21st

13.2K 650 441
                                    

Disgusted



Kung nagawa ko pang umaktong normal nung una ay huli na iyon dahil hindi na ko nag-abala pang magpanggap matapos ang nangyari.


I've been skipping my late night game routine for days. Hindi na rin ako pumupunta sa sports hall tuwing recess. Maliban sa classroom ay sa headquarters ng council lang ako kumakain.


Umangat ang kilay ni Cal nang unang beses na makita akong naglabas ng sandwich pagsapit ng recess.


"Nagbaon ka?"


"Ay hindi," I sarcastically said.


"Dito ka kakain?"


"Obvious ba?" irap ko.


"So... no sports hall today?" he looks amused.


"Pinagsasabi mo?"


Ngumisi siya na parang may nakakaaliw. Animo'y ayaw pa sana umalis kung hindi lang tumunog ang phone nya para sa text ni Adea. Naiwan daw kasi nito ang knee pads kaya't pinapadala sa kanya.


I opened my sandwich and started eating in peace. Oo at talagang nagbaon ako kaysa bumili pa sa cafeteria. Takot ko lang lumabas at baka magkrus pa ang landas namin ni Aki. Kahit pa sabihing malaki ang posibilidad na sa Sports Hall ang diretso niya ay mahirap na. Baka makasalubong ko pa siya habang papunta.


"Nandun si Aki..." ani Cal kahit wala akong tinatanong pagbalik nya matapos ihatid kay Adea ang kailangan. "Hanap ka,"


Hindi ko tinanong kung anong sinabi o sinagot niya. Baka isipin niya pang may pake ako.


Klase, council, at bahay lang ang naging takbo ng mga araw ko. Diretso lang lagi at walang nililikuan. It's almost as if I'm an undercover agent living a low-profile life.


"Pahatid naman nito sa gym... Sinong pwede?" inangat ng Vice President ang hawak na extension cord. "Kailangan lang para sa rehearsal ng pageant,"


Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa. There's no way that would be me. Lalo pa't simula nang ilipat ni Elcid ang lokasyon ng gawaan ng props ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Dito na kami sa headquarters gumagawa imbes na sa gym kasama ang candidates.


It happened after some volunteers complained about the disturbance of having both groups in the same place. Mas makakapag-concentrate daw ang lahat kung bukod na lang. I couldn't agree more.


"Ako na,"


My tensed shoulders relaxed when somebody else finally raised a hand.


May mga araw na mas maraming tao ang kailangan sa gym kaysa sa props-making. Pabor ito sa iba dahil mas malamig doon kaysa sa headquarters. Mas magaan din ang trabaho kumpara dito. Gayunpaman ay desidido akong manatili rito. Walang kahit anong makakapagpapunta sakin sa gym. Kahit patayin pa nila 'ko.


I stared blankly on my phone that night. Kating-kating pindutin ang icon ng game. Miss na miss ko nang maglaro.


My thoughts were interrupted when a text message suddenly came in.


Daxton:
Wala ka ulit sa server?


Seya:
Oo. I haven't been able to play these days.


Daxton:
Baket? Tara 1 game


Seya:
Can't tonight. Bukas na lang, g ako basta wag ganitong gabi


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon