38th

15.5K 802 438
                                    

Not gonna let you



"Uwi ka na?" my co-worker Glenn asked as I clear my table.


I currently work in an Advertising company here in Manila. Collaboration lang actually. Sa maikling panahon ng pagiging freelance artist ay ito ang paborito kong proyekto sa ngayon. Mostly ay digital arts ang trabaho ko rito.


"Yup.."


"May curfew ka ba? Ang aga mo lagi umuwi," halakhak niya. "Dinner muna tayo!"


Hindi ko siya masisisi dahil totoo rin naman. Mula noong huling kita namin ni Einj noong nakaraang buwan ay halos opisina-bahay lang ang naging buhay ko. Kada tapos ng trabaho ay diretso agad ang uwi. Miski sa company dinner ay hindi ako sumisipot. It's fine though since I'm not a permanent employee anyway.


"Sinu-sino tayo?" tanong ko.


Nag-kibit siya. "Tayong dalawa lang,"


Gusto ko mang paunlakan ang paanyaya niya ay hindi ako pwede ngayon. I promised Archer that we're going to the mall tonight. Alas-singko pa lang naman pero alanganin na. Baka mapasarap ang kwentuhan at abutin pa kami ng anong oras ni Glenn.


"Next time," wika ko na lang sa kanya.


Imbes na madismaya ay tila nabuhayan pa ito. He took my word and made me promise that we'll eat out together soon. Natatawa pa ko nang sumang-ayon. Glenn is naturally spirited and he reminds me of Calcifer. Kaya noong una pa lang ay magaan na ang loob ko sa kanya.


"Nagpabihis na agad, 'te." bungad sakin ni Suzette nang madatnan kong naka-ready na si Archer pagdating ko sa condo. "Excited ata masyado sa lakad niyo,"


"No, I'm not." supladong tanggi pa ng anak ko bago nag-iwas ng tingin. "I just don't wanna waste time,"


Halos umarko pababa ang nguso ko nang ipagkrus niya pa ang braso. My little one is just so cute. I wouldn't trade these moments for anything else. Kahit ano pa yan. Mas pipiliin ko pa rin 'to.


"Si Archer na naman ang ka-date mo.." ani Suzette na binuntutan ako sa kwarto. "Hindi mo ba namimiss lumandi?"


Nagawa niya pang sumandal sa hamba ng pintuan na para bang ang tungkulin niya sa buhay ay ang makipag-tsismisan. Tinapatan ko siya ng pamewang.


"Ikaw? Hindi mo ba namimiss maging jobless?"


Nanlaki ang mata niya saka napaayos ng tayo. "Hindi ka naman mabiro, 'te!"


Sinugod niya pa ko para i-masahe ang balikat. Inalok ko siyang mag-resign na lang dahil mukhang mas bagay siyang masahista.


Yun lang pala ang makakapagpatahimik sa kanya. Sa huli ay nag-irapan lang kami bago niya dinaluhan si Archer sa labas. Napailing-iling ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tinanong ni Suzette kung wala na raw ba kong balak maghanap ng lalaki. Ewan ko ba sa isang iyon. She's making it seem like I'm missing out a lot in life just because I'm not dating.


Hindi ko naman itatanggi. I'm at that age. One by one, my friends are getting their life figured out. People around me are either getting engaged or getting married. Everyone's beginning to settle down and start a family of their own.


Habang ako ay kay Archer lamang umiikot ang mundo. Yet I feel like my life is just as wonderful. His existence brought so much color into my life. I can't even put into words how much he made living better. Everyday, I wake up with a heart so full knowing that I'm getting up with a purpose. And that is to look after this precious little bean named Archer. My child.


SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon