39th

15.7K 739 342
                                    

Walk out




Inayos ko ang kumot na nakapulupot kay Archer. Mahimbing na ang tulog nito sa kama. Mukhang napagod sa paglabas namin ngayong gabi.


Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kung saan-saan ko pa siya inaya matapos naming pumunta sa bookstore. Sa pag-asang iiwan kami ni Aki kalaunan ay inabot na kami ng siyam-siyam sa pag-iikot. Sa huli ay wala pa rin naman akong takas dahil hindi kami nilubayan nito.


Tahimik kong sinara ang pinto sa kwarto paglabas ko. Natanaw ko si Aki sa living room. He was looking at the picture frames displayed. Napatikhim ako nang mapagtanto kung anong mga larawan ang naroon. Mostly were pictures of Archer when he was a new-born. Mayroon din kaming dalawa noong binyag at first birthday niya. Kung hindi ako nagkakamali ay naroon din ang paborito kong litrato noong ipinagbubuntis ko pa siya.


Nalayo lang doon ang tingin ko nang pasimpleng sitsitan ni Suzette mula sa kusina. Kumunot ang noo ko at nagtungo roon. Agad niya kong inabutan ng dalawang tasa ng kape.


"Ang bilis mo namang makahanap, 'te." aniya. "Nagbibiro lang ako kanina, nakapag-uwi ka agad ng lalaki. Kunwari ka pang ayaw mo, huh? Malandi ka! Ano? Siya na ba?"


Sa daldal niya ay tila gusto ko na lang busalan ang bibig niya. Sinaway ko ang gaga at halos sabunutan nang humaba pa ang leeg para sipatin si Aki sa sala.


"In fairness, ang gwapo huh! Magaling kang bata ka! Kamukha ni Archer... Parang carbon-copy," naningkit ang nakatanaw niyang mga mata at nanlaki nang tila may mapagtanto.


Bago niya pa tuluyang maisatinig ang reyalisasyon ay iniwan ko na siya roon. Inutusan ko pa siyang magligpit at matulog na habang laglag pa ang panga niya.


I cleared my throat as I made my way to the living room. Tahimik pa ring nakamasid si Aki sa mga larawan. He was carefully looking at each of it as if he was trying to take in every detail.


Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga habang nakatunghay. Umangat lamang ang tingin niya nang maramdaman ang presensya ko. Marahan kong inabot ang isang tasa ng kape sa kanya. Bagsak lamang doon ang mata niya nang tanggapin iyon. Neither of us said a word.


The rage in his eyes seem to have vanished after the talk we had on our way home. Sa byahe pa lang ay nakatulog na si Archer kaya't hindi na ko nagulat nang magsimulang magtanong si Aki. Karamihan ay tungkol sa naging pagbubuntis ko. Kumpara sa maikling sagutan namin sa mall ay mas gumaan ang dibdib ko sa usapan namin sa sasakyan. I noticed how something in his eyes changed from then on. May kung anong dumaan sa mga mata niya habang magkausap kami kanina.


Looking at him now, I realized something. Wala nang bakas ng pagbabaga sa mga mata niya. Tuluyan nang humupa. Napalitan iyon ng kung ano. Hindi ko mapangalanan.


"I'm sorry.."


Natigilan ako nang basagin niya ang katahimikan. Our eyes were fixed in front yet my heart is beating as if we're looking at one another.


"I'm sorry for not being there.." his voice was hoarse.


Gusto kong isipin na hormones lang ang dahilan ng pagiging madamdamin ko sa mga oras na ito. Tama. Magkakaroon na naman kasi ako. My period is approaching. Normal lang lang maging emosyonal. Normal lang magbara ang lalamunan. Normal lang ang munting kurot sa dibdib.


"I'm sorry too.." mahina ang tinig ko sapagkat takot na mabasag ito. Dumapo ang maingat niyang mga tingin sa akin. "I'm sorry for not telling you about it back then... I just can't bear to have you carry such weight at a young age.."


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon