Chapter 8

121 29 255
                                    

CHAPTER EIGHT 

"Uhm, Kael, mauuna na ako ha. Baka kasi magtaka na si Daddy. Sana umayos pa lalo ang kalagayan ni Tita Karina. Send my regards to her?" Ngumiti ako kay Kael. It's already Saturday at pakiramdam ko rin ay sagabal na rin ako rito. Kael's been buying too much food dahil nakakahiya raw sa'kin. I know that the money he's using is from his savings at para siguro ngayon sa college years niya. Ayaw ko namang maging dahilan kung ma-short siya sa budget.

I also paid for Tita Karina's remaining hospital bills. Sinabihan ko na rin ang staff na 'wag ipaalam kay Kael. Her remaining bills came up to P17,000! Alam kong hindi na ganoon kadami ang pera ni Kael kaya hindi ko na siya pinahirapan. I saw his wallet, his piggy bank, and of course his money, noong tulog siya ay tinignan ko 'yon. Mapait akong napangiti noong nakita ko ang wallet niya and it crossed my mind to help him.

"Aalis ka na? Akala ko bukas pa?" He asked me and took a glance at his sleeping mother. He smiled when he saw how peaceful her mother was sleeping. I was just staring at him and trying hard not to smile.

"My father needs me there. Medyo marami raw ang victims nung bagyo. They need another pair of hands para bumilis ang pag-distribute para mabilis ding matulungan ang lahat," sabi ko at ngumiti.

"Ang ganda ni Mama 'no? Maski ugali niya, maganda. Kaya ayaw kong napapahamak 'yan o nasasaktan e! Kahit ako nalang lahat ang sumalo ng problema niya basta 'di na siya mahirapan sa buhay niya," he said smiled. Napangisi nalang ako roon.

Sana nandito pa rin si Mama. Sana buhay pa rin siya. "Yeah, she's lucky to have you."

"Ikaw din naman. You're family's lucky to have you," he said and smiled. I forced a small smile and avoided his gaze. He's been staring at me since I don't know when! "Do you want ice cream? Ang lungkot ng mata mo, Elle. Kitang-kita ko." Inangat niya ang ulo ko at nginitian ako. I didn't say anything, hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Even if I deny my own emotions, he can see through me. Alam niya kung ano ang totoo, siya na mismo ang nagsabi sa'kin na nakikita niya ang emosyon ko.

"'Wag na, Kael. Ang dami mo nang ginagastos para sa'kin. Tsaka ayos lang ako. 'Wag ka nang mag-alala sa'kin. Worry about yourself! Mukha kang kawayan, you're not eating much!"

"Ayos na 'yon, sine-save ko rin kasi ang natitira kong pera para rito sa hospital bills ni Mama. Ay oo nga, samahan mo 'ko sa cashier para makapagbayad na 'ko! Tara!" He pulled me towards the cashier. Mabuti nalang at iba ang nakatalaga roon ngayon at hindi ako nakilala. I trust the person in-charge when I paid for the bills. Sinabi niyang hindi niya walang makakaalam nito maski ang mga kasama niya rito.

I am staring at the back of Kael while smiling. Kael, I paid for your mother's hospital bills. There's nothing to worry about. It's already paid. You're mother's going to be fine. As much as I wanted to say that to him, hindi ko rin magawa. I don't want him to think that he has a debt to pay to me. Baka hindi niya pa gamitin ang natitira niyang pera para sa education niya.

It's better to give than to receive especially when you have more than what you need.

"Huh? Paanong paid? E hindi pa 'ko nakakapunta rito? Hala ate, baka sa ibang patient dapat ang pambayad at nalito lang 'yung nag-encode! Ate, hindi pa ako nagbabayad para sa bills ng nanay ko. Hala ate, baka mali 'yan," Kael said for the third time. Napailing nalang ako at mahinang natawa. Nakita ko kung paano umirap 'yung tao roon, halatang naiinis na kay Kael.

"Ay nako, hijo. Ang kulit mo! Sabing bayad na nga e. Bumalik ka na sa room kung nasaan ang nanay mo at marami pang nakasunod na magbabayad sa'yo! Heto ang resibo na nakapagbayad ka na. Nagbayad ka kaninang alas-singko ng madaling araw!" Natawa nalang si Kael dahil sa inasta ni ate.

End of the Day (Mystique Trilogy 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon