36th

14.5K 681 401
                                    

Bawal pa rin



"Bridesmaids and groomsmen, please!" palakpak ng organizer.


Tinapik ako ni Adea para magpaalam. Kabilang siya sa mga abay kaya't kailangan nang pumila sa linya. It feels incomplete not to see Rae in the line. Balita ko ay hindi pa rin ito natatagpuan hanggang ngayon. The most-protected person in Calle Nueva disappeared like smoke in the air.


I watched Adea's back as she lined-up along the bridesmaid. Si Davion ang kapartner niyang groomsman kaya't ito ang katabi niya sa pila.


Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na si Calcifer ang bestman ni Ali. He may be the safest and most comfortable one to be paired with right now but he's just dramatic as ever. Sama ng loob agad ang bungad nito sakin dahil sa ilang taon ko raw na hindi pagpaparamdam.


"Wag mo 'kong kausapin," aniya pa kahit siya lang naman ang daldal nang daldal simula pa kanina.


"Hindi naman talaga," tapat ko sa attitude niya.


He even made a face and continued on his litany. Inusisa niya ako kung anong nangyari ngunit mailap din naman ako sa pagbibigay ng detalye. My answers to his questions were vague. Gayunpaman ay dama ko ang sinseridad sa pangungumusta niya. Sa huli tuloy ay hindi pa rin naibsan ang tampo niya na para bang siya ang bestfriend ko at hindi si Einj.


"Kulang ka lang ata sa lambing?" I kidded instead. "Nasan ba si Raya?"


"Nasa buwan," he grumpily spat.


I gave him a deadpan reaction. "Nagtatanong nang maayos yung tao,"


"Sumasagot nang maayos yung tao," balik niya.


Umikot na lamang ang mata ko.


Walking through the aisle gave me a chance to roam my eyes around the interior of Manila Cathedral. Churches always give me a nostalgic feeling. Sa ilang taon kong pagtira sa Basilan ay marami akong alaala pagdating sa simbahan.


"Ikaw?! Magseserve sa misa?" gulantang na tanong ni Emma. "Baket?! Magugunaw na ba ang mundo? Nag-iipon ka ng ligtas points?"


Hindi ko magawang mairita kahit ano pang pandadali niya sakin nitong mga nakaraan. I missed her. I missed Emma. Kahit madalas naman kaming nagkakausap sa telepono at nakakadalaw ako paminsan-minsan sa Tondo, iba pa rin yung kasama sya sa bahay.


She brought me to her hometown the moment she knew about my situation. Diretsahan ko rin namang sinabi na gusto kong lumayo sa syudad. Inalok ako ni Vernon na mag-ibang bansa at dun na rin tapusin ang pag-aaral ngunit tumanggi ako. In fact, that's not the only thing I declined to. Pinatigil ko na rin muna ang pagbibigay niya ng sustento. For some reason, I want to figure things out on my own. If I have to take the rough route then I will.


"Nung kelan lang, panay ang punta mo sa bayan para mangumpisal sa simbahan ah? Anong klaseng kasalanan—"


Alam ni Emma ang tungkol sa pagbubuntis ko ngunit wala siyang ideya tungkol sa ama ng dinadala ko. Sinabunot-sabunutan niya pa 'ko nung una ngunit hindi na 'ko inusisa. Sa lahat daw ng pwede kong manahin sa kanya ay bakit ang pagiging makati at batang-ina pa.


"Hayaan mo na nga lang ako." wika ko. "Isa pa, may scholarship para sa mga servants. Malaking tulong yun para sa pag-aaral ko,"


Lahat na ata ng gawain sa simbahan ay pinasok ko. I've been a gospel reader, an usherette, and even a mother buttler! Naranasan ko ring maging substitute sa animator at choir tuwing may absent kahit hindi naman talaga 'ko marunong sumayaw o kumanta.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon