1st

28.4K 848 484
                                    

Sige nga



"Brilliant play from VNHS! Wala nang intro-intro! Talagang niyanig ng tira na 'yon ang depensa ng kabilang koponan! But oh— another great save from the MVP of the season himself! What an angle that was! He's unstoppable!"


Halos mabingi ako sa lakas ng hiyawan ng mga tao kasabay ng buhay na buhay na ratrat ng commentator. The whole football stadium blew up intensely due to the uproar and screams. Not sure if this is indeed called a stadium though. Open area kasi at wala namang roof. So more like a field, I think? Whatever. Wala kasi nito sa bulok naming school kaya hindi ako pamilyar.


Hindi pa rin magkamayaw ang mga nanonood dahil sa huling game sequence. May mga napatayo pa sa upuan! Buti sana kung saglit lang kaso napasarap na ata ang pagtanghod nitong iba.


"Teh, upo!" sinitsitan ko ang dalawang nasa harap ko. "May tao rito sa likod oh,"


Talagang sinadya kong patakasin ang sarkasmo mula sa tinig. Hinead-to-foot pa 'ko ng mga gaga bago pairap na umupo. Gagawin din naman pala, nag-inarte pa!


Saktong pagbalik ng mata ko sa gitna ng field ay siya ring pagtama ng tingin sakin ni Daxton. He was the one who stood out in the previous game play. The MVP of the league. Kinindatan niya pa 'ko bago paatras na nag-jog at kalaunan ay pumihit na rin. Pang-ilang beses niya nang ginawa yan today. Pereng tenge. I puckered my lips while tucking my hair behind my ear.


Nakita ko pang kinantyawan siya ng mga kagrupo dahil sa ginawa. May mga naglingunan din sa banda ko. Lalo lang humaba ang nguso ko nang makitang laglag ang panga ng mga inggrata sa harap dahil sa nasaksihan. Oh, ano? Yung sinasamba niyo, ako ang niluluhuran nyan! Palunok ko sa inyo yang mga mata niyong lakas makairap sakin kanina eh!


Para lalo silang inisin ay tumikhim ako at nilapit ang dalawang kamay sa bibig upang bumwelo sa pagsigaw.


"Go, Dax! Hindi 'yan baseball pero pag naka-goal ka, homerun ka sakin mamaya!" I cheered on top of my lungs.


Kitang-kita ko kung paano naestatwa si Daxton sa narinig habang bumibilog ang pagitan ng labi. Panay naman ang hiyawan at pagsipol ng mga teammates niya. May braso pang umipit sa leeg niya at ginulo ang buhok.


But I was more interested in the reactions of the lassies in front of me. Wala nang mapagsidlan ang gulantang nila. Tinakasan na rin ng kulay ang nakangangang bibig ng isa. What a satisfying view. My brow arched mischievously.


Sorry mga atashi. Kung pagandahan lang naman ang labanan, ako na ang dadayo. Baka audition pa lang koronahan na 'ko. Bakit hindi? Eh, ako na mismo ang beauty sa beauty pageant.


"Holy guacamoly— there you have it, ladies and gentlemen! A breakthrough goal coming from Alvarado once again! Ending the match with a bang!" the shoutcasters howled. "Guess someone's really getting that homerun tonight..." makahulugang dugtong pa nila na mukhang narinig din ang hirit ko kanina.


Umay ang inabot ng mga fans ng kabilang team. Kahit dito sa teritoryo nila ginanap ang championship ay walang homecourt advantage na natamo. Pero infairness, kanina pa 'ko gandang ganda sa campus na 'to. Kaya nga 'ko sumama nang imbitahan ni Dax dahil dito. Expected naman na dahil private school ito. Walang-wala sa school naming floorwax lang ang tuition.

SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon