19th

13.4K 661 279
                                    

Scared



"Guys, pasok! May announcement daw!"


Mula sa pinto ay bumuntot ako sa maliit na class mayor papasok sa silid nila.


Dumiretso ako sa gitna kung nasan ang teacher's table habang sya nama'y inisa-isa ang mga nakatayo para pabalikin sa pwesto. Tuwing may event ang SSG ay sa grade 9 ko talaga pinaka-ayaw matapat. Ang hirap kontrolin.


Mabuti pa ang mga grade 7 at 8 ay bata pa kaya nasisindak pa sa officers. Ang mga grade 10 at senior high naman ay matured na kaya't walang problema. But grade 9? Oh god. It's like they're all in the middle of puberty. May mga pasaway pa rin na akala mo bata. May mga maaangas na akala mo kung sinong matanda.


"Yung mga nasa labas. Ano?" pamewang ng mayor.


Rae waved at me from the corner. She was sitted properly on her chair. Kung may most behave award lang sana ay tiyak na kanya na. May mga bakanteng silya pa kaya't nagmartsa ulit palabas ang mayor.


Ang mumunting pintig sa dibdib ko mula pa kanina ay narito pa rin hanggang ngayon. Tahimik kong nilibot ang tingin sa classroom. Magulo pa rin kaya't mahirap tukuyin kung sino ang kulang. Isa lang ang sigurado ko.


Lumandas ang tingin ko sa labas at saktong nadatnan ang paparating na si Aki. He got a bunch of paper on his one hand. It got the veins on his arm showing. Napaayos ako ng tayo.


Kyuryoso ang mata niya nang makita ako. Imbes na sa upuan magtungo ay sa akin ito dumiretso. My brow arched.


"Kawawa ang mayor niyo sa inyo," bungad ko nang makalapit sya. "Kung san-san kayo nagpupunta."


His brow shot up, matching mine. "Inutusan ako."


Bumagsak ang mata ko sa nilapag niya sa teacher's table. It was a pile of corrected answer sheets, I noticed.


He asked me what I'm here for so I told him. Nag-uusap pa kami nang bumalik na ang mayor nila. Kahit may mga nakatayo pa at sa desk nakaupo ang iba ay nagsimula na rin ako.


"Pageant?" the girl in front excitedly squealed upon my first sentence. "Si Rae satin! O kaya si Nini!"


Hindi pa man ako tapos ay may pambato na agad sila. I continued explaining about the upcoming Mr. and Ms. UA&P kahit pa wala na halos nakikinig dahil abala na silang magplano.


"Si Aki sa lalaki!"


Sa narinig ay nginisihan ko ang katabi.


Ang supladong mata niya'y tamad lamang akong tinignan bago bumaling sa mayor.


"Ayoko," like a boss na sabi nito. Halos mapairap ako. "Besides, I already got judo on my plate."


"Edi ayos! May sports wear ka na agad," hirit ng isa.


Anumang kumbinsi nila rito ay bigo pa rin. Sa huli ay matigas ang pagtanggi ni Aki.


Tila dumoble ang edad ng mayor dulot ng stress. Kahit kasi sa babae ay wala pa silang representative. Even Rae declined saying she's too shy for it. Hindi bumenta ang excuse nya nung una ngunit wala ring nagawa ang lahat nang muli siyang magsalita.


"Sasali lang ako kung sasali si Aki," anito dahil kumpyansang walang sinumang makakapag-papayag kay Aki. Rae got her own wicked ways too, huh.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon