Chapter 2

206 46 127
                                    

CHAPTER TWO 

"Hi Daddy! I'm home!" Masayang sabi ko nang makapasok ako sa bahay namin. Sinalubong ako ni Manang Ria at kinuha ang bag ko. I was about to decline about her getting all my things nang dumating si Daddy na nakasuot ng tuxedo. Agad-agad? Pupunta na agad kami sa party na sinasabi niya? O may iba pa siyang agenda ngayong araw?

"Aalis ka, Daddy? Maliban doon sa sinabi mong pupuntahan natin, may iba ka pang pupuntahan?"

"More like, aalis na tayo. Get dressed." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Just get dressed, Elle. No buts. Be formal, we're going to a party." He said and walked pass me. Napailing nalang ako at dumiretso sa kwarto ko. What's the event today at kasama pa ako? I took a deep breathe and opened my walk-in closet.

I picked the champagne knee length dress with bell sleeves and rose gold stilettos. I put on some light make up and let my brown hair down.

My phone started ringing and I saw Yana's name on the screen. I answered it and I heard a loud music in the background. Nasa party ba 'to si Yana? I also hear some people calling her name but she's shouting, "Mamaya na! May kausap ako diba? Excited ka, ha?" 

"Yana? Bakit?"

[Aalis ka ba tonight?]

"Yes, why? Bakit ang ingay dyan sa inyo?"

[Where are you going?]

"I don't know. Basta pinagsuot lang ako ng formal ni Daddy."

[Hay nako, Elle. Iimbitahan sana kita kasi birthday ng kapatid ko. Don't tell me that you forgot Kiana's birthday?]

"Oh," I bit my lip. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I forgot Kiana's birthday. Close pa naman kami ng batang 'yon. She wants me to be on her birthday every year. Paano ba ako makakagawa ng excuse ngayon?

[It's fine, kung 'di ka makakapunta. You can't turn down your father's request and she can understand naman siguro. Happy party tonight, Elle!] Kahit hindi niya sabihin, ramdam ko na kaagad ang lungkot sa boses niya at ang pagtatampo sa'kin ni Kiana. Good thing that I bought a gift for her last week.

"I'm sorry talaga, Yana. Pakisabi nalang kay Kia na happy birthday! Ipapadala ko nalang 'yung regalo ko mamaya kay Kuya Iko. Sorry talaga! Don't worry, I'll make kwento nalang bukas sa SMC."

[Ayan, tama 'yan! Bumawi ka. And please tell your Dad na bawas-bawasan ang pagiging bossy ha? Nako, kung 'di lang talaga 'yan matanda, nabatukan ko na 'yan!]

"Yana naman!" I laughed. My door swung open and it showed my dad who's glaring at me. I quickly set my phone in mute and put it down. I faced my father nervously.

"B-bakit Dad?" I asked him.

"Ellieya Veronica! Stop talking to whoever's on that phone and come out because they're waiting! The Juarez are waiting!"

Juarez? You mean the Juarez?

"Yes, Dad. I'm sorry." I smiled and turned down the phone. Hindi ko pa rin ine-end ang tawag ni Yana dahil rinig na rinig ko pa rin ang pagsigaw niya nang umalis si Daddy sa kwarto. Ni-loudspeaker ko kaagad 'yon at pinigilang matawa sa mga reklamo ni Yana.

[Holy shit! Juarez? You mean the Juarez? Oh my god, Elle! Say hi to Darnell for me! Crush 15 ko siya! Tapos hingan mo na rin ng birthday greeting si Kia! Oh my god, Elle! You're unbelievable! Sana all! Nako bigtime ka talaga! Keep your feet on the ground ha!]

"Parang tanga, Yana. Hindi naman ako yayabang. Ano bang pakialam ko sa yaman o sa pera namin? As if money can buy everything!"

She laughed. [Money can buy everything. Even your life, Elle. A person's life can be sold. Hindi mo ba alam ang mga nabibili ng pera ngayon? Hindi lang simpleng damit, make up, o kaya furniture. Lahat nabibili na maski ang pagmamahal.]

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon