2nd

20K 734 260
                                    

Holding my breath



He didn't punch her on the face. Sayang.


I mean, of course I was just messing around pero kung seseryosohin ni Daxton edi maganda.


Gustuhin ko mang magpakasasa pa sa live na pag-usok ng ilong ng mga bitchesa ay nagsulputan na rin ang mga teammates ni Dax. Nakahanda na raw sa pag-alis ang nirentahang sasakyan ng school para sa team kaya't inaaya na ito. Hindi naman sasabay ron si Daxton dahil dala niya ang Ducati niya pero sinisiguro lang nilang pupunta pa rin ito sa after-party. Baka raw kasi mag biglang-liko para sa homerun kuno. They said they won't let him go straight to a motel and ditch the party. Makahulugan pa kong nginisihan ng mga tarantado. I fought the urge to raise my middle finger.


"You sure you don't wanna go with me in the party?" muling hirit pa sakin ni Dax habang sinusuotan ako ng helmet. "They're all bringing a plus one,"


Sinubukan niya ulit akong ayaing sumama pero tulad lang din kanina ang sagot ko. He then didn't push it any further.


Hindi niya na ulit binanggit ang tungkol doon habang nasa byahe. Or atleast that's what I think. Kinakausap niya kasi ako habang umaandar ang motor pero hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya. Ang ingay kaya ng tunog ng makina. Panay pa ang harurot niya.


Nagtatalsikang tsinelas at lata ang sumalubong samin pagdating sa eskinita kung saan ako nakatira. Napamura si Daxton nang muntik pang may mabunggong bata. Panay kasi ang takbuhan ng mga nagtutumbang preso. Walang pake sa mga nadaan na animo'y pag-aari nila ang kalsada. Hindi ko rin naman sila masisi dahil ganyan din ako no'ng bata. Ako pa nga ang pinaka-siga rito sa lugar.


Hininto ni Dax ang Ducati sa harap ng bahay namin. I handed back the helmet after getting off from my seat.


"Wala man lang kiss?" hirit pa nito habang tinatanggap ang helmet.


"Puro ka na nga preno kanina tapos hihingi ka pa ng kiss? Masyado ka naman atang sinuswerte niyan,"


Nanlaki ang mata niya at agad nag-deny. Taranta pa siya habang nagdadahilan. Masikip daw kasi ang daan at may mga tumatawid na pusa kaya siya biglang patigil-tigil.


Sus! Kala niya ba hindi ko nakikita sa side mirror kung pano siya napapakagat-labi tuwing nasusubsob ang boobs ko sa likod niya kanina? Iba na lang ang bilugin niya huy wag ako.


Hindi na siya makatingin sakin nang magpaalam na aalis na. He even turned hesitant when he asked me if he should pick me up tomorrow for school. Aba dapat lang no! Ba't pa ko magcocommute kung nandyan naman sya. Hindi pang jeep ang ganda ko.


He looks relieved when I said yes.


Sanay na ko sa mga chismosang kapitbahay kaya't hindi ko na sila ginawaran ng tingin nang pumihit ako patungo sa pinto namin. Ramdam na ramdam ko ang mga mata nilang pinagpipyestahan ang katawang-lupa ko. Ganyan naman sila tuwing may sumusundo o naghahatid sakin. Which is literally every day. Abang na abang na umumbok ang tyan ko. Para bang sila ang makakajackpot pag sa wakas ay nabuntis ako.


Akmang pipihitin ko na ang doorknob nang bigla itong bumukas bago ko pa man magawa. Bumungad sakin ang papaalis na si Raoul. Katrabaho ng nanay ko na napapadalas ang pagbisita rito nitong mga nakaraan.


Umangat ang kilay ko nang mabakas ang pagkabigla sa kanya. Binati niya ko nang makabawi at pinilit ko namang ngumiti pabalik. Hilaw nga lang dahil hindi pa ko sigurado sa kanya.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon