37th

15.4K 697 327
                                    

Hindi pwedeng magkatabi




Ang masinsinang pag-uusap na tinutukoy ni Einj ay hindi na namin nagawa sa reception. We barely managed to continue catching up or even chit-chat at the venue. Inasahan ko naman na iyon dahil araw niya ito. Alam kong imposibleng masolo ko siya ngayon.


"No! Anong uuwi ka na? Ang aga pa!" angal niya nang dayuhin ko siya sa table nila ni Ali para magpaalam.


As much as I want to stay, Archer needs me too. Ewan ko ba pero simula nang magkaanak ako ay hindi na ko makatagal nang wala sa tabi niya. Tuwing umaalis ako sa bahay nang hindi siya kasama ay nababalisa. Hindi ako mapakali tuwing nasa labas.


"I'm sorry, I have to.." malungkot ding wika ko. "Magkita na lang tayo ulit pagkatapos ng honeymoon niyo! Date tayo,"


Ayoko pa rin naman talaga sanang umalis. Gusto kong tapusin ang event. But I've been away from my baby for too long and I can't stand it anymore! Plus, it's already getting late anyway. Kahit pa may nag-aalaga naman kay Archer ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.


Labag man sa loob ay walang nagawa si Einj kundi pakawalan ako. She just made me promise to see her again real soon.


Kaya naman pagkauwing-pagkauwi nila mula sa isang linggong honeymoon sa Maldives ay agad akong nakatanggap ng tawag.


"Come over! Sakto dahil namimigay na 'ko ng pasalubong!" her voice was lively as ever. Parang hindi naubusan ng energy kay Ali.


"Alright. Apricity, right?" tukoy ko sa bahay nila ni Alister. "I've never been there though.. Pano ba pumunta dyan?"


"No, andito 'ko sa bahay namin sa Calle Nueva." aniya. "I'm picking up some of the stuff I left kaya dito ka na lang din pumunta. Sa susunod na kita dadalhin sa Apricity,"


Tulad ng sabi ni Einj ay sa Calle Nueva nga ako nagtungo. Di hamak na mas panatag akong iwan ngayon si Archer dahil permanent Nanny na ang nag-aalaga sa kanya. Adea helped me in getting and choosing one. Ayoko pa talaga sanang kumuha nung una ngunit naisip kong mas mainam na rin ito kaysa paiba-iba ang nagbabantay kay Archer tuwing naalis ako. Apat na araw pa lang samin si Suzette ngunit kampante na ako sa kanya at sa kalidad ng serbisyo niya.


"Bakit one week lang kayo sa Maldives? Parang ang iksi naman.. Hindi ba dapat mga one month or so ang honeymoon?"


Grapes ang pinagdidiskitahan namin ngayon ni Einj sa kusina dahil pareho na kaming tapos mag-lunch. I already ate before I left home. Pasado alas-dos na rin ako nakarating dito kaya't tapos na rin silang mananghalian.


"Pareho kaming abala sa trabaho kaya't kailangang bumalik agad." sagot sakin ni Einj. "Atsaka, one month? Nakakapagod naman yun! Isang linggo nga lang ay halos sumuko na 'ko!"


I'm not even really sure about what I've been blabbering about. Ang akala ko kasi talaga ay buwan ang inaabot pag sinabing honeymoon. Parang may narinig nga 'kong inabot ng two or three months. Hindi ko lang maalala kung sino


"Ikaw? Susuko? Hindi ako naniniwala.." makahulugang panunuya ko sa kanya.


"Actually!" her lips puckered as she scrunched her nose and narrowed her eyes. Nagpa-cute pa ang gaga! "Pwede pa rin naman kasi naming araw-arawin kahit nasa bahay lang! Isa pa, I like our house better than our hotel suite in Maldvies! Apricity's ambiance makes me feel like every single day is a honeymoon!"


Aliw na aliw ako habang nakikinig sa kanya. I never really realized how much I missed her until now! God, I missed Einav Jynette so much. I can listen to her talk all day long.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon