeks? Oh my god, Elle! Masarap?" Yana asked. Nakauwi na kaming lahat at binalak niyang mag-sleepover ngayon sa'min. Mabuti nalang talaga at pumayag si Daddy. Pero simula nang makarating kami rito sa bahay ay wala rin siyang tigil katatanong sa nangyari sa'min ni Kael.

She laughed hard when she saw my reaction. "So masarap nga?" I glared at her and she quickly made a peace sign. 

"Shut the hell up, Yana! 'Wag kang maingay! Kapag tayo narinig, ewan ko nalang!" I screamed out of frustration. "Tsaka anong masarap! Saglit lang 'yon!" My hands instantly reached my lips and the memories awhile ago flashed on my mind. It wasn't embarrassing but I'm shy about what happened.

"Saglit nga, dalawang beses naman! Inulit niya pa pagkatapos niya magsalita! Oh isn't that romantic, Elle? I am so happy for you! Dalaga ka na. I feel like a proud mother!" Yana exclaimed. Inirapan ko siya at tinignan ang cellphone kong nagvi-vibrate. Nang kunin ko 'yon ay biglang tumabi si Yana at nakisilip sa cellphone ko. It was a text from Kael and Yana squealed when she saw the message.

From: Kael
'Wag mo naman masyadong isipin 'yung halik ko sa'yo kanina. You'll get more soon, wait patiently.

"I like his energy! You'll get more soon daw! Oh my god, i-update mo 'ko ha! Sana all!" Yana laughed. Iritado akong nag-type ng sagot at halos mabasag ko ang screen nang pindutin ko ang send button. How can he make me feel so shy by just saying that kiss? Oh my god! And he has the audacity to tease me like this, huh? 

To: Kael
Really, Kael? Keep pissing me off and you won't get my 'yes' soon.

Nag-reply siya kaagad at halos matawa ako sa sinabi niya. Hindi naman yata narinig ni Yana na nag-reply si Kael dahil may ka-text din siya sa cellphone niya. Minsan pa nga kapag tumitingin ako sa kanya, nakangiti o kaya natatawa pa siya e. Kausap niya ba 'yung swimmer niyang crush? O 'yung iba niyang crush? Knowing Yana, e halos araw-araw may kausap 'yan.

From: Kael
Try me, Elle. Try pissing me off and you'll see all the girls coming at me and I'll entertain them without hesitation. Try me, baby.

"May ikakapal pa ba 'tong bwisit na 'to?" Bulalas ni Yana at binato ang cellphone niya sa kama. Inis siyang napahiga at hinilamos niya ang palad niya sa mukha niya. "Bwisit talaga! Malunod sana 'yon! 'Di porket crush ko lang siya ay pwede na siyang mag-entertain ng iba! Tangina niya, hinarot-harot niya ako tapos sasabihin niya na being friendly lang daw 'yon? Gago ba siya? God, I hate men!"

"Says the lady that has twenty-two crushes," I sarcastically said.

Napabangon siya sa pagkakahiga niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Hoy, hindi porket marami akong crush, marami ring beses akong masasaktan! God! This is so unbelievable! Lulunurin ko talaga siya sa UniLympics! Sana talaga magkasama kami sa iisang set! Damn, I hate him!" Pagrereklamo pa nito. Kumunot naman ang noo ko at itinuon ko ang sarili ko sa text ni Kael.

From: Kael
Hey baby, can we talk? I miss your voice. Gusto ko lang marinig kahit saglit. Mag-isa lang ako rito sa apartment ko. I'm lonely.

"Uy tara punta tayo!" Pagyayaya ni Yana. "Come on, Saturday naman bukas and 4PM palang, balik nalang tayo dito ng 7PM! Bilis na, Elle!" Pagpupumilit ni Yana. Umupo siya sa harap ko at ngumuso. "Please? Ako na bahala kay Mayor! Malakas naman ako roon e! O kaya tara mall tayo, nood tayo sine! Showing daw ang After please, nood nalang tayo!"

Tumango ako at ngumisi. She can really make my father approve anything basta kasama siya, huh? "Pumunta ka na kay Daddy ngayon at magpaalam ka. Magbibihis lang ako at tatawagan ko si Julius, si Kate, at si Kael."

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon