41st

16K 694 181
                                    

Kumirot




I realized they must have saw me getting out of Glenn's car. Walang nabanggit si Aki kaya't nagdalawang isip pa 'ko kung naabutan nga nila. Nakumpirma ko lamang ang hinala nang tanungin ko si Archer nang makaalis na si Aki.


"Yes, Mommy. Whose car was that, by the way?"


Nakita pala talaga nila. That's weird. Aki must have said something if that was the case. Or atleast that's what I would have expected from the old Aki I know. Lalo pa't may issue siya pagdating sa ganoon. I shook my head as a memory from the past flashed in my head.


The fuck, Seya? Hindi naman yun dapat ikumpara doon! Ibang-iba lalo pa't may relasyon kami noon! Ang layo na sa sitwasyon ngayon! May sariling buhay na yung tao at hindi na 'ko parte non! In short, wala na siyang pake!


I know I shouldn't give a damn. I know that shouldn't bother me. Kaya't hindi ko mawari kung bakit kusa pa ring bumabalik doon ang isip anumang libang ko sa sarili.


Inabot pa ng ilang araw bago ko tuluyang malihis mula roon ang atensyon. Mahirap lalo pa't bahagi na si Aki ng buhay ni Archer ngayon kaya't mas madalas ko itong makasalamuha. I can't help but notice the changes in behavior of the past and present him.


Yung ngayon ay talagang mailap sa akin. Hindi niya man lantarang ipakita ay ramdam ko. It's like he's drawing a distance between us. Hindi rin sya nangingialam sa kung ano mang tungkol sa akin. Ang tanging nagdudugtong lamang sa amin ay si Archer at wala nang iba pa. Dapat lang naman. It should be a good thing, right? A normal thing. That's how things should really be.


"What gift do you want for your birthday, baby?" tanong ko kay Archer habang nasa sasakyan kami.


Ganito ang karaniwang eksena tuwing Sabado ng gabi. Sa Casa Leyva siya nagpapalipas ng maghapon at dinadaanan ko naman siya pagkagaling sa trabaho. Aki usually drives us home just like today.


"I wanna spend my day together with you two..." anito. Natigilan ako. "It's always either I'm home with you or away with Dad.. I've never really get to be with the both of you for a day..."


Napatikhim ako habang palihim na sinusulyapan si Aki. Diretso ang tingin nito sa daan ngunit imposibleng hindi niya narinig ang sinabi ng anak. Batid kong nag iisip na.


"Your birthday is a weekday, Archer.." I cleared my throat. "May pasok n'on sa school ang Daddy mo,"


Kung hindi ako nagkakamali ay fourth year college at graduating na ngayon si Aki kaya't mahirap basta na lamang umabsent. As for me, I already filed a day-off from work on my son's birthday so I wouldn't really have a problem whatever we do. I'm not saying that I like Archer's idea, though. Please lang.


"Then we can drive him to school when it's time for him to go!" nagulat pa ko sa lantarang pananabik na pinakita ng anak. "And fetch him once he's done! I want to see where my Dad studies, anyway.. "


Akala ko ay tututulan iyon ni Aki ngunit mali ako. He just continued maneuvering the car and calmly glanced at Archer.


"Sure, baby.. We can do whatever you want," magaang wika nito. Hindi ko alam kung ba't kinilabutan ako.


I still can't believe he agreed. Maging sa pagsapit ng mismong kaarawan ni Archer ay hindi ko pa rin lubos maisip ang mangyayari sa buong araw. Alas-sais pa nga lang ay nasa condo na namin si Aki para sa almusal. Mamaya pang alas-dyis ang pasok nito. Si Archer naman ay maaliwalas ang mukha simula pa kaninang paggising hanggang ngayong nakain.


"We can go out for dinner after my class," suhestyon ni Aki habang hinihiwa nang maliliit ang pagkain sa plato ni Archer.


"Alright. I know a place," wika ko bago binalingan ang phone. "I'll book a reservation.."


Sa gilid ng mata'y pansin ko ang pagtango ni Aki. "Let's use my card,"


Hindi na ko umangal dahil alam kong useless na rin naman. I brought a slice of hotdog in my mouth while waiting for the screen to load. Pagkatapos ay nagsimula na rin akong magtipa ng details ni Aki sa online reservation form.


"Email?" tanong ko dahil kailangan din. "Yung adrl@gmail.com pa rin ba?"


Saglit siyang natigilan. Parang biglang gusto kong tamapalin ang sariling bibig. Talagang proud pa 'kong tandang-tanda ko ang email address niya ha? Nakakahiya!


"No.. I forgot the password of that one," tikhim niya. "I use akileyva@gmail.com now."


Tumango na lang ako. Ang dami na talagang nagbago. Matapos iyon ay hindi ko na lang muling pinaandar pa ang bibig. Napapahamak lang ako rito. Kung anu-anong lumalabas sa bunganga ko. Mga hindi naman na dapat pang sabihin!


It wasn't that hard to keep my mouth shut though. Lalo pa't hindi rin naman ako dinadaldal ni Aki. Kung kinakausap nya man ako ay puro lang tungkol kay Archer. He doesn't even seem to notice that I'm unusually being quiet. Kay Archer lang talaga siya nakatuon.


It scares me how I seem so conscious about these little things. Wala lang din naman dapat sakin ang lahat. Ngunit hindi maiwasang kumapit ng tingin ko sa mag-ama simula pa kanina.


Aki's been so attentive to Archer. His attention has been all on him the whole morning. Ni hindi ako nito tinatapunan ng tingin. Parati ring may espasyo sa pagitan namin na para bang may nakakahawa akong sakit. My chest kept on throbbing for some reason.


Hanggang sa pagmamaneho upang ihatid si Aki sa UA&P ay mabigat ang pakiramdam ko. Gusto ko mang sulyapan ang anak upang lumuwag ang dibdib ay hindi ko magawa. Takot ako na sa oras na alisin sa daan ang tingin ay baka magtagpo pa ang mata namin ni Aki.


Hangga't maaari ay hindi na lang din ako titingin. Hangga't maaari ay hindi na lang din ako lalapit. Hangga't maaari ay hindi na lang din ako didikit.


Ganun na rin naman ang pinagsisikapan kong gawin simula pa noong muli naming pagkikita. Pinapaalala ko lang sa sarili upang hindi na lumipad ang isip sa kung saan.


"See you later, Dad.." I heard Archer bidding his goodbye as Aki opens the car door.


I pretended to be preoccupied on something around the dashboard so I wouldn't have to spare him a glance. Narinig ko pa siyang tipid na nagpasalamat ngunit hindi na rin ako lumingon.


This is weird. Para lang akong nanay na naghatid ng anak sa eskwelahan! Mabuti pa nga ang nanay nakakatanggap ng ba-bye mula sa anak. Ako miski kaway, wala.


Pinilig ko ang ulo. What the fuck am I thinking?


Umangat lang ang tingin ko ilang minuto matapos marinig ang pagsara ng pinto sa kotse. Naabutan ko ang likod ni Aki na naglalakad palayo.


Umangat pa ang kilay ko nang huminto siya matapos bumaba ng isang babae mula sa kakarating lang din na sasakyan. She has the same ID lace as him. Same course at same year.


Nilapitan ito ni Aki at maingat na kinuha mula sa kamay ng babae ang bitbit na eco bag. He held it for her as they started walking together.


Nag-iwas ako ng tingin. Hindi mawari kung bakit kumirot ang dibdib sa tanawin.









































SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon