Chapter 15

83 15 42
                                    

CHAPTER FIFTEEN

"Slow down, Elle! We still have plenty of time!" Darren laughed when he noticed how hungry I am right now. Inirapan ko siya at ngumisi. "Okay okay! You and your food relationship, I won't interfere na. I rest my case."

"Abogado pa nga," I said and laughed. We continued to eat and talk about the Olympics that will take place soon. Pareho kaming nahihirapan sa pagta-time management ng oras namin dahil sa exams at sa training.

Time management is not new for me. Lagi ko naman 'tong ginagawa kaso mas naging tight nga lang at mas marami ang pagkakasyahin kong mga activities sa isang araw.

"Ayon nga, lagi akong napagbubuntungan ng galit kasi ako dapat ang medyo matino, e kaso gago rin ako e, maloko rin e." He laughed so hard that he even held his tummy. "I can't hold a straight face because Frida kept making funny faces!"

"Magtino ka kasi!" I snapped back and rolled my eyes at him. "Kung ayaw mong mapagbuntungan, tumino ka!"

"I'm only serious when it comes to you," he suddenly said and smirked.

I raised my eyebrow and smirked back. "You should be serious in other things, Darren! Ba't ako?"

"Dapat ka namang sineseryoso ah?" He asked and laughed. Binato ko siya ng tissue at inirapan. Pinagtitripan talaga ako nito lagi! What's with him and this attitude?

Hindi ko na siya sinagot pagkatapos no'n, wala rin namang sense kung sagutin ko siya roon. Nag-usap pa kami patungkol sa Olympics at sa quarterly examinations namin. Halos pareho lang ang araw ng exams namin, nauna lang kami ng isang araw.

"May pupuntahan ka pa ba?" Tanong niya sa 'kin pagkatapos naming kumain at nagpapahinga na lang. It's already 8 in the evening at hindi na ako inaantok dahil sa pagkain. My mind is already recharged and my energy is full. Thanks to food.

"Bibili lang ako ng yellow papers para sa pagre-review. Naubos na e. Ang dami kasi naming nire-review ngayong season, para maiuwi uli sa 'min 'yung trophy. Alam mo naman pati ang sports category, lakas mag-training. Tanungin mo sila Julius kung may break time ba sila," sabi ko at tumawa.

"'Wag mo naman kasing sagarin ang sarili mo! Kaya ka nangangayayat e! Tignan mo nga sarili mo," medyo galit niyang sinabi sa'kin kaya mas lalo akong natawa. "You should eat more! Do you want me to treat you dinner everyday?"

"You look like a mad father!" I teased and laughed. Umalis na kami sa restaurant at nauna siyang maglakad dahil napatigil ako nang mag-vibrate ang cellphone ko.

Kael sent me messages. Hindi ko naramdaman ang pag-vibrate no'n kanina dahil nakikipag-usap ako kay Darren at kumakain. Kung maramdaman ko man 'yon ay hindi ko rin kukunin ang cellphone ko dahil nasa harap kami ng pagkain at respeto ko nalang din sa pag-uusap namin ni Darren. Minsan na nga lang kami nakakapagkita, ida-divert ko pa ang sarili ko sa iba?

Napabuntong-hininga ako at binuksan ang messages niya. Medyo nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil ni text o update wala siyang pinadala sa 'kin. But I understand him, he's just busy with their rehearsal. Pero wala ba silang break time katulad nila Darren? God! I am really stressed!

From: Kael
Hi! How's your day?

From: Kael
I'm sorry kung 'di ako nakakapag-text sa 'yo. Medyo tight na ang rehearsals namin ngayon. Kamusta pagre-review mo?

From: Kael
Hey, where are you? You're not replying to my texts. Are you asleep?

From: Kael
I know you're not. Nagre-review ka pa dyan. Anw, call me when you get this.

Lumapit ako kay Darren na ngayon ay nakahilig sa railings habang nagce-cellphone. "Mag-comfort room lang ako. Wait for me here?"

"Alright, I'll wait always." He smiled at me. Pumasok uli ako sa restaurant at dumiretso sa comfort room. Wala namang tao rito masyado dahil maggagabi na rin at magsasara na 'yung mall pagsapit ng 9PM. I immediately grabbed my phone and dialed Kael's number.

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon